" Damn it! Sinasabi ko na nga ba!" Mabilis kong tinungo ang closet at kumuha nang damit at nag bihis. Buo na ang pasya ni Maria ayon na din sa nabasa niya sa mukha nito kanina. Sana hindi niya ito iniwan sa silid. " Hindi ka kasi makapag hintay Thiago!" Kastigo niya sa sarili, dahil alam niya ang epekto nito sa dalaga. She might hate him. Ang pangamba na iiwasan siya nito ay bumangon sa kanyang dibdib. Nagmamadali siyang bumaba nang hagdan at dumaan nang kusina. " Manang,saan ang bahay ni Maria?" Tanong niya sa kasambahay na naabutan sa kusina. Pero may pagtataka lang itong tumingin sa kanya. " Maristella Ria Palermo. Si Ella po?" Saka lang parang naliwanagan ito at parang nagka intindihan sila. " Ah, anak ni Pareng Mariano." Tumango na lang siya. Kaya naman ibinigay s a kanya an

