CHAPTER 1

1668 Words
CHAPTER 1 MELISSA QUIZON "Babe.. nagseselos ka na naman ba?" sabi nito sakin. Nakaupo ito sa may lamesa samantalang ako ay nakatayo sa pagitan ng mga hita nito. Niyakap nya ako at sumiksik sa pagitan ng balikat at leeg ko. Kinurot ko ang braso nito. "Bakit ba kasi dikit sya ng dikit sayo?" Ang tinutukoy ko ay ang ka-bandmate nitong si Raquel. Ito ang vocalist ng banda. Si Wright naman ang lead guitarist. Kanina habang nagpa-practice sila ay napapansin kong kay Wright ito lumalapit at tumitingin. At nasosora ako sa klase ng titig nya! May halong lande, eh. Nakakabanas! "Eh, bandmate ko siya, eh." mas hinapit pa ako nya ako palapit sa kanya. Tumingala sya at nagkatinginan kami. "Kahit na!" Nanliit ang mga mata ko. "Akala mo ba 'di ko napapansin na may gusto siya sayo?" "Judgemental Princess." Natatawa nitong sabi at binigyan ako ng mabilis na halik sa gilid ng labi. "'Wag mo namang lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin." "At ako pa ang naglalagay ng malisya, ha." Tinulak ko ito at lumayo. Kinuha ko ang bag ko na nasa upuan. "Uuwi na ko." Malapit na akong makalabas ng pinto nang biglang may humatak sakin. Iniharap ako ni Wright sa kanya. Seryoso syang nakatingin sakin. "Wala ka bang tiwala sakin?" "Meron. Pero sa haliparot na yun, wala!" "Yung haliparot na tinatawag mo ay ang kaibigan ko, Melissa." Tinaasan ko siya ng kilay. Huminga ito ng malalim at sinuklay ng kamay ang buhok. "Wala ka namang dapat ipag-alala. Atsaka kung may gusto man siya sakin.. hinding-hindi ko iyon masusuklian. Sayo lang ako." Ngumiti ako. Tanda na, masaya ako sa sinabi nito. Dalawang buwan palang kami ni Wright. Nung una, ayaw ko sa kanya kasi mukha siyang babaero. Pero hindi pala. Lapitin lang siya ng babae. Nung niligawan ako ni Wright, maraming babae ang nagalit sakin. Kaya iniiwasan ko nun si Wright. Ngunit hindi ito natinag. Niligawan nya pa rin ako kahit na ilang beses kong sinabing ayaw ko sa kanya. Sa bawat araw na nagkakasama kami ay gumagaan ang loob ko. Hanggang sa mahulog na talaga ako sa kanya. Hulog na hulog. Bumaba ang mukha nito sakin. Pumikit ako nang magdikit ang aming mga labi. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng halik nito sakin. Para pa rin akong nililipad sa ulap at nanlalambot ang tuhod ko. Yumakap ako sa kanya at ginantihan ang marahang halik nito. Mas lalong humigpit ang mga brasong nakayakap sa bewang ko. Napatigil kami ng may tumikhim. Napatingin kami sa may pintuan. Napasimangot ako. Ang haliparot! "Wright. Practice na daw ulit." maarteng sabi nito. Tumango si Wright. "Oo. Susunod nalang kami, Racky." Bumaba ang tingin sakin ni Raquel. Mabigat ang titig na iyon. Tinaliman ko sya ng tingin. Bumalik ang tingin nito kay Wright. Tumango ito at umalis na. "Ano? Selos ka na naman?" Napasinghap ako ng dumampi ang labi nito sa puno ng tenga ko. Kinagat ko ang ibabang labi ng unti-unti bumaba ang labi nito sa pisngi ko. "Tara na. Baka makalimutan kong nasa public place tayo." Napatingin sa amin ang mga kabanda ni Wright nang makarating kami sa music room. Si Fier, ang drummer. Si Leon, ang base guitarist. At si raquel, ang malanding bokalista. Nakaupo sila sa sofa at may hawak na mga canned drinks. Tinanguan ako ng dalawang lalaki at nginitian ko lang sila. Narinig kong nag-tsk si Raquel. Inismiran ko lang ito. Pinisil ni Wright ang balikat ko. "P're! Game!" sabi ni Fier. "Teka." Sabi nito sa mga kaibigan. Tumingin sakin si Wright at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. Napasipol ang mga kabarkada nito. "Watch me." Nginitian ko ito. "Always." Umupo ako habang tinitingnan silang mag-ayos ng gamit. Binalingan ko si Raquel na matalim na nakatingin sakin. Inirapan nya ako. Nag-make face lang ako. Nang maayos na nila Wright ang mga gamit ay nagkanya-kanya na sila ng pwesto. Tumingin sakin si Wright. Nag-init ang pisngi ko nang kindatan ako nito bago tumugtog. Nagsimula na ring kumanta si Raquel. Kung hindi ko ito kilala ay iisipin kong napakaganda ng ugali nito dahil sa mala-anghel nitong boses. Napakagaling nito. Nahahatak nito ang mga kalalakihan na makinig sa mala-anghel nitong boses. Kaya hindi lang babae ang fans ng Kiss n' Tell. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Pumasok ako sa banyo na matatagpuan rin sa loob ng kwarto. Ginawa ko na ang dapat gawin. Pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Paglabas ko ay tapos ng kumanta sila Wright. Nanliit ang mga mata ko ng makitang kausap nito si Raquel. Lumapit ako dito at humawak sa braso nito. Hinalikan ako nito sa noo at bumaling ulit kay Raquel. Nakasimangot na ito. Tumikhim ito bago magsalita. "Ahh. Pumunta ka, Wright. Hihintayin kita, hmm." "I'll think about it." Inakbayan ako ni Wright. Nang magpaalam na si Raque na uuwi na ito ay hinarap ko si Wright. "Anong sinasabi nung haliparot na yun? May pa-'Hihintayin kita, hmm'.. ipalunok ko pa sa kanya yung sapatos nyang three inches ang takong, eh!" madiin kong sabi. Mahina lang iyon para hindi marinig ng dalawang lalaking nagliligpit na. Padabog akong umupo sa sofa at humalukipkip. Hindi ko talaga gusto si Raquel. Simula nung ipakilala ako ni Wright dito ay hindi ko na agad nagustuhan ang ugali nito. Tumabi sakin si Wright at inilagay ang braso sa may sandalan ko kaya parang nakaakbay na ito sakin. "Tsk! Selosa." pinisil nito ang ilong ko. "Birthday daw po kasi ng kapatid nya bukas at inimbitahan ang banda." "Ooh. Pupunta ka?" "Oo." Ngumiti ito. Napasimangot ako lalo. "Kasama ka, Babe." "Hindi naman ako invited. OP lang ako dun." "Osige. 'Wag ka ng sumama. Maglalasing ako dun." Humalakhak ito. Nagpaalam na sila Fier at Leon samin. Tinanguan lang sila ni Wright. Tinaasan ko ito ng kilay. "Ganon?! Sige. Break na tayo, ha?" Hindi naman sa pinagbabawalan ko syang uminom. Iba kasi si Wright kapag nalalasing. Nagwawala siya. At walang pakielam kung sino ang babaeng mahalikan nito. Iyon ang una naming pinag-awayan. At buti nalang naayos din namin. Napangiwi siya. "Hmmm.. On second thought.. Hindi na ako pupunta." "Good. Now, we're talking." Tumingin ako sa relong pambisig ko.. "Mag-si-six na pala. Uwi na tayo." Papatayo na sana ako ng hilahin ako ni Wright paupo. "Wait." "Hmm? Why?" Tanong ko. Ngumisi ito. Nagtaas-baba din ang kilay nito. Namula ang pisngi ko. Luminga ako sa paligid. "D-Dito?" "Uh-huh." Hinapit ni Wright ang bewang ko. "B-Baka may makakita satin. Ayaw ko." "Come on, Babe. It's just a kiss." "A kiss?" s**t! "French Kiss." Mas lumapad ang ngisi nito. Kumunot ang noo ko. "Ano yun?" Napakagat ako sa ibabang labi ko nang titigan nya iyon. "Lips and tongue, Babe." Namula ako. Shocks! Hindi ko yun alam. "H-Hindi ko alam kung paano." "I'll teach you." He covered my mouth with his. He held me closed againt him. Oh, God. It's mouthwatering good! I gasped when his tongue darted out to lick my bottom lip. His fingers threaded themselves farther into my hair while his thumb traced slow circles on the sensitive skin at the back of my neck. He lifted me onto his lap, arrangin me so I was straddling him. My dress hitched up around my legs. He deepened the kiss, thrusting his tongue between my lips. He sought out my tongue and swirled over it. The taste of him assaulting my senses and making my knees wobble. Ito pala ang french kiss! s**t! Hot! Napasinghap ako ng bumaba ang kamay nito sa dibdib ko. Hinawakan ko iyon. "W-Wright.. Not t-there.." "Hmm.. Sorry." sabi nito at pinagpatuloy ang paghalik. Umikot muli ang paningin ko nang dumamping muli ang labi nito sa labi ko. Ang kamay na nasa may dibdib ko ay bumaba sa bewang ko. Ehem! Birhen pa po ako. Hindi pa ako handang ibigay kay Wright iyon. Dalawang buwan palang kami at hindi naman ito nagmamadali. Pareho kaming habol ang hininga pagkatapos. "Awesome! Are you sure you haven't done that before?" hindi makapaniwalang sabi ni Wright. Tinaasan ko ito ng kilay. "Duh! You're my first boyfriend." "Make sense." Natatawang sabi nito. Hinalikan nya ako sa pisngi. "Uwi na tayo. Ihahatid pa kita, Babe." "Tara." Tumayo na ako at inayos ang damit ko. Bumaba na kami at pumunta sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan nito. Sumakay kami doon at tahimik na nag-drive papunta sa bahay namin. Pagkarating namin sa bahay ay nakasalubong namin si Lola na nakaupo sa harap ng bahay namin at nananahi. Nakuha namin ang atensyon nito. Nagmano kami sa kanya. Naningkit ang mga mata nito. "Nandito ka na naman pala, Pogi. Nanliligaw ka ba sa Apo ko? Aba, 'di na pwedeng ligawan yan. Nag-aaral pa yan at may kasintahan na yan. Tsk. Tsk. Kabataan nga naman." "Seryoso po ako sa kanya, 'La." nakangiting sabi ni Wright. Sa totoo lang ay alam na ni Lola ang tungkol samin ni Wright. Makakalimutin na kasi ito tanda na tumatanda na sya. "Hmmm. Nakikita ko naman iyon." Tumayo ito. "Tara't pumasok ka muna sa loob. Dito ka na kumain." "Sige po." sabi ni Wright at pumasok na kami. Naghanda ako ng pagkain. Minsan nahihiya akong papasukin si Wright sa bahay namin dahil parang kasinlaki lang iyon ng banyo sa mansyon nila. Kaming dalawa lang kasi ni Lola ang nakatira doon. Ulila na kasi ako at scholar lang ako sa school na iyon kaya doon ako nakapag-aral. "Pogi, parang may kahawig ka. Nakita na ba kita noon?" sabi ni Lola habang kumakain. Natawa si Wright samantalang ako naman ay napasapo sa noo ko. "'La, ako po si Wright. Yung boy-- kasintahan po ng Apo nyo." "Ay! Naku! Makakalimutin na talaga ako. Ganito pala kapag tumatanda na." natatawang sabi ni Lola. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Wright kay Lola. Gabi na kasi at kailangan na nyang umuwi. Medyo malayo kasi ang condo na tinitirhan nito. "Good Night, Babe." paalam nito at hinalikan ako sa noo. "Ingat, ha?" "Always." Pagkatapos nun ay sumakay na ito sa sasakyan at pinaandar. Hinintay ko munang mawala ang sasakyan nito bago ako pumasok sa bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD