"Kumusta ang pag-uusap niyo ni Ava?" Tanong ni Nicole sa kanya nang bumalik siya sa bar kesa sa tuluyan ng umuwi ng bahay na katabi lang naman ng bahay ni Ava. "Ok lang," matipid niyang tugon habang may hawak na kopita at umiinom. Nang bumalik siya sa bar nakita pa niya si Jacqueline na nag e-enjoy kasama ang ibang mga guest sa bar na marahil ay nakilala lang din nito ngayong gabi. Hindi nga nakaligtas sa kanya ang pagsunod nito ng tingin sa kanya at pagkuha pa nito sa kanya ng litrato gamit ang cellphone. Alam niyang ipapadala niya iyon kay Ava, kaya ok lang sa kanya. At least alam ni Ava na hindi na ito ganoon ka importante sa kanya. Kung ang iniisip ni Ava na pagkahatid niya sa bahay nito ay nagmukmok na rin siya sa bahay niya, ngayon alam na nitong mali ito. Hindi na siya ang dating

