Chapter 15

2265 Words

KINAGABIHAN, ALAS-OTSO NA nang nagising si Kendra. Hinanap niya kay Diane ang biniling pregnancy test. Ibinigay naman nito iyon sa kanya at sumunod ito sa kuwarto niya. Makaraan ang ilang minuto, matapos patakan ng ihi ay pumikit siya. Sobrang kinakabahan siya. Ngayon lang rumaragasa ang kaba niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at muntik na siyang mabuwal sa pagkakaupo sa toilet bowl nang makita ang resulta. “Positive, magkakaanak na kami!” sigaw niya sa isip. Bigla siyang nalungkot. Sana kaya siyang panindigan ng binata, sana wala itong nobya. Ang daming sana. Samo’t sari na naman ang pumapasok sa isipan niya. Paano na sila ng magiging anak niya? Naawa siya sa magiging anak niya. Napatigil siya pag-iisip nang kumatok si Diane. Binuksan niya ito at lumabas na. “Confirmed?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD