Chapter 11

969 Words
IRVINE HINDI MAN AMININ NI SASHA pero alam kong may bumabagabag sa kanya. Malalaman ko rin ‘yon. And what’s the use of my money kung hindi ko kayang protektahan ang mag-ina ko? Lani will be here tomorrow and I was thinking of hiring another maid. Pareho silang stay in. I wasn’t sure if Sasha knows how to drive, but I will hire a driver/bodyguard. A couple of them won’t hurt. Para naman may maiwan sa bahay kung wala ang isa. So I started calling a few people and tomorrow they will be here. I left her sleeping in bed at natutulog pa rin si JR. More than twenty hours flight can rob you so much energy. Just when you think nakabawi ka na ng lakas, you will find yourself sleepy once again. Inabala ko ang sarili ko sa pag-assemble ng crib. Alam ko, mas makakatulog nang maayos si Sasha kung nasa parehong kwarto ang anak namin. I was thinking of decorating the baby room. Itong adjoining room ang para kay JR para ma-aarange namin ang mga gamit niya. I will ask Ate Nikki if she has time to do some interior design for my son. Ngayong malalaki na ang mga anak niya ay nabo-bored daw siya—as if hindi pa siya busy ang pagiging doktor niya. It’s amazing how she and Kuya Hunter find time to travel together. I sent her a text message and she replied quickly. As expected, nagulat siyang malaman na may anak na ako at gusto niyang makita ang picture ni JR para makapag-isip ng babagay na design. Nag-hire rin ako ng private investigator at kung magalit si Sasha later, at least, alam kong safe siya. That’s the thing with secrets. You think it’s going your way and suddenly, sasabog na lang sa mukha mo bigla. Nasaan ba ‘yong isang turnilyo ng crib? Sa dami ng kausap ko kanina, kasehodang weekend ay binulahaw ko sila, nawala tuloy ako sa kasunod na instruction. It’s frustrating pero nang makita ko ang anak kong natutulog sa kama, kahit sumakit ang ulo ko rito sa crib ay napangiti ako. Nilagay ko sa kwarto namin ang crib ni JR nang mabuo ko ‘yon. Sinunod ko namang isalang sa washer ang mga bedsheets at damit ng anak ko. It’s on the same floor at malapit lang dito sa kwarto. Ang main laundry room ay nasa baba. Sasha is a strong woman. Kinaya niyang palakihin mag-isa ang anak namin. Hindi biro ang manganak sa New York at maging isang single mother. Diaper at gatas pa lang ay malaking gastusin na. And she didn’t come to me for help. Ngayon lang — malakas ang pakiramdam ko na kung wala sa panganib ang buhay niya ay hindi siya lalapit sa akin. I was such an idiot this morning! The washer made a sound to let me know it’s done. Sinilip ko muna si JR at tulog na tulog pa ito. Sandamakmak ang unan na nilagay ko sa paligid niya para hindi siya gumulong at mahulog sa sahig. I took out his clothes from the washer at nilagay ko sa dryer. Nakakatuwa palang maglaba ng maliliit na damit. Parang laruan lang. Twenty minutes later at tuyo na ito. Nasa huling tiklupin na ako nang magising si JR. Dito ako sa kwarto niya nagtiklop and my son is in a good mood. Lumapit ito sa akin at kumalong. “Are you hungry?” Nag-research pa ako sa internet at salamat kay Google alam ko na ang ipapakain sa kanya. Sasha is still sleeping. Karga ko si JR at bumaba kami sa salas. Some of his toys are still there in the playmat. I gave him a little bit of milk at saka nagluto ng carrots then I put in the blender. I mashed it afterwards. Mahilig pala ang bata-batutang ito sa carrots. I will try squash tomorrow. When he finished everything, nanood kami ng baby shows. He likes listening to songs so I picked the ones with nursery rhymes. JR was giggling in no time at saka tumahimik. And then I smelled something funny — ‘yon pala ay kailangan ng palitan ng diaper. “Ah. You need to be changed, bud. Come on, let’s get you washed. I used to babysit your Kuya Mike and I’ve changed quite a few diapers.” Ang panganay ni Kuya ang alaga ko noon kapag may out of town trip sila ni Ate Mich, pero isang taon mahigit na si Mike noon at lumalakad na — unlike ni JR na baby pa. I washed him in the shower at tuwang-tuwa naman ito. Nang balutin ko siya ng tuwalya at dalhin sa kama niya ay nakipaghabulan pa ako dahil gumapang ito sa kabilang dulo. Huminto lang siya nang bigyan ko ng laruan. Makulit rin. When he was all changed, he put both his arms in the air. Gustong magpabuhat at nang kunin ko ay naghikab na uli. Babies do sleep a lot. Sinilip ko si Sasha at tulog pa rin ito. Mabuti na lang at Linggo bukas. I can take them shopping for more items they need. Plus, I need to get rings for our wedding. Wala pa kaming susuotin kahit na civil wedding ‘yon. Sana may resulta na ang imbestigasyon before Wednesday. Our wedding is set on Saturday at nag-leave na rin ako ng Lunes. Verona did too, siya ang magbabantay kay JR dito sa bahay. Kung mayroon mang may kakayahang magtanggol kay JR habang wala kami — it’s her. She trained with Tita Anne. Ka-sparring niya si Heather at Hailey and those two are deadly. Ano pa kaya ang kanilang ina? Nevertheless, pakakalatan ko ng bodyguards ang buong bahay at ipapa-upgrade ko ang security system ng bahay bukas. Sasha and JR are staying with me. Not for six months — but for always.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD