Magtatanghalian na nang gumising si Uriel. “Oww,” napa-aray siya nang i-try n’yang umupo. Bakit ang sakit ng katawa— teka! Tila isa-isang bumalik ang alaala niya kagabi, ang nangyari sa pagitan nila ni Azrael. Napasinghap siya at tumingin sa ilalim ng kumot. Lumaki ang kanyang mata at napatutop sa bibig nang makitang wala s’yang saplot sa katawan. Bumaling ang kanyang paningin sa gilid at nakitang wala na ang binata sa kama. Baka hinahanap na siya ng Don. Dadalhan niya pa ito ng pang-almusal. Pinilit n’yang tumayo at magbihis kahit masakit ang katawan. Hindi dapat siya tamarin. Sumilip siya sa labas, kanan at kaliwa. Nakahinga siya ng maluwag dahil walang naglalakad ngayon dito sa pangatlong palapag. Napatampal sa noo si Uriel. Oo nga pala, hindi pwedeng tumapak dito maliban sa may per

