SASHA
NANG MATAPOS ANG MAINIT NA SANDALI ay ang lawak ng ngisi ni Vin. Inabot niya pa sa akin ang short ko, but I'm missing my underwear. Kahit hindi ko na 'yon pwedeng isuot dahil pinunit niya ay gusto ko pa ring kunin. Bwiset na 'to. Kakaunti na nga lang ang dala ko ay sinira pa ang isa. Inabot niya sa akin ang wetwipes at kleenex box na nasa mesa. He cleaned himself up habang ako ay tumalikod at nilinis din ang sarili ko. Salamat naman at may sanitizer.
"Give it to me," sabi ko sa kanya. I can't put my shorts on without an underwear.
"Give you what?" nagmaang-maangan pa ang loko. Nakabihis na ito at lumapit sa akin para hapitin ako sa baywang.
"Irvine!" Nanggigigil talaga ako sa kanya. Pumisil pa ang kamay nito sa pang-upo ko at wala pa rin akong suot na panty o shorts man lang!
"Sorry. . . not sorry. Ang cute kay— aray ko! Ano ba?"
"Anong ano ba? Akin na."
"Hindi mo na pwedeng isuot ito. Look at it. It's ripped." Ipinakita niya sa akin at wasak nga ito. Kapag isinuot ko ay hindi rin maaari dahil hati ito sa gitna. Damn. Nang kukunin ko na ay bigla niyang inilayo ang underwear ko at inilagay sa bulsa niya.
"Ugh! I did not expect you to be this annoying!" Sinuot ko ang shorts nang walang underwear at tatawa-tawa siya. "Stop laughing. Nakakainis ka talaga."
Inayos ko ang buhok ko at sinuklay-suklay ng kamay saka ipinusod.
"Are you ready to go?"
"Yes." Pipiksi pa sana ako nang akbayan niya ako palabas. Sa higpit ng braso niya sa akin ay hindi ako makakawala.
Nang lumabas kami sa salas ay wala roon sila JR. But I heard my son's laugh, nasa labas ang mga ito. Natanaw ko sila sa garden. Pumihit ako papunta sa taas dahil hindi ako komportable na walang suot na panty.
"Where are you going?" kunot-noong tanong ni Irvine.
"Upstairs to. . . get something."
"Sasamahan na ki —"
"No. Stay here and don't move," wika ko sa kanya nang may diin. Pasaway kasi itong si Irvine, pati ako ay nadadamay sa kalokohan niya. At ngayon ay napapayag niya akong magpakasal. Pag-uusapan namin ito ulit kapag nakaalis na sila Ma'am Pinky.
Mabilis akong nagpunta sa banyo at nag-shower pero hindi na ako nagbasa ng buhok. I just don't want to face his mother smelling like s*x. Damn. Kung bakit naman kasi walang kasing harot itong si Irvine at ako naman — walang kasing rupok. My gosh.
I felt better after washing up. Nagmadali akong bumaba ng hagdan at muntik ng masubsob kung hindi ako nasalo ni Irvine na naroon pa rin sa pinag-iwanan ko sa kanya kanina. I missed the last step and I would have been black and blue with a few broken bones if it weren't for him.
"Careful! Jeez. I didn't know you missed me that mu—aw!"
Kinurot ko siya sa braso at pinaningkitan ng mga mata. Wala bang oras na seryoso ito? Since he learned that I'm Sasha, wala na siyang ginawa kung hindi ang asarin ako.
"Nakakailan ka na, ha! Hindi bale, pagbabayaran mo naman 'yan mamaya. Hindi lang kurot ang gagawin ko sa —"
"Irvine Havard, kapag hindi ka pa tumigil ay tutuhurin na kita."
"Oops! Bawal 'yon. Hindi mo na ako mapapakinabangan kapag nabaog ako." He grinned at me.
Wala siyang kasing kulit. I can't imagine once we're married. Mukhang sasakit ang ulo ko sa kanya. Mabuti na lang at pumasok na sila Ma'am Pinky dala si JR kaya natigil ang asaran naming dalawa.
"Sasha, JR is so adorable. Matutuwa ang Daddy mo kapag nakita niya ang bulinggit na ito. Anyway, how did it go with your talk? Nakapag-set up na ba kayo ng petsa ng kasal?"
Tumikhim si Irvine. "Next weekend, Ma. I'm going to take a couple of days off from work para maasikaso namin ang mga documents na kailangan."
"Sounds good. I will take her shopping for her dress. Also, ipapadala ko rito si Lani para may kahalili si Sasha sa pag-aalaga kay JR. She needs to rest too."
"Ma'am hin—"
"Mommy."
"Hindi na po kailangan. Wala naman po akong gawain dito. Kayang-kaya ko na po si JR." She's right though. Kulang ako sa tulog at madaming beses akong antok na antok pero hindi makatulog dahil gising ang anak ko. But that's what mothers do, hindi ba at sabi nga nila ay matulog ka na habang hindi mo pa isinisilang si Baby? Kasi once raw na nakapanganak ka na, ka na matutulog nang mahimbing.
Natural na puyat ako sa tuwing iiyak si JR. At sa mga gabing tulog siya, pakiramdam ko madalas ay may mali. . . baka may masakit, baka nilalamig, baka naiinitan, baka basa, baka nagugutom. It's never ending. Being a mother is forever. And no matter how old my child is, kahit pa makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng sariling pamilya si JR — mananatiling siya pa rin ang baby ko.
"I insist. At least take her for one month para naman makapahinga ka. After that and you still feel the same way, let me know and I will take her back. You can't take care of JR if you're too exhausted. Kailangan mo ring alagaan ang sarili mo," masuyo nitong sabi sa akin. She sounds like the perfect mother.
Kahit naman noon pa ay napaka-soft spoken niya kapag nasa New York. May bahay din sila sa LA pero mas madalas sila sa Manhattan lalo na kapag may fashion show si Venice. Part time model pa lang siya noon dahil busy pa siya sa trabaho hanggang sa nag-full time na.
"Sige po. Thank you." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.
Lumapit naman sa akin si Verona. "Masanay ka na kay Mommy. Ganyan talaga 'yan. She's always looking at everybody's welfare."
"Vin, don't forget to take her in some place romantic after the wedding. Your Dad and I can take care of JR while you are away," sabi ni Ma'am Pinky.
"Po?"
Natawa ito. "Don't be embarrassed. Natural lang na mag-honeymoon kayo. Heto na nga ang ebidens'ya — isang cute na cute ni Baby. My goodness, kamukhang-kamukha mo siya, Vin."
Totoo naman kamukha ng ama niya si JR. Wala yatang nakuha sa akin ang bata kahit kaunti. Nasaan ang hustisya? Ako ang nagdala ng siyam na buwan pero paglabas ay si Vin ang kamukha?
Tumikhim si Ma'am Pinky. "You know, ang sabi nila kapag kamukha ng bata ang ama. . . mahal na mahal ng ina ang ama nito."
Ramdam ko ang paglapat ng mainit na titig ni Vin sa akin. s**t. Buko na ba ako?