Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para manatiling nakatayo at habang walang tigil ang pagtulo ng kanyang luha. Malinaw at narinig niya ang lahat ng sinabi ng Mama ni Harvey tungkol sa kanya, pati na rin ang mga masasakit na salitang sinabi ni Nicole sa kanya. Lahat masakit dahil alam niyang hindi siya ganun pero ganun ang tingin sa kanya. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi ni Nicole dahil wala naman siyang pakialam sa babaing iyon. May gusto ito kay Harvey kaya kung anu-anong kasinungalingan ang mga sinasabi nito tungkol sa kanya at lahat ng iyon ay balewala sa kanya. Pero iba pagdating sa Mama ni Harvey, nasasaktan siya dahil ganun na lamang ang tingin nito sa kanya, masakit dahil hindi man niya maipagtanggol ang kanyang sarili sa mga maling paratang sa kanya. Nang halos

