Chapter 6

3577 Words
Chapter 6 Padabog akong umupo sa upuan ko habang nakabusangot ang mukha. I just saw him and Grettle walking towards our room, holding hands! Hinatid raw umano nila si Dori. "Oh, friendship, bakit mukhang pinagsakloban ka ng langit at lupa?" tanong ni Dori habang nakakunot ang noo. I looked at her, jaw clenching. "Bakit hinahatid ka pa ng kuya mo rito?" "Ha?" "How old are na nga, Geb?" I asked. "Uh... twelve? Bakit? 'Di mo ba alam? Nakakatampo ka, alam mo?" she pouted. I rolled my eyes at her. "That's it, Dori. Twelve years old ka na. Nireregla ka na nga 'di ba? Bakit nagpapahatid ka pa riyan sa kuya mo? 'Di ka naman pilay." mataray kong saad at inirapan siyang muli. Kumalat ang pagpula sa kaniyang mukha. "Shh, tumahimik ka nga. Nakakahiya ka, Sunny." she grimaced. Umismid ako. "Bakit ka ba kasi nagpapahatid pa r'yan sa kuya mo? Malaki ka naman na." "He's just being overprotective on me," sabi niya na namumula pa rin. "Ganyan naman na talaga si kuya mula noon, eh." "Pero nga 'di ba, nagdadalaga na tayo? Paano nalang pala kung maisipan mong mag jowa pero 'di mo magawa kasi nakabuntot sa'yo ang kuya mo?" Lumukot ang mukha niya. "Wala akong planong mag boyfriend, 'no? Bata pa ako. Ang sabi ni daddy, pwede na raw akong makipagrelasyon kapag nasa eighteen na ako. At matagal pa 'yun. Besides, it never crossed my mind to have a boyfriend such a young age." she said smoothly and smiled. Di nalang ako nag komento roon sa sinabi niya at nakinig nalang sa professor namin sa harapan nang pumasok na ito. "We'll be having a program next friday. Make sure to wear your complete uniforms, may mga bisita tayong darating, alright, class?" tanong ni ma'am Montes habang inililibot ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap siya. Malungkot siyang napangiti pagkuwan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya. She's looking for her favorite student, Preece Saywer. Kaso nga lang ay wala na ito. Wala na ang bestfriend ko. "Yes, ma'am!" sagot ng mga kaklase ko. Nang umalis na si ma'am ay naghiyawan na naman ang mga kaklase ko. Yung iba nag uusap sa mangyayaring program sa friday, yung iba nag pupulbo at nagliliptint, yung mga boys nag babatuhan ng mga papel, yung iba may invisible na bola sa kamay na para bang nagdi-dribble. May mga naglabas ng snacks at kumain. May nagsasayaw sa k-pop song at t****k. May nagbabasa ng libro at nagsusulat. At higit sa lahat, yung mga nagchi-chimisan na naman. "Ano kayang meron ngayong friday, ano? Bakit 'di nila sinabi?" "Siguro bibisita 'yung may ari ng school?" "We don't know. Baka nga." "Sunny, gusto mo?" tanong ni Dori sa akin habang hawak niya ang isang cupcake. I nodded and she gave it to me. "Ang sarap. Mommy mo ba ang gumawa nito?" "Hm-hmm..." she smiled. "Sabay naming binake kahapon." kwento niya. So lucky... nasa isip ko. Kung buhay lang din siguro si mama, siguro ganoon rin kami. We would've bond together with Seth and Papa. I sighed and gulped it down. At a young age, I felt so insecure towards some girls on my age. Even at my best friend, Gebby. Di ko lang sinasabi sa kaniya pero sobrang inggit ko. Inggit na inggit ako sa meron siya. She have the complete family I've wished to have. Yung masaya. Yung kompleto. Yung puno ng pagmamahal. Normal lang naman siguro ang mainggit 'di ba? Still and all, I am just a kid who had been lacked of attention. A bitter smile crept onto my lips as I thought about my mother and another series of what ifs. There were a lot of what if's inside my head I couldn't say one by one. I miss my mama. "Ate, pwedeng patulong ako neto? Medyo nahihirapan kasi ako, eh." napukaw ang atensyon ko nang tinawag ako ni Seth. Nandito ako sa sala ngayon at nakaupo. Kanina pa ako nakatingin sa laptop na nasa aking harapan pero walang ideyang pumapasok sa isipan ko. Gosh, I forgot, kailangan ko na 'tong isubmit bukas sa Mapeh namin. "Ano 'yan?" tanong ko. Seth was standing in front of me holding his notebook. "Science, Sunny." he smiled shyly. Tumango ako at kinuha sa kaniya ang notebook niya. "Saan ba rito ang nahihirapan ka? Medyo 'di na ako familiar sa topic nyo, eh." "About d'yan sa mga planets." "Bakit 'di ka mag research? May load naman ang wifi natin, ah?" Napakamot siya sa kaniyang batok at ngumuso. "Papatulong lang, eh..." I rolled my eyes. "Sige na nga. Halika ka dito at makinig kang bata ka at nang sa ganun ay may pumasok namang katalinohan ang utak mo." "Ikaw nga 'yung lutang sa ating dalawa, eh. Nakita kita kaninang nakatulala." he said as a matter of fact. "Masama ba ang pakiramdam mo, Sunshine?" he asked seriously. "Hindi naman, mahal kong kapatid." I said and giggled. Matapos ko siyang tulungan sa assignment niya, minadali ko na ring matapos ang ginagawa ko sa Mapeh subject namin. Message send to: Gebby jst got fnshed. i'll send it t u rght now thru email. From: Gebby tHank u sOo much, frI3ndsHip! U'r da best! :)))))) A laugh escaped from my mouth as I've read her reply through text. Jejemon talaga kahit kelan. Kinabukasan, pinagkakaguluhan ng mga estudyante ang bulletin board na nakasabit sa corridor ng building namin. Kakatapos lang ng 3rd grading namin at lahat sila ay excited makita kung sino ang nasali sa rankings. Gusto ko rin sanang tumingin kaso ang dami talaga nila. Hindi ako makasingit. "Nasali ba ako?" tanong ko sa isang estudyante na kakalabas lang mula sa kumpulan ng mga tao. The student smiled at me and nodded. "Oo." Napangiti ako. Di na ako makapaghintay na isa isang mawala ang mga students para ako naman ngayon ang tumingin. Pumasok ako sa room namin at iilang kaklase lang ang meron doon. Ang iba ay nasa may bulletin board pa rin. "Aaron, Koy, honor ba kayo this quarter?" tanong ko sa dalawang kaklase kong lalake. "'Di ko alam, eh. Hindi ko pa natingnan ang grades ko." sagot ni Koy. "Sa tingin ko honor ako," humble na sagot naman ni Aaron. "Guys, may munchkins akong paninda, bili kayo?" dumating si Sheena na may bitbit na tinitinda. "Bale bente lang ang akin, Shens. Wala na akong pera," I said and pulled 20 pesos from my wallet. "Salamat!" she cheered, grinning. Binalotan niya ako ng twenty na munchkins at ibinigay ito sa akin. "You're welcome. Salamat din," "Ikaw ba, Sunny, honor ka?" Asked by Koy. Konore Rigor talaga ang name niya. "Ha? Ah, oo. Sabi nung pinagtanungan ko. Kasali raw ako sa ranking." sagot ko naman. "Talaga? Congrats," he smiled. "Congrats, Sunny." saad naman ni Aaron. "Thanks." I grinned. "Feeling ko kasali rin kayo, eh. Ang talino nyo kaya." They laughed unison. "Mukhang 'di naman, masipag lang talaga." "Sus, pa humble pa eh alam naman nating lahat dito na ikaw ang top one." natatawang sabi ko. Namula ang pinsi ni Aaron sa sinabi ko. Natawa ako nang mahina. Gwapo si Aaron, may dating rin. 'Yung tipong kakatakutan mo sa mga quiz bee dahil sa strikto nitong mukha. Bukod sa president ng classroom, officer rin siya ng SSG club. We were both competitive but were still friends naman. "Kasali tayong dalawa sa top honors, Sunshine Marcus!" tili ni Dori na kakarating lang bitbit ang mga libro niya. She put it down and came near me and hugged me tight while cheering. Tuwang tuwa siya. I smiled widely. "Tara tingnan natin," I said. Sabay kaming pumuta sa mga bulletin board at mas lumawak pa ang aking ngiti na akala mo'y mapupunit na. Kasali ako sa top 5 ng buong grade seven. Sana tuloy tuloy na hanggang sa grumaduate ako ng high school. I wanted my parents to be proud of me. I wanted my mom to be happy. Tinulak-tulak ako ng Dori habang nakatingin kami doon. Niyuyogyog niya ang aking mga balikat. "Akalain mo 'yun, nangongopya lang tayo pero honor pa rin. Ang galing!" I sighed and smirked. Nakakagaan ng loob. Ang saya saya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Preece at kasama namin. "Congrats, Sunshine." Isang kumpol na rosas ang bumungad sa akin nang tumalikod ako. Eleazar stood in front of me, smiling charmingly. "T-Thanks." naiilang kong masasalamat. Tingingnan ko ang rosas. "P-Para sa akin 'yan?" I asked. He nodded shyly and blushed. "Oo." Pinigilan kong matawa. "Eleazar, hindi ba't sinabi ko na sa'yong hindi kita gusto?" maingat kong sabi. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang ibang studyadte na napapatingin sa amin. Sa likuran ni Eleazar ay ang kaniyang mga tropa mula sa iba't ibang grade level. Napakamot siya sa kaniyang batok. "I know... Gusto lang naman kitang bigyan nito, baka sakaling mag bago ang isipan mo." I sighed and bit my lower lip. I felt my heart tugged wildly. No one had ever put an effort on me and it feel so good when I received one. I sighed once again before pulling it from his hand. "Salamat dito, ah?" I said and smiled at him sweetly. His lips rose up as his eyes sparkled. "S-Sige, uhm, welcome." "'Yun oh! One point, dre!" Ngumisi ako bago naglakad papalayo. It feels so really good to have an admirer na alam mong mabait talaga. I admit, Eleazar is a kind of boy every girls wanted to have. After he gave me a bunch of rose and chocolates, nasundan pa iyon. Halos araw-araw may natatanggap akong rosas mula sa kaniya. "Hindi mo naman kailangang bigyan ako neto araw araw, Eleazar. I appreciate it, okay? Pero huwag naman yung araw araw nalang. Baon mo 'yan, eh." sinabi ko isang araw sa kaniya habang sabay kaming naglalakad sa building ng grade seven. Mas mataas kasi grade level niya kesa sa akin. "It's okay, Sunny. Mura lang naman." he shrugged. "Atsaka, I didn't ask for my parents' money for that." Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Hindi ibig sabihin na mura lang, kailangan mo ng gumastos ng gumastos. Maraming mga batang wala makain ngayon. Why try to keep your money tapos kapag nakaipon ka na, ibili mo ng mga bagay na gusto mong bilhin?" suhestiyon ko. He scartched his brow while slowly nodding, as if it's sinking into his head. "That's what I like about you, Sunny, eh. Hindi ka lang maganda, ang talino mo rin." he complimented and smiled charmingly again. Umawang ang labi ko at nag iinit ang magkabilang pisngi. Oo nga at maraming nagsasabing maganda ako pero iba pa rin kapag nasa harapan mo na talaga ang nagsabi nung mga salitang yun. He never really fails to make me flutter with his overly flowered mouth. Sabay kaming natawa ni Eleazar at nagpatuloy na sa paglalakad. "So, mamaya, pwede ka ba? Sabay tayong mag lunch?" huminto kami sa harapan ng room ko. Napaisip ako sandali, wala naman akong kasamang kakain mamaya kaya tumango ako. "Sige," He smiled and pinched my cheek before he turned his back. Pinanood ko muna siyang mawala sa paningin ko. I sighed dreamily as I watched him slowly disappearing on my sight. Tatalikod na sana ako para pumasok nang mapahinto ako. I suddenly felt a heavy stare pointing at my direction. Inilibot ko ang aking paningin. Pakiramdam ko talaga may nakatingin sa'kin, eh. And I was right. Few meters away from me, I noticed him standing still with his face dark. His lips was pursed into a thin line, brows creased and jaw clenching. Kahit malayo siya mula sa akin ay kitang kita ko pa ang itsura niya. He was wearing a white long sleeve polo with a brown neck tie, it tucked in on his brown slacks. Iyan ang uniforme nila. May bitbit siyang folders sa kaniyang isang braso na nasa kaniyang hita, mukhang may ihahatid na dukyumento rito kaya siya napadaan. I gave him a cold glance before turning back and went inside the room. Why was his face like that? Nakakatawa. — "Kayo, ah? Parang may something, hindi mo lang sinasabi sa'kin." kinikilig na sabi sa akin ni Dori. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. "Bagay na bagay kayo ni Eleazar, beh! Awie! Congrats agad! Stay strong! Dumaan man ang bagyo, magpakatatag kayo! Ack!" tili niya sabay hampas sa akin. Ngumiwi ako at hindi mapigilang matawa sa reaksyon niya. "Talaga? Bagay kami...?" I asked, suppressing a smile. Of course, kinikilig naman ako sa komento nang kaibigan ko. "Oo naman! Yes! Of course! Siyempre! Bongga, bestie! Bagay na bagay kayo!" she squealed. "Remember before gustong gusto ka niyang ligawan but hindi siya makapalag because Preece was so overprotective of you? Ahhh! Ayoko na sa earth! Sanaol!" tili niya at sinabunutan ako. Pinagtitinginan na kami ngunit para wala lang iyon kay Gebby. "Dori! Aww!" natatawang reklamo ko dito. "Ikaw na ang maganda, Araw! Ikaw na! Na saiyo na ang korona!" she overreacted. Nagteary eye pa ang loka. "Imagine, si Eleazar iyon! The famous Eleazar! Matalino, mabait, charming, cute, pogi, mayaman, ang super duper humble. Awie! Sanaol talaga!" she pouted. Natawa ako at uminit ang magkabilang pisngi. ** "Class, make sure to wear your uniforms tomorrow, okay?" our advicer reminded us. Bukas na kasi ang program na magaganap. Nang umalis na si ma'am, tumayo ang class president namin at may pinaalala bago kami tuluyang umuwi. "Kuya!" My head automatically snapped on their side when I heard Dori's enthusiastic voice. Icarus was standing on the door. My heart pounds faster. s**t, his effect hadn't have come to its end still. I'm still on the process of moving on. Crush lang naman iyong nararamdaman ko sa kaniya, mawawala rin iyon. Nagkibit balikat ako bago inisa isang kinuha ang mga gamit at inilagay sa aking bag. "Princesss," narinig kong sabi niya. "Bakit ka nandito? Hindi ba't sabi ko ako yung pupunta sa classroom nyo?" Dori said. "My class ended earlier than I thought that's why I came here." "Ah, ganun ba?" "Hmm." "Sige, wait lang, kukunin ko lang ang mga gamit ko." saad ni Dori at kinuha ang mga gamit niya sa katabing table ko. "Uy, bestfriend, gusto mo sabay ka na sa amin? Ihahatid ka namin sa inyo." she tugged my shirt and smiled. I looked at her. And back to her brother. He wasn't looking at me and his jaw were clenching. I rolled my eyes and shook my head. Kumakalabog pa rin nang malakas ang dibdib ko. Just the mere sight of him makes my insides go crazier. "Hindi na, sasabayan akong umuwi ni Eleazar ngayon, eh." sagot ko. Malisyoso siyang ngumisi sa akin na para bang nanunukso. Napailing ako. "Ayie. Nililigawan ka niya, ano?" Hindi ako sumagot ang ngumiti lang. "Sige na, uuwi na ako." niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Doon sana ako dadaan sa isang pintuan kaso may naglalampaso sa side na yun kaya no choice ako kundi ang dumaan sa harapan ni Icarus. "Patabi, dadaan ako." I said apathetically as I stopped in front of him. Nanginginig ang aking tuhod sa kaba. He looked at me coldly and arched me a brow as if mocking. Naiiritang tingingnan ko ulit siya. "Sure." he said, voice void of any emotion. I pouted. Sure raw tapos ayaw naman gumilid. "You're blocking my way, Icarus." mariin kong wika. He cleared his throat, jaw clenching. "Sumabay ka na sa'min." he suddenly said. Pinanlinsikan ko siya ng mata. "Ayoko. Kasabay kong uuwi ang kaibigan ko." I said, referring to Eleazar. Malapit lang kasi ang mga bahay namin. Magj-jeep rin kami mamaya pauwi. Mukhang nainis si Icarus sa sinabi ko at nagtiim ang kaniyang bagang. His eyes darkened. I was slightly taken aback. "Why? Dahil ihahatid ka na 'naman' nang manliligaw mo?" mariin niyang saad. Ni halos 'di na bumukas ang kaniyang bibig sa labis na paglapat ng mga ngipin niya. Kumunot ang noo ko at makaramdam ng inis. "Wala kang pake!" I hissed. Bakit? Qno bang paki-alam niya? After he rejected my feelings! Nagdilim ang buong mukha niya na parang sasabog na anomang oras. "Ihahatid kita sa inyo." he firmly said. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang marinig iyon. Mas lalo akong naasar. "Ah... what a thoughtful of you, big brother. But I am scared you might not just send me home." I said and rolled my eyes. Umawang ang kaniyang labi. "What..." "Dadaan po ako." I said and smiled innocently at him. Napakurap siya bago nagbigay sa akin ng daan. I looked at him again and smiled. "Salamat," I left him there, stunned and pissed off. I stuck my tongue out and winked at him. Gaya nang sinabi ko, sabay kaming umuwi ni Eleazar. "Thanks, Ele." I said as he gave me my books. "No worries," he kissed my cheek and I immediately blushed. Nagpaalam kami sa isa't isa bago naghiwalay ng landas. Pumasok ako ng bahay namin at nagbihis ng damit. Pagkalabas ko ng kwarto, isang pamilyar na lalaki ang tumambad sa akin. Kausap niya ngayon si Seth. Mabilis akong bumaba ng hagdan habang nanlalaki ang aking mga mata. "D-dad— S-sir Helios!" nauutal kong sabi habang nakatingin kay Sir Helios na nakaupo sa sofa namin. Muntikan ko pang matawag siya ng daddy. Lumingon siya sa akin at tumayo. "Sunshine, how are you?" malamig niyang tanong sa akin. Napakurap ako at umawang ang labi. Right in front of my eyes, my father stood with dominance and intimidating aura. His foreign features screams nothing but authority. His brown eyes, jet black hair and his thick brow reminds me of my someone. Napalunok ako. It's very unusual for him to visit me. Minsan lang sa isang taon kami halos magkita. "O-okay lang naman po." I answered and cleared my throat. "Good afternoon, S-Sir. Gusto nyo po bang t-timplahan ko kayo ng kape?" I asked, nervous. I badly want to call him as my father but I'm scared he might not like it. Just like before. He slightly shook his head. "No. Thank you." Tumango ako. "H-Have a seat, Sir." "Right." "Seth, pwedeng pasuyo naman, pakikuha ng cake at juice sa ref." sabi ko sa kapatid ko. He smiled and followed what I'd said. His brown eyes were sparkling as he looked at sir Helios. Tumalon talon ang itim na itim na buhok ng kapatid ko nang tumakbo ito patungong kusina. I faced my father. "Bakit po kayo n-naparito?" I felt happy seeing him now. Kaytagal na rin simula noong makita ko siya. My heart felt warm. I missed my father. So much. Just the thought of him visiting me makes me smile. He makes me happy. I missed my dad so much. He gave me a small smile. "I won't be wasting my time here, do you want something? Things you would like to buy—to have?" diretsong tanong niya. I blinked several times as I process what he had asked. Mabilis akong umiling at nararamdaman ang pait sa aking lalamunan. "Wala n-naman po, Sir." maliit akong ngumiti sa kaniya. He sighed before he nodded and stood up. "Good." malamig niyang sabi bago kumuha ng card sa kaniyang pitaka at ibinigay ito sa akin. "Buy anything you want. I'll leave now. Good bye, Sunshine." Iyon lang ang sinabi niya bago lumabas sa bahay at iniwan ako. He left me again. Again na again. My shoulders fell. I thought he came here to see me. To ask what I am doing, to see what I've been living, but I guess I'm wrong. Pumunta lang siya rito para magbigay ng pera katulad nang dati. Para raw hindi ko na siya guluhin pa at ang pamilya nito...Para hindi na ako magpakita sa kanila... Ilang minuto ata akong nakatulala sa pinaglabasan ni Sir Helios hanggang sa nakita ko si papa na pumasok. He was fuming mad, I can say. Face bright read, jaw locked tightly and fist clenched. He stopped in front of me, his breathing was unstable. Mabilis niyang pinalipad ang kamay niya at tumama ito sa aking pisngi. Nagulantang ako at napatumba sa sahig. "P-papa..." I murmured. "Bakit mo pinapasok sa bahay natin ang putanginang gagong 'yun?!" he yelled, made a handful on my hair and lifted me up. Nagtubig ang aking mata lalong lalo na nang basta nalang niya akong itinulak kaya tumama ako sa pader at napangiwi. "Walang karapatan ang putanginang ama mo na pumasok sa pamamahay ko!" sigaw niya. Kinuha niya sa aking mga kamay ang credit card na ibinigay sa akin ng totoo kong ama. W"At ano ito, ha?! Suhol niya sa'yo?! Letse! Hindi mo kailangan ng pera niya! Kaya kitang buhayin mag isa!" he shouted at me. Napahikbi ako nang binali niya ang credit card at itinapon ito sa sahig. "Anong gusto niyang palabasin?! Na wala akong pera para buhayin ka?! Na walang akong pera para buhayin ang anak niyang hindi niya man lang matanggap?!" Galit na galit si papa sa akin, ilang beses niya akong pinalo hanggang sa makontento siya. Puno sa pasa ang aking katawan. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Napahikbi ako at umakyat ng kwarto habang nagpupunas ng luha matapos niyang magsawang saktan ako. My heart is bleeding. The first father I had never had ever loved me. He couldn't even address me as his child. My second father loved me once but when my mother died, he changed. He once treated me like his own princess but now, things went chaos. My mother left me. And so as the world turn its back on me. What a very nice life you have, Sunshine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD