Pulseras Sa Garapon (Last Part)

2749 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ----- LUMIPAS ANG ISANG BUWAN. Nasumpungan kong pumunta ng syudad. Para kasing may humatak sa aking mga paa. Siguro na-miss ko lang ang syudad. Sa ilang buwan ko bang namalagi sa probinsya tila na-bored din ako. Ang unang pinuntahan ko ay ang apartment ni Ezie. Nasa harap ng gate pa lang ako, nakita ko na ang malaking pagbabago nito. Halos matabunan na ang gate ng mga mahahabang damo. Ang mga bougainvillea sa magkabilang poste ng gate na nagsilbeng arko ay halos puro patay na ang mga sanga at daho. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Naalala ko pa ang unang pagpasok ko roon. Ganoon na ganoon ang kanyang hitsura. Walang nag-aalaga. Binuksan ko ang gate at ang mga bricks at pathwalk naman ang aking napansin. Halos matabunan na rin ito ng mga damo. Pati ang mga bangko at mesa ay nababalot ng mga lumot. Nawala na ang dating magandang anyo nito, Ang nakakaakit na mga arrangement at dekorasyon, ang ornamental na mga tanim at palm trees na itinanim ko ay tuyot at namamatay na. Ang fountain ay wala na ng tubig na umaagos, nawala na rin ang mga isda sa pond. Tila nawalan rin ng sigla ang lawn. Nawalan ng saysay ang paghihirap ko sa pagpaganda ko sa lawn na iyon. “Hi Kuya Jim!” ang narinig kong pagbati sa akin mula sa aking likuran. Nang nilingon ko ang pinagmulan ng boses, nakita ko si Jay-Ar. “Hi Jay-ar!” ang sagot ko. “Kumusta ka na?” “Heto mabuti naman. Mabuti at napadalaw ka. Wala na si Kuya Ezie, umalis na eh.” “Alam ko,” ang sagot ko rin. “Wala nang nag-aalaga sa lawn natin eh. Bumalik na siya sa dati. Ampangit na uli. Marami pong naghahanap sa iyo na mga tenants. Namiss nila ang pag-aasikaso mo sa lawn natin.” “T-talaga?” ang sagot ko naman.” “Dati raw pag may bisita sila, diyan nila dinadala. Kapag may event din sila, diyan nila ginagawa.” “Oo nga eh…” “Na-miss din kita Kuya Jim, kayo ni Kuya Ezie. Ano po ba ang nangyari sa inyo?” “Ako… umalis kasi hindi na ako makapagpatuloy sa pag-aaral. Si Ezie naman, m-mag-aasawa na.” “Ay ganoon po ba? Eh... d-di ba sabi niya mag-boyfriend kayo?” Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti. “Nagbibiro lang iyon. Biniro ka lang niya.” “Aw... akala ko ay totoo. Bagay na bagay pa naman kayo! Parho kayong mabait at ang gaguwapo niyo pa.” “Ah ganoon ba.” “Ay sayang naman...” Napailing si Jay-Ar. “Oo eh… S-sige Jay-Ar, titingnan ko muna ang loob ng apartment ha? Nasa akin kasi ang susi, eh,” ang pagpapaalam ko. “Okay po Kuya Jim. Sana ay d’yan ka na lang muna tumuloy. Balak kong pagandahin muli ang lawn natin, tayong dalawa ang gagawa nito.” Napalingon ako sa kanya. “Titingnan ko, Jay-Ar!” ang naisagot ko na lang. “Pero alam mo, kahit wala ako rito, kaya mo namang pagandahin iyan eh. In fact, kaya mong higitan. Walang limit sa pagpapaganda ng lawn na ito. I-try mo. Magugulat ka na lang. At… ang sarap ng pakiramdaman na nagawa mo.” “S-sige po. Pero mas maigi kung nandito ka eh. Para may kasama ako sa pagpaganda niyan?” Binitiwan ko na lang ang hilaw na ngiti sabay pasok sa loob ng building. Tinumbok ko ang pinto ng apartment unit ni Ezie. Binuksan ko iyon gamit ang susi na binigay niya sa akin. Nang nasa loob na ako, Doon na ako tuluyang nalungkot. Naalala ko ang mga tagpo namin sa apartment na iyon. Simula sa pag-interview niya sa akin kung saan ay tinarayan niya ako hanggang sa may nangyari sa amin, hanggang na-in love ako sa kanya. Nang pinasok ko ang kuwarto niya, nakatiklop na ang kanyang kama. Iniligpit iyon sa gilid ng kuwarto. Iyong kama ko na lang ang nakatayo. Marahil ay iniisip niyang baka doon ako titira kapag nag-aaral muli. Mistulang may tumusok sa aking puso. Sa kama niya una kong nasilayan ang buo niyang katawan. Sa kama rin niya nangyari ang una naming pagniniig. Tinumbok ko ang kanyang drawer kung saan ay naroon ang garapon na lagayan niya ng mga alaala na sabi niya ay gusto niyang kalimutan bago iyon sunugin. Laking gulat ko nang nakita ko roon ang pulseras na kapareha ng sa akin. Iyon iyong sa kanya. Doon na tuluyang pumatak ang aking mga luha. Pakiwari ko ay talagang gusto na niya akong burahin sa kanyang isip. Ang sakit isipin na ako na lang pala ang nag-ingat sa aming mga alaala. “Akala ko ba ay iingatan mo rin ang pulseras mo…” ang bulong ko sa sarili. Naupo muna ako sa gilid ng aking kama habang patuloy na inilabas ko ang aking mga saloobin. Nang mahimasmasan, nagdesisyun akong pakawalan na rin ang aking pulseras. Tinanggal ko ito mula sa aking pulupulsuhan at inilagay din iyon sa loob ng garapon, kasama ng pulseras niya. “At least… nagsama na kayo. Sa sunod kong pagbalik rito, sana ay handa na akong iwaglit kayo sa aking paningin,” ang bulong ko. Pagkatapos ay isinara ko ang garapon at ibinalik ko ito sa loob ng drawer. Maya-maya lang ay nag message alert ang aking cp. Nang binuksan ko, galing kay Chan, ang aking best friend. “Nahanap ko na ang sinabi mong girlfriend ni Ezie,” ang nakasaad na mensahe niya. Nasabi ko kasi kay Chan na siya ang dahilan kung bakit naadd ako ni Ezie sa kanyang proxy account. Kaya napag-usapan na rin namin ang tungkol sa girlfriend ni Ezie. At inadd niya ito upang makasagap siya ng balita. “Anong nakita mo?” ang sagot ko. “Bukas na pala ang kasal nila friend! May litrato sila o, at may litrato sa invitation. Alas 10 ng umaga ang kasal.” Mistulang nasabugan ako ng isang malakas na bomba. Natulala ako sa pagkabasa ng mensahe ni Chan. At lalo na nang i-send pa niya ang litrato ng invitation. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana sa pananatili sa apartment na iyon. Hindi ko na sinagot pa si Chan. Dali-dali akong umalis at tumungo agad sa terminal upang bumalik ng bukid. Ayokong makita ng mga taong umiiyak ako. Gusto kong magkulong sa kuwarto ko sa probinsya. Subalit sa kasamaang palad ay hindi ko na naabutan ang huling biyahe ng bus. Kaya wala na akong nagawa kundi ang i-text si Chan. Agad naman niya akong sinundo sa terminal. Alam kasi niya na mabigat ang aking kalooban. “Mag-bar na lang tayo mamaya friend! At doon na lang tao matulog sa apartment ni Ezie! Or… puwedeng sa apartment na lang tayo mag-inuman din. I-celebrate natin ang second martyrdom ng puso mo. Ano, pumili ka lang sa dlawa. Taya ko,” ang munkahi ni Chan. “S-sige, wala akong choice eh kundi dito matulog. S-sa apartment na lang ni Ezie tayo mag-inoman para may privacy. Pati sa pagkain ay puwede tayong magluto roon. Mas makatipid pa tayo.” Bumili kami ng mainom at dinala namin sa apartment. Bumili na rin kami ng mga lulutuing karne at isda. At iyon, halos walang tulugan kami sa aming inuman. “Ano nga ba ang tawag sa gabi bago ang kasal friend?” ang tanong ni Chan. “Hindi ko alam eh. ‘di pa ako nakaranas niyan.” “Hmmm... parang iyong iba ay may party sila eh, iyong parang pamamaalam sa pagiging single. Stag party ata ang tawag doon? Puro mga lalaking barkada ang imbitado. Naiimagine ko lang na siguro, may party din si Ezie ngayon.” “Siguro. Enjoy na enjoy siya…” ang sagot ko sabay bitiw ng isang malallim na buntong-hininga. “Huwag ka nang malungkot friend. Isipin na lang natin na nakawala ka na. Independence! At isara mo na rin ang puso mo sa kanya. Cheers!” ang sabi ni Chan habang itinaas ang bote niya ng beer. “Cheers!” ang sagot ko sabay rin sa pag-angat ko sa aking bote ng beer at isinagi iyon sa kanyang bote. Halos madaling araw na kaming natapos ni Chan sa aming inuman. Ipinalabas ko sa kanya ang lahat ng sama ng aking kalooban. Umiyak ako nang umiyak. Kinabukasan, alas 9 na akong nagising, nauna kay Chan. Dumiretso ako sa kusina, nagluto ako ng itlog at hotdog na sinadya naming bilhin ni Chan para sa aming agahan. Habang nagluto ako, hindi ko maiwasang hindi maalala ang dati kong ginagawa nang naroon pa ako sa apartment na iyon. Tila naroon pa rin si Ezie, at siya ang kasama ko, na ipinagluto ko ng agahan. “Sobrang ironic. Habang nandito ako sa aming apartment at siya ang laman ng aking isip, siya naman ay naka move-on na at papasukin na ang bagong yugto ng kanyang buhay na hindi ako kasali. Habang nandito ako, malungkot... siya naman ay masaya,” ang bulong ko sa aking isip. “Woi! Bat ka nakatunganga d’yan friend! Masusunog iyang niluto mo! Huwag mo na siyang isipin ah!” ang sambit ni Chan habang nakatayo sa may pintuan at tiningnan ako. Binitiwan ko lang ang isang malalim na buntong-hininga. “I can’t blame you friend. Ramdam kita.” Nang matapos na kaming kumain ni Chan, nagpaalam ako sa kanya na umuwi. Gusto sana ni Chan na mamasyal na pa kami at sasamahan niya ako ngunit nahiya na ako gawa nang alam kong may pasok pa siya sa araw na iyon. Mag-aalas 4 na ng hapon nang makarating ako sa probinsya namin. Tila nakiramay naman sa akin ang panahon. Bumuhos ang malakas na ulan nang makarating ako sa bahay. Kagaya ng plano ko, nagkulong ako ng bahay, nag-inom na mag-isa. Hanggang sa nalasing ako at nakatulog. Ilang araw din na halos tulala ako at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas na pilitin ang sarili na lumaban at gawin ang mga normal na gawain. DUMATING ang enrolment season. Muli akong bumaba ng syudad upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa semester na iyon. Ang balak ko ay dumaan sa apartment at i-surrender ang susi sa may ari dahil napagdesisyunan kong magbo-boarding house na lang kasama si Chan. At ang isang plano ko rin ay ang pulseras. Napagdesisyunan ko na ring sunugin na siya upang tuluyan ko nang mabura sa isip ko si Ezie. Nang nasa may gate na ako ng apartment, laking gulat ko nang makita ang pagbabago nito ng lawn nito. Bumlik ang dating ganda at ayos. At may dagdag pang mga bagong halaman at gazebo sa gitna. Napangiti na lang ako. “Ang galing ng ginawa ni Jay-Ar! Sabi ko na nga’t kayang-kaya niya. At ang ganda paa ng mga design niya!” bulong ko sa sarili. Nang binuksan ko ang pinto ng apartment, tila hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Malinis, nasa ayos ang lahat, may mga bagong kurtina, bagong carpet. Pumasok ako sa sitting room at inusisa ang mga nakalagay na dibuho sa dingdin at mga display sa platera. Gulat na gulat ako sa aking nakita. “Pati baa ng kuwarto na ito ay nilini din ni Jay-Ar? O may bago nang may-ari nito,” sa isip ko lang. Nasa ganoon akong pagkalito nang mula sa aking likuran ay may nagsasalita. “Ano... okay ba?” ang narinig kong boses. Sa pagkagulat ko ay bigla akong napalingon. Si Ezie! Hindi ko lubos maintindihan ang aking nadarama sa pagkakita ko sa kanya. Ang sumagi kaagad sa isip ko ay dala niya ang kanyang asawa at doon na sila manirahan sa apartment kung kaya ay ganoon na lang kaganda ang ayos ng apartment niya. “Eh... s-sensya na. A-akala ko kasi ay hindi ka na tumira rito,” ang sabi ko sabay hugot ng susi mula sa aking bulsa at dali-dali koi tong iniabot sa kanya, nag-alala na baka makita ako ng asawa niya. “S-sa iyo ko na lang isosoli itong susi.” Tinanggap niya ang susi at nagmamadali kong tinumbok ang pintuan. Nang nabuksan ko na ang pinto at akmang lalabas na. Hinarang niya ako. “Ba’t ka nagmamadali?” Nahinto ako at tiningnan siya. “Eh...m-mag-eenrol pa ako. Naghintay sa akin si Chan,” ang pangangatuwirn ko bagamat wala naman talaga kaming usapan ni Chan na ganoon. “Ah, mag-aaral ka na?” “Oo...” “Good.” “S-sige alis na ako.” “Wait!” Muli akong nahinto, “B-bakit?” “Bat ka ba nagmamadali?” “Eh… hinihintay na nga ako ni Chan!” ang pagpalusot ko pa rin. “Ayaw mo na ba akong makausap?” “O-okay lang naman. Kaso…” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil sa kanyang pagsingit. “Need ko ng assistant upang tumulong sa akin sa paggawa ng mga take-home jobs ko. Interesado kang mag-apply?” Bigla akong natigilan sa kanyang sinabi. Nalito. Tiningnan ko siya. Hindi ko maintindihan kung nagbibiro o seryoso. Ang mukha niya ay seryoso na hindi ko mawari. “Hell, no way!” ang sagot ko. Inabot niya ang hawakan ng pinto. Isinara niya iyon. Ni-lock. Biglang naramdaman ko ang malakas na pagkalabog ng aking dibdib. Niyakap niya akong bigla at siniil ng halik ang aking mga labi. Sa matinding gulat at kalituhan ko ay hindi ako nakapalag. Hinayaan ko siya. Hinayaan kong paglaruan niya ang aking mga labi. “Tutuksuhin mo na naman ba ako?” ang sabi ko nang kumalas na siya sa kanyang pagyakap at paghalik sa akin. “Oo..,” ang sagot niya. “At pagkatapos ay paiyakin mo na naman?” “Hindi... pakakasalan kita...” “Huh! Sinungaling! Paano iyong asawa mo?” “Hindi natuloy ang aming kasal mate... But don’t worry. Hindi ko ginawa iyong kagaya ng nasa pelikula na nasa gitna ng altar at tatakbo ako palabas ng simbahan, or something. Sa gabi bago ang aming kasal, tinanong ko siya kung handa ba siyang magpakasal sa isang lalaking may ibang minamahal at magdusa siya habambuhay. Umiyak siya, syempre nasaktan, hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. At pinili niyang huwag na lang ituloy. Napag-usapan din namin ang tungkol sa bata at payag naman siya na paminsan-minsan ay doon sa mga magulang ko ito habang nagtatrabaho siya. Comfortable siya kapag ang bata ay nasa mama ko dahil may yaya iyon at sagana sa lahat.” “K-kawawa naman ang bata.” “Bakit siya kawawa? Narito naman ako. Nariyan siya. Hindi siya maghihirap. Mas kawawa ang mga bata na walang mga magulang, iyong mga naghihirap at walang makain, iyong mga nasa lansangan, iyong mga itinakwil ng mga magulang.” “Si Pam... kawawa rin siya. P-parang naguilty ako, Ezie eh.” “Hindi siya kawawa, Jim. Mas kawawa siya kung ilalaan niya ang buong buhay niya sa akin na may ibang tinitibok ng puso. Kaya niya bang matutulog na mag-isa sa gabi dahil naroon ako sa iyo? Matutuliro ang utak niya, Masisira ang buhay. At least, sa desisyon namin, may chance pa siyang maghanap ng taong tunay na magmamahal sa kanya, habang bata pa siya. Isa pa, hindi lang siya ang babaeng nabuntis at hindi pinakasalan. Marami d’yan. Kung nakasal kami, kawawa rin ako dahil habambuhay akong magdusa sa piling niya. Kawawa ka rin dahil pareho tayong magdusa. At ayaw kong mangyari ang ganoon. Hinding-hindi ako papayag na maranasan mong muli ang iwanan at mag-isa...” Hindi na ako nakasagot pa. Sobrang naoverwhelmed ako sa kanyang sinabi. Naramdaman ko na lang ang mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. “sana ay hindi ako nananaginip. Sana totoo ang lahat, Ezie!” “Totoo ang lahat, Jim. Gusto kong patunayan sa iyo... na hindi totoong hanggang supporting actor lang ang role ng mga kagaya mo. Ang isang kagaya mo ay puwede ring maging lead character sa kuwento ng iyong buhay.” Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang pulseras na itinago ko sa kanyang drawer. Isinukbit niya ito sa aking pupulsuhan at ang isa naman ay ibinigay niya sa akin upang isukbit ko sa kanya. “So tatanggapin mo ba ang alok ko na maging assistant?” ang tanong niya. Tumango lang ako. “Isang tanong. Bakla ka ba?” “Oo… bakla ako. At mahal na mahal ko ang ang may-ari ng apartment na ito.” Tawanan. Nagyakapan kami. Siil niya ng halik mainit na halik ang aking mga labi. “Roommates?” ang tanong nya. “Roommates,” ang sagot ko rin. WAKAS.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD