Chapter 10

2260 Words

HINDI PA RIN sinasagot ni Diane ang tawag ni Kendra. Nag-aalala na talaga siya sa pinsan. Naisipan niyang dumaan sa ZL Lounge, baka nando’n ito. Mabilis na pinarada niya ang kotse at nagmamadaling pumasok. Inilinga niya ang mata at hinanap kung nandito ang sadya. Tiningnan niya ang lalaking nasa counter. Wala nga pala si Dave ngayon. Nilapitan niya ito at tinanong kung nandito ba si Diane. “Ilang araw na pong hindi pumapasok Ma’am, eh. Wala rin naman pong nasabi si Sir Ezekiel kung nasaan po.” Mukhang mabigat din ang dinadala ng pinsan niyang iyon. Ngayon, malinaw na sa kanya kung bakit hindi ito pumasok. Hindi man lang siya nito tinawagan. “Gano’n ba, sige salamat, huh!” ’Yun lang at umalis na siya. Bubuksan na sana niya ang pinto ng sasakyan nang mag-ring ang cellphone niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD