Kabanata 6

1220 Words
Kampanteng umupo si Azrael sa nakalaang upuan nito saka kumuha ng utensil upang magsimulang kumain. Tila ba hindi nito nakita si Uriel at nagsimulang kumain. Doon din nagsimulang kumain ang mga lalaking kasama nila sa mesa. Nahihiya pang inangat ni Uriel ang mga kamay par magsimulang kumain.Napakagat siya sa labi nang unti-unti at maingat s’yang sumandok ng pagkain sa mesa. Ang awkward. “We have a guest. May we know her name?” nagsalita ang consigliere ng Don na si Riego. The man looks so gentle but behind those appearances shadows a man who’s unforgiving and ruthless who will kill without mercy. Napatigil si Uriel sa pagsubo ng kanin. Napaangat siya ng tingin at hinanap kung sino ang nagsalita. Nakita niya ang mala-modelong mukha ng isang lalaki na kalmadong nakatingin sa kanya. Kumpara sa mga kasama niya rito sa mesa ay tila magaan ang pakikitungo nito. Wala mang bahid na kahit ano sa mukha nito ay hindi naman ito katulad ng iba na nakaka-intimidate. Even Riego knows who she is, the man was just acting. “Uhm, a-ang pangalan ko ay Uriel,” mahinang sagot ng dalaga. Kumuha pa talaga siya ng lakas para sabihin iyon dahil pakiramdam niya ay hindi siya makakaalis dito kapag wala s’yang sinabi. “Uriel. Uriel is also known as the angel of wisdom and truth and is regarded as the Light of God. Your name is primarily a name for a boy,” komento ni Riego. Ngumiti lang si Uriel at mahinang tumango. Tama. Panlalaking pangalan nga iyon, pero iyon ang ipinangalan sa kanya ng ina. Inang hindi niya nakita o naramdaman sa pagtanda. “An angel? What is she doing in the turf of Lucifer?” Narinig niya kay Bilial na bumalik sa pagkain. Huh? Ano’ng sinasabi nitong Lucifer? “It suits you,” muling komento ni Riego saka nakipag-usap kay Azrael. Hindi maiwasang magnakaw ng tingin si Uriel sa lalaking nakakuha ng atensyon niya nang pumasok ito sa kitchen. Napaka elegante nitong kumain at bawat galaw nito ay nakakakuha ng atensyon. Azrael can feel her obvious stare but he didn’t care and just talked with Riego regarding their business. Napapikit na lang ng mariin at napahinga ng maluwag si Uriel dahil sa bigat ng atmosphere. Gusto niya nang umalis at umakyat sa kwarto. Nagpatuloy siya sa pagkain at ilang sandali lang ay may pares na ng mata ang nakatingin sa kanya. The pair of eyes glinted darkly as it looked away. --- Pagkatapos kumain ay tataas na sana si Uriel dala ang pagkain nina Nissan at Nissin nang pigilan siya ni Alexiel at dinala sa tagong hallway. “I have to warn niyo to stay away from the men here, lalo na ang Don.” “Ang Don? Ang tinutukoy mo ba ay ‘yong lalaki kanina? Boss mo ba siya, Alexiel?” sunod-sunod na tanong ni Uriel sa binata. Alam n’yang delikado nba ang mga lalaki dito, pero hindi niya mawari kung ano ang mga ginagawa nito. Nakita n’yang pumapatay ito, pero dahil iyon sa mga kalaban na gusto ring patayin sila. Sa tingin niya nga ay isang organisasyon ito ng army. Iyon bang gumagawa ng mga sikretong misyon. Alexiel pursed his lips before answering, “Yes. He’s my boss and he doesn;t like people going around and getting in his way. Hindi ko maipapangako na safe ka dito, Uriel, pero wala kang ibang mapupuntahan kung hindi dito. And by the way, I will be going back to Maute to give your grandparents a burial. I’m sure sasama ka. Bukas pa naman iyon. Tandaan mo palagi ang sinabi ko, Uriel. Don’t get in his way and don’t appear in front of him often.” Hindi alam ni Alexiel, pero iba ang pakiramdam niya ngayong narito ang dalaga. “Tatandaan ko ‘yan, Alexiel. Maraming salamat sa tulong mo. Hindi ko alam kung saan mapupunta ngayong wala na akong pamilya.” Hindi rin naman kabisado ni Uriel ang lugar sa labas. Alexiel nodded in satisfaction. “That’s good. Just stay in your room at kung bored ka na you can go outside in the backyard.” Ngumiti lang si Uriel bilang sukli saka umakyat pataas. Nang makarating siya sa ikalawang palapag ay nakita niya ring pababa muli ang sinasabi nilang Don na galing sa third floor. Naestatwa pa siya ngunit bigla ring tumakbo papunta sa kanyang kwarto nang mapatingin sa gawi niya ang paningin nito. Sana hindi siya nakita nito. --- Riego let out a small chuckle when he saw Uriel running away as if she saw a ghost. Napatingin sa kanya si Azrael at napailing. “Having her here might not be bad at all, Don,” aniya niya habnag pababa sila ng hagdan. After they talk about inquiring a small portion of the Hu Shipping Lines ay napansin niya na tila nakatulala lang si Azrael ngunit nang tanungin niya ay nakasagot naman ito. Hindi rin nakatakas sa kanya ang tinging ibinigay nito sa dalaga habang nasa mesa at kumakain. He just hopes that he doesn't fall in love because it will be his downfall, a high possibility of De Luca’s destruction. “You think? Now that she’s here, she can’t escape. She will soon know what we are and she can’t do anything about it,” malamig na tugon ni Azrael. “Well, it’s not that she have a choice. She must follow the rules here. Nasabihan naman siya ni Alexiel.” “Hmm.” Azrael should talk with Alexiel again. It seems the man is growing closer with this woman. She’s not good for him. He has already planned his brother’s marriage. --- Three days later. Bumukas ang pinto ng kwarto ni Uriel kaya nagising siya. Tumingin siya sa orasan sa bed side table at nakitang alas sais na ng umaga. Pumasok si Gab dala ang isang unipurme na agad nakilala ni Uriel na suot ng mga kasambahay. “You’re going to help with the household chores here. Utos ito ng Don. Huwag kang mag-alala. Every weekdays ka lang naman tutulong at p’wede mong gawin ang gusto mo kapag Sabado o Linggo maliban na lang ang paglabas sa teritoryong ito.” Wala si Alexiel dahil lumuwas ito ng bansa. Hindi niya alam kung kailan ito babalik, pero sabi ng iba ay tumatagal ito ng isang linggo doon. “S-Sige.” Iniwan ni Gab ang damit at lumabas na ng kwarto. Agad namang nag-ayos si Uriel at sinuot ang unipurme. Tinali niya ang buhok at tumingin sa alaga n’yang tulog na tulog. Lumabas siya ng kwarto at bumaba. Maglilinis na muna siya. Kinuha niya ang walis tambo at kumuha ng feather duster. Kailangan n’yang mag-ingat habang naglilinis ng mga gamit dahil ang mamahal nito. Sa isang silid naman ay nakatingin sa monitor si Azrael kung saan nakikita niya sa screen ang dalagang si Uriel na nasa living room. The uniform fitted her body and it shows her legs. He slightly furrowed his forehead. Are there any skirts longer than this one? Who the hell gave her this? Biglang humarap si Uriel kaya nakita ni Azrael ang mukha nito. She’s not like the women he saw in the city, this woman has fresh vibes who was never tainted by darkness. And he loves to taint this innocent woman. His lips curled up. “You can’t escape the lion’s den, angel.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD