Chapter 2

1027 Words
IRVINE NANG MATIYAK KONG MAAYOS na sila sa kwarto ay bumaba ako uli at nagtungo sa kusina. I need coffee for this. Iniisip ko pa rin kung nagkita na kami at kung anak nga siya ng kasambahay namin sa New York. Gusto ko sana siyang tanungin pa pero mukhang pagod na pagod siya. Mamaya na lang kapag nakaidlip na siya. I checked my phone at may missed call si Venice sa akin. I scrolled some more at si Verona naman. Ang huling dalawang missed calls ay galing kay Kuya. Ano bang nangyayari? Hindi ko tuloy alam kung sino ang unang tatawagan sa kanila. Pero bago pa ako nakapili ay nag-ring na ito ulir at ang panganay kong kapatid ang nasa kabilang linya. "Irvine, where the hell are you?" madiin ang tinig ni Kuya at tinatawag niya lang ako sa pangalan ko kung may kasalanan ako. Usually ay Vin ang tawag niya sa akin katulad ng mga kaibigan ko, along with the rest of the family. "Kuya, may problema ba?" tanong ko sa kanya. Hindi naman ako magtatanong kung alam ko eh. Ano bang mayroon sa araw na ito? Daig ko pa ang na-engkanto. "Is Prudence there with your child?" diretsong tanong nito. "Ha? Kilala mo siya? Oo nandito siya at nagpapahinga kasama ang anak niya." "Anak ninyo. Anak mo si JR," sabi niya. Napatawa ako sa tinuran niya. "Kuya, wait lang ha. Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko nga siya matandaan. Paano ko naman siya bubuntisin?" "Irvine, this is not funny! Sa akin nagagalit si Mommy dahil ako ang kasama mo sa New York noon. She said I was responsible for you. For Pete's sake, you're in your late twenties then! Kailangan ba talagang bantayan ko pa ang bawat kilos mo? The least thing you can do is use a condom when you're with a woman kung ayaw mo pang maging ama!" Bahagya kong inilayo ang telepono sa tenga ko dahil napakalakas ng boses niya. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari lahat ng ito. So I was right, sa New York nga. Pero hindi naman siya ang kasama ko noong gabing 'yon. It was Regina. "Kuya, I will sort this out. Calm down. Just please let Mom know I'll fix it." "You better. She will be there before the end of today." Nagpaalam na ito at narinig ko ang pag-iyak ng baby sa taas. Ibinalik ko sa bulsa ang phone ko at tinanaw ang bahagyang nakaawang na pinto sa kwartong inookupa ng mag-ina. Pagbalik ko sa kusina ay malamig na ang kape ko kaya gumawa ako ng bago. My phone remained quiet for the time being, pero kailangan kong paghandaan ang pagdating ni Mommy. If you have met Claire Havard, then you know what I'm saying. Mabait kung sa mabait, but even my father is afraid of her when she's mad. Baka sa tanda kong ito ay mapalo pa niya ako. My coffee was halfway done nang makaramdam ako ng gutom. Baka gutom na rin si Prue at hindi lang makapagsabi. Naglabas ako ng hotdog, bacon, at apat na itlog. I could do a sunny side up or scrambled eggs. Siya na lang ang mamili. Mom taught us to be independent at hindi raw dapat umasa sa magiging asawa namin para ipagluto kami. She said, marriage is a give and take relationship at hindi raw porke’t babae ay siya na lang ang aasahan namin na gagawa ng lahat. I sliced some oranges and prepared a couple plates. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Gaano na ba siya katagal natulog? Nang tingnan ko ang relo ay isang oras pa lang ang nakakaraan. Baka jetlag pa siya. Nakarinig ako ng ingit ng bata. Mabuti na lang at tapos na akong magluto. Mabilis akong umakyat sa taas at baka hindi ito narinig ng kanyang ina. Baka mamaya ay mahulog pa ito sa kama. Nang makarating ako sa kwarto ay gising na ito at nakasibi pero nang makita niya ako ay ngumiti at itinaas ang kamay— nagpapabuhat. Naputol siguro ang tulog niya nang makaramdam na wala siyang katabi. "Hi JR." Kinuha ko siya at hinele. Kung kanina ay hindi ako marunong kumarga ng bata, ngayon naman ay parang natural na para sa akin na buhatin siya. Subo niya ang isang daliri at mapungay na ulit ang mga mata. Isinayaw-sayaw ko siya. Hustong pikit naman nito ay bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Prue na nakabalot lang ng tuwalya at basa ang buhok. I felt myself harden the moment I saw her came out. s**t. Sana ay hindi niya mapansin ang pamumukol sa gitna ng mga hita ko. Sino ba ang hindi maaakit sa kanya? Para siyang modelo ng isang sikat na underwear. Maihahalintulad mo siya sa mga modelo sa magazine na nag-aadvertise ng Calvin Klein, Guess, at kung ano-ano pa. Nakakapanuyo siya ng lalamunan. "Nagising ba siya? Saglit lang akong naligo dahil nanglalagkit na ako." "Uhm—" "Magbibihis lang ako. Pwede mo na siyang ilapag kung tulog na siya." Hinagip nito ang bihisan niya at pumasok uli sa banyo. Hindi ko tuloy alam kung ilalapag ko at iiwan ang bata sa kama o bababa na sa salas. Pinili kong ilapag ang bata sa kama at palibutan ng unan sa may gilid para hindi ito mahulog. Hindi na siguro magtatagal si Prue sa banyo at lalabas na rin kaagad. Bubuksan ko na lang ang pinto nang may mapansin akong may nalaglag si Prue sa sahig. It was a her panties and it was made in silk. Damn. Lalong nanikip ang pantalon ko. Pagtuwid ko sy akmang kakatok sana ako sa pinto ng pinto ng banyo, kaso bumukas ‘yon. Kaya heto, nakita niya akong hawak ang panty niya. Biglang namula ang mukha ni Prue at hinablot sa kamay ko ang underwear. "Pervert!" Sinara niya ang pinto nang malakas sa may mukha ko. Ako pa ang talaga ang pervert? Siya na ang nakalaglag, pinulot ko na nga para ibigay sa kanya tapos ako pa ang manyakis? This set up is bound to be interesting. Ang problema ko ay mabilis mag-react ang katawan ko sa kanya. f**k. Baka mamaya ay masundan na si JR.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD