TUMUNOG ANG CELLPHONE NI CARA—SENYALES NA MAY ISA SIYANG NATANGGAP NA NOTIFICATION. Noong una ay hindi niya pinansin ang device na nakapatong lang sa kanyang office table. Gano’n din ang ginawa niya sa pangalawang beses. Tiyak na galing lang kay Jude iyon. Patuloy siya sa pagbabasa ng isang dokumento. Ngunit nang tumunog sa pangatlong beses ang kanyang cellphone, binitawan niya ang hawak na papel saka dinampot na iyon. Sumandal siya sa backrest ng swivel chair. She turned on her phone and unlocked it. She clicked the Facetagram immediately where the notification was coming from. As she proceeded to the notification section, she almost dropped from her seat when Silas’ name appeared on the screen. Kung may iniinom lang siya, baka nasamid na siya. Ang kaso laway na nga lang ang bumabasa

