" You need help?"
Nag angat siya nang tingin sa tinig sa kanyang harapan.
" Oh, Hi!"
Nakangiti niyang bati dito, ka klase niya ito sa dalawang minor subjects niya.
" I'm Bianca."
Pakilala nito sa kanya na naupo sa kanyang harap.
" Hi, Bianca. I'm Ella."
Inilahad niya ang kamay dito na malugod naman nitong tinanggap.
" Mukhang hindi ka naka cope sa lecture kanina. Wala ka bang tulog?"
Tanong nito sa kanya at nahihiya siyang tumango. Sa kaalaman na nasa malapit lang si Thiago ay nakapag bigay siya nang maligalig na mga gabi.
" Mabuti ka pa, Bianca. Parang ang dali lang sa iyo nang lesson natin."
Sabi niya dito kasi pansin niya pagiging outstanding nito sa kanilang klase.
" Kailangan. I have to maintain my grade para maipagpatuloy ko ang pag aaral."
Nakangiti pa din nitong sabi at ibinigay sa kanya ang hawak nitong notes nito.
" Iyan ang kopyahin mo para ma review mo pag uwi.May quiz pa naman tayo bukas."
Sabi nito at ganun nga ang ginawa niya. Abala siya sa pag kopya nang notes nito habang inabala naman nito ang sarili sa pagbabasa nang libro.
Nang maka tapos sila sa kanilang ginawa agad niya itong niyaya sa canteen upang mag merienda.
" Salamat nang madami sa notes mo Bianca ha?"
Sabi niya dito na isang ngiti lang ang sagot nito.
" No problem. Kung nahihirapan ka sa ibang lessons mo. Sasamahan kita mag research sa library. Lagi doon din kasi ako naglalagi."
Nakangiti nitong sabi, at hindi niya napigilan, na hawakan ito sa mga kamay.
" Thank you. Ang saya ko, alam mo natatakot akong baka mahirapan ako sa pag aaral tapos sumuko. Salamat talaga malaking tulong sa akin na may kaibigan akong mahilig mag aral."
Tumawa naman si Bianca sa kanya at itinaas ang soft drinks in can nitong hawak.
" Walang sukuan para sa pangarap?"
Ipiningki din niya ang hawak na lata nang soft drinks sa hawak nito.
" Para sa tagumpay!"
Aniya at sabay silang nagtawanan at ininom nila ang soft drinks.
Uwian nang maghiwalay sila ni Bianca sa gate nang kilalang unibersidad na pinapasukan nila.
" Bye, Bianca. See you tomorrow."
Paalam niya at kumaway pa dito.Tumayo siya sa gilid kung saan hinihintay niya ang driver nang mga Soler. Ayon na din sa utos ng mga magulang ni Thiago, kaya wala siyang magawa.
Isang mamahaling sasakyan ang tumigil sa harap niya.Bumaba ang windshield nito at sumilip ang nasa driver seat na si Thiago.
" Maria, sakay na."
Utos nito, hindi niya alam kung paano tumanggi dito. Walang salita na lumabas sa bibig niya hindi din siya makagalaw.
" Sasakay nang kusa, o gusto mong buhatin pa kita?"
Banta nito na nakataas pa ang mga kilay. Inaalis na nito ang seatbelt nang humakbang siya papalapit sa sasakyan nito.
Walang imik siyang sumakay sa mamahalin nitong sasakyan. Agad naman naman itong ngumiti sa kanya.
" I'm just making sure na nag aaral ka nga talaga at hindi nag bubulakbol."
Sabi nito at pinaharurot na nito ang sasakyan.Hindi pa din siya nagsasalita at itinuon lang ang tingin sa labas nang sasakyan.
" Sir Thiago, hindi ito ang daan pauwi sa Villa."
Aniya at nilingon ito saglit lang siyang sinulyapan at muling itinuon nito ang atensyon sa pagmamaneho.
" Akala ko hindi ka na magsasalita."
" Saan tayo pupunta?"
Tanong niya dito na kinabahan siya dahil sa hindi nito pag uwi sa kanya.
" We will celebrate our friendship. Last time kasi hindi na natin nagawa iyon."
Bumaling ito saglit sa kanya at ngumiti.
" Pero sir..."
" Stop calling me sir, Maria. Ilang linggo lang ako nawala at kinalimutan mo na ang pagiging magkaibigan natin."
Sabi nito at binuksan ang stereo nang sasakyan at malakas na nag patugtog nang musika. Wala siyang ginawa kundi ang humalukipkip habang nagkandahaba ang kanyang nguso.
"Andito na tayo, Maria."
Sabi ni Thiago nang ihimpil ang sasakyan sa isang farm to table na restaurant. Napakaganda nang lugar, kung hindi lang sa kaalaman na si Thiago ang kasama niya ma appreciate niya sana ang lugar.
" Baba nang kusa o bubuhatin kita?"
Tanong nito sa kanya nang hindi siya gumalaw sa pagkaka upo. Tiningnan niya ito at tuwid din siya nitong tiningnan.
" I'm not kidding Maria."
Sabi nito at inalis na ang seatbelt at bumaba. Umikot ito at binuksan ang bahagi kung saan siya nakaupo.
" Baba na!"
Mabilis niyang sabi nang yumukod si Thiago.
Tumawa naman ito at tumuwid nang tayo.Hawak pa din nito ang pinto nang front seat kung saan siya nakaupo.
" Good girl."
Sabi nito nang tuluyan siyang bumaba. Isang irap lang ang binigay niya dito na hindi niya napigilan ang sarili sa inis.
" You're cute!"
Sa halip sabi nito sa ginawa niya. Umagapay ito sa kanya sa paglalakad. Agad naman silang sinalubong nang tauhan nang farm restaurant at iginiya sa bakante na bahay kubo.
Nang maka upo na sila sa loob nang bahay kubo ay inabutan sila nang menu.
" Balikan mo na lang kami after five minutes."
Nakangiti na sabi ni Thiago sa attendant na agad naman nitong sinunod.
Sa halip na harapin ni Thiago ang menu ay siya ang hinarap nito.
" Maria, look at me."
Utos nito kaya nag angat siya nang tingin mula sa menu card at tumingin dito.
" Ayaw mo na ba akong maging kaibigan?"
Straight to the point nitong tanong. Gusto niyang ilayo ang tingin pero hindi niya magawa. Ang malapit lang ito at nakatingin siya sa gwapo nitong mukha ang pinaka masarap na gawin na yata niya sa buong buhay niya.
" Tell me honestly, meron ka bang kaibigan na babae?"
Ganti niyang tanong dito kumunot naman ang noo nito sa tanong niya.
" I don't get you, ano ang ibig mong sabihin?"
May kalituhan nitong tanong sa kanya. Pareho pa din nasa mukha nang isat isa ang kanilang tingin.
" Ang ibig kong sabihin, don't be nice to me. Katulad lang din ako nang ibang babae. I don't want you to be my friend. Not just a friend. C'mon Thiago. Alam mo ang ibig kung sabihin at ang delimna ko kung bakit ayaw kong maging malapit sa akin. Hindi sa ayaw kitang maging kaibigan. But you see, it's not difficult for me to..."
" Fall in love with me?"
Pagdugtong nito sa kanyang sinabi at tumango siya bilang sagot.
At habang nakatingin dito hindi niya napigilan sabihin sa sarili.
"Walang sinuman ang hindi magmamahal sa gwapong lalaki katulad mo,Thiago.”