Hindi siya kumibo nang sa may likod ng kotse siya pinasakay ni Harvey, nasa harapan na kasi ang babaing kasama nito. Ganoon pa man gentleman pa rin si Harvey dahil pinagbuksan siya nito ng pintuan at ito na rin ang nagsara sa pintuan niya. Lumingon naman sa kanya ang babaing nakaupo sa passenger seat na supposed to be ay dapat siya ang nakaupo. Well, sa isip lang naman niya iyon. "Hi," walang buhay na bati sa kanya ng babae. Hindi ito nakangiti sa kanya o naman. Hindi niya mahulaan kung ano ang nasa isip nito, ganoon pa man binati rin niya ito. "Hi," bati niya sakto namang makasakay na si Harvey sa driver seat. "Nagkakilala na kayo? Ava, she is Nicole kaibigan ko," pakilala ni Harvey sa babae. Hindi siya naniniwalang magkaibigan lang ang dalawa. Laging nakabuntot ang babae kay Harvey is

