II

1463 Words
Pabagsak na napaupo si Clyde sa swivel chair ng opisina nila. He's in trouble once again. Assuming na kung assuming, pero malakas talaga ang kutob niya na sinadya ni Faye na mag-apply sa BSA. Naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha bago tumingin sa glass wall kung saan kita niya ang sariling repleksyon. He's obviously shaken. Napailing siya.  Damn it! Why the hell did I approached her first?  Minasahe niya ang batok at pikit-matang tumingala sa kisame. He wanted to clear his head sa hindi inaasahang pagkikita at usapan nila kanina ni Faye. And yet... Kahit ipikit niya ang mga mata, he can clearly see the changes in her physical appearance. She was boastful pero totoo naman iyon. Maganda na ito dati pa. Mas lalo itong gumanda ngayon. Her confidence and boldness made her more sexy in his eyes. When she look at him, the sensuality in her aura is illegal. Heck, siguradong bias ang judgement niya but that's what she does to him. "Five years, Clyde. Nagawa mo akong tiisin ng ganoon katagal?" Her words echoed in his ears. Nahilot niya ang sintido. Her pained expression was inches away from him kanina and he wanted to smack himself for feeling guilty. Faye is a ray of sunshine, masayahin ito, palangiti, pilya. Mabibilang ang sandaling nakikita niya itong nasasaktan, most of those were only physical. And what he saw earlier was different, and it was the first na siya ang dahilan. He swallowed the lump in his throat. Hindi niya dapat nararamdaman iyon. Sa kanilang dalawa, siya dapat ang nanunumbat. Ito dapat ang nagi-guilty dahil ito ang nanakit sa kanya. Tumiim ang bagang niya. That's right. "I have no reason to feel bad, what I did, I did to save myself from further diving into hell." A hell he called friendzone. "Knock, knock!" Napabaling sa pinto si Clyde. His best buddy was there, holding two energy drink in his one hand habang mapang-asar ang ngiti sa labi. "Reinhard... don't." Banta niya. Tumaas ang kilay ng lalaki. "What? Wala naman akong sinasabi a." He chuckled. "I just want to confirm kung hindi ba ako namamalikmata lang sa nakita ko kanina. But considering your reaction, mukhang totoo nga. Faye is here!" Inalok nito ang inumin sa kanya at inilahad ang isang palad. "Pay up, buddy." Inagaw niya dito ang isang energy drink. "Energy drink lang, sisingilin mo ako? Seryoso, ganito ka-deep ang friendship natin?" Binuksan niya iyon at tinungga. Kilala ng kaibigan niya si Faye dahil ito lang naman ang babaeng naikukwento niya dati. Idagdag pa ang larawan nitong ginawa niyang poster noong nasa boarding house pa sila. "Don't play dumb on me, Cuervo." Ngisi ni Reinhard. "Don't tell me kinalimutan mo ang bet natin?" Umiling siya. "You and your bets, Droummar. Sa tingin mo sa dami noon, matatandaan ko lahat?" "Hindi. But this bet involve her so..." "I made a bet about Faye?" Tumaas ang boses niya, nabitin sa ere ang iniinom. "Yup. You're drunk back then. And it looks like you forgot." "I..." Kinakabahang tinitigan niya ang kaibigan. "I did not agree na maging tulay mo or anything of that kind, right?" Tumawa si Reinhard. "Maybe." Binato niya dito ang takip ng ininom. "Damn it Droummar, tell me!" Inilahad nitong muli ang kanang kamay. "Pay up, Cuervo. You owe me fifty k because of her appearance here." "F-fifty k?" Bulalas niya. "Are you taking advantage of the fact na hindi ko maalala ang bet natin?" Naglabas ng cellphone ang kaibigan niya. Ilang saglit pa at may ipinakita na itong video. "You really think I'll make a bet without a back up proof, Cuervo?" Ngisi nito. "I'm telling you," Clyde said in a slurred voice, "she likes doing pranks but she's not crazy enough para puntahan ako dito." "Base sa pagkakakwento mo, I believe she will." Insist ni Reinhard. "She's not the type na naghahabol. Nope...she'll never come just to see me." "Fine. Let's make a bet then. I'm betting that she will. 50k." "50? Bud, that's too much. Ikaw din, you'll lose for sure." "If you're sure then what's stopping you from the bet? Ako ang mawawalan, hindi ikaw." "Fine. 50k, Droummar. Be ready to pay up. Deposit it in my account." He sighed. Hindi na niya tinapos pa ang video. Hinagis niya iyon na taranta naman nitong sinalo. "Hey!" Sinamaan siya nito ng tingin. "Careful, bud. Aawayin talaga kita kapag nasira mo 'to. My precious contacts ..." He even pouted.  "You mean your girls contact numbers. Tsss. Kadiri to..." Ngumisi lang si Reinhard. "I thought you always have a back up? Ano yon, bluff lang?" "Whatever, Cuervo. You lose so just pay up. Deposit it in my account." Napasimangot siya. "And oh... baka sabihin mo napakawalang kwenta kong kaibigan so I'll give you an advise. Don't worry, free 'to." Tinaasan niya ito ng kilay. "Lossen up, bud. Just let things happen the way they're supposed to. Whatever her reason for being here, one thing is clear. You two have another chance. And in case you fall again," he shrugged. "Who knows, maybe this time, she's ready to catch you." He said saka tuluyang lumabas. "Fall again? Is there even a need for that? No. Not again." Iling niya na hindi inaalis ang tingin sa sumaradong pinto. Parang nagslow motion pa doon ang eksena kanina ng lumabas si Faye sa opisina ni Mrs. Fuentes. Ipinilig niya ang ulo at huminga ng malalim. "Seriously, Clyde... you're hopeless." ******** Cuervo, you're requested to report in Villa Fuentes. Nagtataka man ay nag-u-turn pa rin si Clyde. Kasalukuyan siyang nagda-drive at papunta na sana sa BSA nang makatanggap ng text mula sa head nila. May ideyang pilit pumapasok sa isip niya pero pilit niyang iwinawaksi. Pagkatapos kasi niyang mapasama sa grupo ni RD Salvante, hindi na sila muli pang nakabalik sa Villa Fuentes. Kaya hindi niya maiwasang hindi magduda. "I'll be Mrs. Fuentes PA." Humigpit ang kapit niya sa manibela nang maalala ang sinabi ni Faye. Mukhang magkikita na naman sila ng iniiwasan niya. And as much as his brain despise the idea, hindi naman mapigilan ang puso niya sa pag-asam. "Good morning, Mrs. Fuentes." Bati niya sa dumating na ginang. Sa likod nito ay ang hindi magkandaugaga sa pagbitbit ng mga folders na si Faye. Nag-iwas siya ng tingin nang ngumiti ito pagkakita sa kanya. "Mr. Cuervo... Take a seat." Sumunod siya. "Pinagrereport nyo daw po ako dito, Ma'am?" Tumango si Mrs. Fuentes. "Yes. I'm sure you heard na naaksidente ang driver bodyguard ko." "Yes, I did. Isa po ako sa mga naghatid kay Trent sa ospital." Sagot niyang hindi maiwasang sulyapan ang umupo sa tapat niya na si Faye. Napakunot-noo siya sa napansing suot nito. Her shapely thighs, legs and cleavage was in full display. Muli siyang nag-iwas ng tingin. "I want you to replace him for the meantime. I already ask Droummar to take over your place." "Why me, Ma'am? Sa tingin ko po mas fit si Droummar—" "That's what I thought at first as well. But Faye here suggested na mas kampante siya kung ikaw ang makakasama namin. You see, I asked her opinion bago ako nagdecide. And I agree with her. I can't entrust an innocent girl like her with the likes of your friend, Cuervo. I know Droummar is more than capable but he is... a little troublesome with girls.  "Unlike you." Sali ni Faye na tinanguan naman ni Mrs. Fuentes.  "Tell him our itenerary for today, Faye. I'll just say bye to my husband. Gising na siguro 'yon." Malapad ang ngiti na umakyat muli ang ginang. Humalukipkip si Clyde ng masigurong wala na ang employer niya. Naniningkit ang mga matang tinitigan niya si Faye. "And may I know kung bakit ako ang napili mo?" "I trust you. I already know you inside and out, Clyde. Of course ikaw ang pipiliin ko at hindi ang kung sinong estranghero." "My friend is more than reliable and capable than I am." Giit niya. "So change your damn suggestion, Faye. I don't care kung paano mo sasabihin kay Mrs. Fuentes iyon but you have to change her mind. Ayokong makasama ka." Tumigil ito sa pag-aayos ng papeles at blanko ang tinging tumitig sa kanya. "So there it is. Lumabas din ang totoong dahilan mo. Dami mo pang sinabi." Inihagis nito ang isang papel sa kanya. "Iyan ang mga pupuntahan natin today. Please bear with me. Isang araw lang naman. I'll make sure na bukas, iba na ang ipapatawag ni Mrs. Fuentes." He scoffed. "Pupuntahan natin?" Pinasadahan niya muli ang suot nito. "Are you really in your working clothes right now, Faye?" He give out a mocking laugh. "Because if you'll ask me, mukha kang babae sa kanto na nabibili lang sa halagang bente pesos." Naumid ang dila niya ng mapansin ang reaction nito. The corner of her lips rised. She held her chin high nang muling magsalita. "Saan ang kantong iyon, Clyde? Sure, papatol ako sa bente." Tila balewalang nagkibit-balikat ito before giving him one seductive smile and a wink. "Basta ikaw ang customer." **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD