Nagising siya na masakit ang kanyang ulo. Inikot ang mga mata sa paligid at agad na nahulaan na wala siya sa kanyang silid. "Sh*t!' Mura niya sabay balikwas ng bangon mula sa kama at inikot muli ang mga mata sa paligid. "Damn it!" Muli niyang mura at inisip kung nasaan siya. Napakagat siya sa ibabang labi nang maalala na si Harvey ang huling kasama niya bago siya tuluyang makatulog kagabi. "Si Harvey," bulalas niya. Hindi siya nakakilos at nanatili sa pagkakaupo sa kama. Inaalala ang mga nangyari kagabi, kung bakit siya napunta sa silid na iyon. Yes, nakalasing siya pero aware pa naman siya sa nangyayari sa paligid niya. Alam na alam niyang si Harvey ang nag uwi sa kanya at hindi siya nito iniuwi sa bahay nila, well thanks to that, dahil ayaw din niyang umuwi sa bahay nila sa ganoong k

