Si Aling Moning. "H-Hello po, Aling Moning." nautal kong sabi. "Aba! Mabuti't natatandaan mo pa ako? Kaytagal ng panahon ika'y lumisan sa lugar natin! Mas gumanda ka pang lalo! Kumusta ka na, ineng?!" excited nitong tanong. May mga naiintriga at lumapit rin. Ngumiti ako. "Ayos naman po ako. Kayo po? Kumusta kayo rito?" "Eto at mas mahirap pa rin sa daga. Isang kahig, isang tuka. Wala pa ring naabot sa buhay," "Ah... gano'n po ba? Ilang anak na ba ang meron kayo?" hinaluan ko ng pagtawa ang sarkasmo ko. "Sa awa naman ng diyos ay nakakalabing anim na. Heto nga't nagdadalang tao na naman ako ngayon," ngumiti siya. Napangiwi naman ako. "Ang dami naman po ata?" Natawa si Aling Moning at napailing sa aking tanong. Kaya mas lalong naghihirap at sumisikip ang bansa dahil sa dami ng mga

