" Smile Maria, it's our wedding day." Bulong ni Thiago sa kanya. Pero hindi niya magawa ngumiti. Pumayag siyang pakasal dito pero hindi naman niya akalain na kinabukasan na pala. At ang malala pa, pina patanggal siya nito sa trabaho na anak ng may ari ng hotel na pinsan pala nito. " You did not give me any choice, Thiago." Madiin niyang sabi dito at inirapan ito. Kahit na overwhelmed siya dahil sa loob lang ilang oras ay nagawa nitong paghandaan ang lahat. Beach wedding at mga mayayaman pa nitong pinsan at kaibigan ang entourage. " I did! Marry me and come back with me in the Philippines or I will get Tami and send her to Spain." Napakuyom ang kanyang palad at mariin na itinikom ang bibig. Ayaw niyang magsalita ng hindi maganda. Yumukod ito sa kanya at hinawakan ang kanyang baba up

