Kinabukasan nagulat na lang siya ng sunduin siya ni Philex sa opisina niya, ngayon na pala niya isusukat ang kanyang wedding gown na isusuot next week sa kanilang kasal. Naka schedule na pala sila ngayon ay nawala sa isip niya, masyado kasi siyang maraming iniisip. "Hindi ka pa ready?" Tanong sa kanya ni Philex nang sabihin na aalis na sila. "Ah.. Eh...," tanging saad niya. Nawala kasi talaga sa isip niya, kaya magulo pa sa desk niya at marami pa sana siyang tatapusing trabaho. "Ready na, bukas ko na lang itutuloy ito," saad niya rito. Tumango naman ito sa kanya at sinimulan na niya ang pagliligpit ng mga gamit niya sa desk. Nagulat na lang siya nang bigla siyang yakapin ni Philex mula sa kanyang likuran. Napapitlag pa siya at mabilis na inalis ang mga kamay nito na nakapulupot sa kata

