" Anong gusto mo mag wrestling tayo o matutulog kang katabi ko?" Kinabahan siya sa tanong ni Thiago na nakatayo na ngayon sa kanyang harapan. Hinubad nito ang suot na leather jacket. Ang naiwan ay puting t shirt na humakab ang maganda nitong katawan. " S- sa ibang quarter's na lang ako tutulog." Halos pangapusan siya nang hininga nang mas lumapit pa si Thiago sa kanya. " Wrestling o matutulog tayo?" Muli nitong tanong sa kanya na hindi alam bakit hinahamon siya nito nang wrestling? " Para na din akong nagpakamatay kung makipag wrestling ako sa iyo. Ang laki mong tao Thiago! Ano bang trip mo!?" Naniningkit ang mga mata niyang sabi dito. Biglang pumasok sa isip niya ang kapitbahay nila na naghahamon lagi nang away pag nalalasing. Pinipigilan naman nitong bumunghalit nang tawa sa ka

