" I'm sorry." Panimula nito. Ginala niya ang mga mata sa cabin na pinag dalhan sa kanya ni Thiago. Sumama siya para magkaroon sila nang privacy. Naupo siya sa bed na nakita habang si Thiago ang sa kabilang dulo ng bed. Hindi gaano makatingin si Thiago sa kanya. "May kasalanan din ako. Hindi mo ako pinilit Thiago. Kaya hindi ka dapat makonsensiya at ma obliga ang sarili mo na panagutan ako." Sabi niya dito. Halos marinig niya ang pagtangis nang bagang nito. " I know your stand from the beginning, Maria. At sa nangyari parang I stand in your way. I'm sorry, I really mean it." Sa pagkakataon na iyon ay tumingin ito sa kanya na malungkot ang mga mata. " If you really mean it Thiago. May pakiusap ako sa iyo." Hinamig niya ang sarili, pilit na pinatatag ang tinig at tumingin sa mga mata

