Kabanata 4

1187 Words
Isang oras ang naging biyahe bago tumigil ang sasakyan sa isang malaking gate. Pataas ang pagpunta rito dahil tila nasa mataas na lugar nakatayo ang mansion na pupuntahan nila. Indeed, it is. Malayo sa mga villages and villa na makikita sa syudad. Napa-wow pa sa isip si Uriel nang pumasok sa loob ang kotse. Ito kaya ang nakikita ng lolo at lola niya kapag lumalabas sa lugar nila? Malaki. Ang laki kumpara sa bahay na tinitirhan niya. Pero wala na ang mga taong naninirahan doon. Wala na s’yang makakasama. Tumingin siya bigla kay Alexiel at tinawag ito. The man opened his eyes and looked towards Uriel. “Ano iyon?” tanong ng lalaki. Mugto ang mata ng dalaga at buti na lang na natigil ito sa pag-iyak. “Naiwan natin sina Nissan at Nissin,” mahinang aniya ng dalaga. Baka hinahanap na siya ng mga ‘yon at natatakot mag-isa. Ang masama pa ay baka patayin din ito ng mga pumatay sa lola at lolo niya. “They are with us. Nasa kabilang kotse sila. And don’t worry about your grandparents. I will have a proper burial for them.” sagot ni Alexiel. Knowing Uriel, she will really go back to get them. This was his fault though. Importante ang mga alaga nito sa dalaga kaya inutusn niya ang isa sa mga tauhan na dalhin ang mga iyon. Surprisingly ay behave na behave ang mga ito siguro ay dahil sa trauma na putukan ng baril. Nissan and Nissin, what a funny name. Ngumiti si Uriel sa nalaman. “Salamat.” Mabuti at nakasama niya. Hindi niya alam ang p’wedeng mangyari kapag naiwan ang mga ito doon. Baka nga samahan pa nito ang lolo at lola niya habang naghihintay sa pagbabalik niya. Ilang sandali pa pumarada ang kotse sa tapat ng malaking pinto ng mansion. Gab went outside to open the door for Alexiel. The man stepped outside and motioned to Uriel to get out too. Lumabas si Uriel habang alertong nakatitig sa mga lalaking lumabas din ng kotse. Nakakatakot ang mga awra nila at inaamin niya na kinakabahan siya. Si Alexiel lang ang kilala niya dito. Napakapit siya sa laylayan ng damit nito. Napataas ang kilay ni Gab at hindi na ito pinansin. Ano kaya ang magiging reaksyon ng Don kapag nalaman niya na may kasama ang kapatid nito? Well, this woman saved their underboss. “Let’s go.” Pumasok ang mga ito habang nakasunod naman si Uriel sa likod ni Alexiel. Pagtapak niya sa loob ay may mga nakahederang katulong magkabila. “Welcome back, Sir Alexiel,” sabay-sabay na bati nito. Alexiel dismissed them and called one of the maids. “Sir?” Kinuha ni Alexiel ang braso ni Uriel at pina-move forward ito para makita ng maid. “Dalhin mo siya sa kwarto sa second floor. If she asks anything, give it to her. And buy her clothes.” Tumingin ang lalaki sa dalaga at tumango. “I will find you later. Ipapasunod ko na rin ang alaga mo sa loob. Don’t let them wonder outside. Rest.” Marahang napatango si Uriel. Ganito pala kayaman ang natulungan niya. “S-Salamat, Alexiel.” Namilog ang mata ng kasamabahay nang tawagin ng dalaga sa pangalan ang boss nila. Everyone addresses him as Sir or Boss, pero ang babaeng ‘to ay nangahas na tawagin sa pangalan ang kapatid ng Don. The maid pursed her lips. “Masusunod po, Sir Alexiel. Miss, halina po kayo.” Sumunod si Uriel habang inililibot niya ang paningin sa loob ng bahay. Nakakamangha. Tila ba isa itong kastila ng prinsesa. Nasa gitna ang malaking hagdan papunta sa ikalawang palapag. Nakita niya rin sa magkabilang gilid kanina ang dalawang living room. Marami siguro ang nakatira dito dahil marami rin ang mga kasambahay. Nang nasa second floor na sila ay maraming pinto ang naroon. Sinamahan siya ng maid sa kanang hallway at sa dulo sila ng isang pinto sa corridor sila tumigil. “Dito ang magiging kwarto mo. Halika.” Pumasok silang dalawa at nagningning ang kanyang mata nang makita ang silid. Wow! Ganitong-ganito ang nai-imagine sa mga nabasang libro. Pero mas maganda ngayong nakita niya na. Halos lahat yata ng mga gamit dito ay mahal kaysa sa total ng mga gamit nila sa kanilang munting tahanan. Tiningnan ng katulong ang dalaga mula ulo hanggang paa. Hindi nila alam kung kaano-ano ito ng amo nila, pero mas mabuti nang mag-ingat dahil mukhang close nito ang kanilang amo. “Kung may kailangan ka, tumawag ka lang sa teleponong iyon.” Turo nito sa telepono na nasa gilid ng cabinet. “I-click mo lang ang numerong lima at may sasagot doon," dagdag nito saka tumungo at lumabas ng kwarto. Napahinga ng maluwag si Uriel. Mukha kasing napakaseryoso ng maid na iyon at hindi man lang magawang ngumiti. Gano'n din naman si Alexiel. Umupo siya sa malambot ng kama at ilang sandali pa ay humiga. Pinikit niya ang kanyang mga mata at muling inalala ang nangyari. Hindi niya alam kung ano ang magiging kapalaran niya ngayong wala. ang kanyang pamilya. --- Samantala, nagbihis naman si Alexiel bago pumunta sa ikatlong palapag kung saan naroon ang opisina at kwarto ng Don. He knocked on the door and opened it when he heard the man’s permission. “Don,” bati ni Alexiel sa taong nakatalikod ngayon sa kanya habang nakaupo sa swivel chair nito. Ang tanging nakikita niya lang ay ang ulo nito, kamay na nakapatong sa armchair at ang naka-dekwatro nitong paa. “It’s good that you’re alive, Alexiel. I thought you followed our deceased parents,” kalmadong wika nito. Alexiel just smirked. “Well, are you not afraid that they’ll come up and visit you?” Umikot ang swivel chair nito at tuluyang nakitang muli ni Alexiel ang mukha ng kapatid. “Why would I be afraid of someone who’s no longer around? I heard you brought a woman? Do you know what would be the consequences of your action?” may pagbabantang tanong ng Don. He clasped his both hands at pinatong ang braso sa mesa. Nagbago ang mukha ni Alexiel nang maalala ang dalaga ngunit agad ding bumalik sa dati ang ekspresyon nito. Though, the Don already noticed it. Bilial already reported about it. “She saved my life, Don. Don’t worry about her. I will be the one to take care of her while she’s here.” Isa pa kasalanan niya kung bakit nasa ganitong sitwasyon ang dalaga. He owed her his life. “I see. I want to meet the girl who saved my brother. That you even wanted to take care of her.” Alam ni Alexiel kung ano ang pinapahiwatig ng Don sa kanya. He can’t let him harm Uriel. He narrowed his eyes on him. “Don’t scare her, Azrael. She’s now under my protection. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakabalik dito,” mariing tugon ni Alexiel sa kapatid. Nginisihan lang siya ni Azrael. The man chuckled darkly. “Let’s see.” If this woman enchanted his brother to be like this, he might end her life in just a matter of seconds. They don’t need a woman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD