"Anong ginagawa mo sa labas ng bahay ng mga Castillo?' Galit na tanong ng Mama niya nang nasa bahay na sila nito. "Nag jogging po ako Ma, sakto pauwi na po," paliwanag niya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina para uminom ng tubig. Pansin niyang walang dalang pagkain o ano man ang Mama niya para sa kanya na lagi naman nitong ginagawa tuwing pupunta ito sa bahay niya. Baka iba ang dahilan ng pagpasyal nito ngayon sa kanya. "Harvey, sa simula pa lang ng pagbabalik mo rito sa San Juan, tutol na ko dahil baka mapahamak ka na naman muli. Sadyang napakatigas ng ulo mo at nagpatayo ka pa talaga ng bahay sa tabi mismo ng mga Castillo," galit na litanya ng Mama niya nang sundan siya nito kusina. Sa tuwing magagalit ang Mama niya sa kanya lagi nitong sinasabi ang mga ganitong bagay at

