IRVINE
HE WAS JUST ABOUT TO GET UP when I went in. Sapo niya ang kanyang ulo. I'm going to check his temperature before he eats. There's a thermometer in the drawer near my bed.
"Where are you going?" tanong ko sa kanya nang mailapag ko ang tray ng pagkain sa night table niya.
"Washroom, I will be right back," nakangiwi niyang sabi sa akin. He left his phone on the bed and it was tempting to pick it up and check.
How that woman knew his number I have no idea — that means she is texting him too, right? Kung ano-anong pumapasok sa isip ko at dahil shaky na ang umpisa namin. Kapag may mga ganitong dumarating na problema ay hindi ko maiwasang magduda at panghinaan ng loob. Sa huli ay hinayaan ko na lang ang telepono niya sa kama at hindi pinakialaman. He deserves to have privacy just like me. Hindi niya kailanman pinakialaman ang mga gamit ko.
Nang magbalik siya ay umupo siya sa kama. Pamayamaya ay sumandal siya sa headboard. He looked at me and smiled with tenderness in his eyes. But right now, I couldn't give the same thing to him. It hurts to smile— or even just look at him. Hindi ko naman siya maiwan sa ganitong kondisyon niya. And it's all because of his ex.
You know that feeling na napilitan ka lang pakasalan dahil hinihingi ng pagkakataon? But then also, he wasn't denying the fact that he is attracted to me at patunay ang naganap sa study noong inaya niya akong magpakasal.
The way he cares for our son is amazing. At kahit ang pagpapahalaga niya sa akin ay ganoon din. Katulad na lang noong pinapagpahinga niya ako para makabawi ako sa puyat at siya ang nag-aalaga kay JR. Humaplos ang gesture niyang ‘yon sa puso ko. Iyon nga lang, hindi naman niyon binago ang katotohanan na pinakasalan niya ako hindi dahil sa mahal niya rin ako.
Kinuha ko sa gilid ng kama ang mababang folding table. We use it for the laptop most of the time, pero pwede rin itong gamitin para sa pagkain. "Kain ka na, pagtapos inumin mo itong dalawang tylenol. Check ko lang ang temperature mo para alam ko kung gumana ang gamot."
Tumango naman siya at hinayaan akong gawin ang kailangan. I took the tympanic thermometer from the drawer at pinalitan ng plastic ang dulo nito saka ko inilagay sa loob ng tenga niya. When it beeped, it indicated thirty-eight. May lagnat nga siya.
"May lagnat ka nga. Trenta’y otso ang init mo. Kain ka na." Pero hindi siya gumagalaw at nakatingin lang siya sa akin. "What is it? Don't tell me hindi masarap, hindi mo pa natitikman."
"It's not that."
"Then what? May gusto ka bang kaining iba?" tanong ko sa kanya. Sabagay, first time ko kasing mag-alaga sa kanya at hindi ko naitanong kung ganito ba ang kinakain niya kapag may sakit siya.
"Ikaw."
Nalaglag ang panga ko. Tama ba ang rinig ko? "Ha?"
"Sabi ko ikaw. Ikaw ang magsubo sa akin," nahihiyang sabi niya sa akin.
Napahiya ako sa aking sarili. Prudence, bagalan mo naman ang takbo ng isip mo at kung saan-saan na nakarating. I know you're hurting right now, pero pwede mong bang iisang tabi muna 'yan para maintindi mo ang iyong asawa?
"My arms hurt. My whole body actually, and I don't have the appetite. But if you feed me, I will eat it."
"You're kidding. . ." mahina kong bigkas.
"I'm not kidding. But if you don't want to do it, then it's fi—"
"Alright, I will do it." Pinaglapat ko ang mga labi ko at sinimulan siyang subuan.
Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang ngiting tagumpay niya. He's got me wrapped around his finger at gustong-gusto naman niyang sinusunod ko siya. Kung pwede lang na hindi siya subuan ay ginawa ko na. But I know he has a medication to take at hindi pwedeng walang laman ang tiyan niya. Hindi na nga siya nag-agahan, hindi pa nagtanghalian.
Kape lang ang laman ng sikmura niya, pwede ba naman 'yon? Kung tinatamad siyang lumabas ay pwede namang magpa-order siya sa sekretarya niya. I wonder if he has always been this way. Noong bago kami ikasal, tuwing agahan ay nagkakape lang siya sa bahay at sinasabing sa office na kakain ng tinapay dahil maaga pa raw. Then he would text me at noon para itanong kung kumain na kami ni JR. Kapag tinatanong ko kung kumain na siya ay oo raw.
Nasa huling subo na ako nang magsalita siya at gagapin ang libre kong kamay sa kama. "I missed you."
Takot akong salubungin ang mga mata niya at baka maging marupok na naman ako. Because the truth is, I missed him too. I missed my husband so much. I know what you're thinking — s*x. But it's more than that, I wanted to be held. Kahit yakapin niya lang ako habang natutulog kami, sapat na sa akin. But since we came home from our honeymoon, daig pa namin ang may pader sa gitna. At sa kama, kulang na lang ay maglagay kami ng mga unan sa pagitan namin.
No one wanted to surrender. He doesn't want to tell me what happened with Arianna. And I didn't want to tell him more about myself. I was probably already judged but you know what? The less he knows, the better. If that means keeping him safe, I can take his coldness towards me anytime.
Isinubo ko sa kanya ang huling kutsara na may lamang sopas na nabinbin sa ere. Matapos niyang malunok ay tumayo na ako sa kama para ibaba ang tray sa kusina. Noon niya ako pinigilan.
"Don't go yet. We are not done talking."
"But you're done eating. Ibababa ko lang ito at baka ipisin tayo sa kwarto," sabi ko sa kanya. Pinilit kong pagaanin ang usapan namin at hindi pansinin ang sinabi niya.
"I said I missed you, but you never responded. Galit ka pa ba sa akin?" May lumbay ang tinig niya at malapit ng matunaw ang tampo ko kahit may panibago na namang amba.
"Hindi ako galit sa 'yo. I just wish you can tell me what happened."
"I'll tell you everything you want to know later. Kiss me first."