Natigilan siya sa pagkain sa tanong sa kanya ni Ava, kung paano na sila ngayon. "Huwag kang mag-alala, Ava hindi kita pababayaan. Pero sa ngayon nais kong huwag muna natin silang pag-usapan. Alisin muna natin sila sa ating mga isip, para na rin makapag unwind ka at mapahinga ang iyong isip. Kahit hindi mo sabihin sa akin, halata kong pagod na pagod ka na, Ava," paliwanag niya rito habang nakatingin ito sa kanyang mga mata. "Tama ka, Harvey. Mas maganda nga siguro na huwag na muna natin silang pag-usapan at kalimutan muna sila,' sangayon nito sa mga sinabi niya. Tumango siya sa dalaga. "Yes, Ava. Para mapahinga ka muna," he said. Tumango-tango ito sa kanya. "Salamat, Harvey," muli nitong pasalamat sa kanya. Hindi niya alam kung ilan beses na bang nagpasalamat sa kanya si Ava. Nagpatul

