Makalipas ang isang linggo wala na silang magagawa pa ni Harvey para iwasan ang problemang kailangan nilang harapin sa San Juan. Kailangan na nilang bumalik ng San Juan ngayon para harapin ang gulo. Isang linggo silang nagpakasaya ni Harvey na magkasama sa honeymoon nila at walang araw na hindi siya naging masaya sa piling ng asawa. Kung pwede nga lang niyang hilingin na sana huwag na lang silang bumalik pa ng San Juan at manatili na lang sila ng Tagaytay na masaya at silang dalawa lang ng asawa. Iyon nga lang hindi pwede. May kailangan silang harapin ng asawa at kung hindi pa nila haharapin iyon ay hindi rin sila tuluyang magiging masaya. Sa ginawa nilang pagpapakasal ni Harvey aware siyang malaking gulo ang pinasok nila. Pero dahil sa mahal niya ito at malaki ang tiwala niya kay Harve

