" Hi, Dia. Long time no see. You've grown up very pretty." Bati niya kay Dia na katabi si Aidan habang nakatingin sa magandang beach resort. Dalawang malaking cottage ang naka reserve para sa kanila. Namula ang pisngi nito at mas napangiti siya sa reaksiyon ni Aidan. " Thiago, di ba may lakad ka? Don't forget the happy hour later." Pagtataboy nito sa kanya. Bago pa niya madagdagan ang inis ni Aidan ay nahawakan na siya nito sa balikat at bahagyang pinisil. " Okay fine. Nasa hotel courtyard lang ako." Sabi niya at naglakad na papasok ng hotel. Madami ang guest at karamihan ay mga honeymooners dahil maituturing na honeymoon destination ang lugar. Madami siyang nakasalubong na mga babae na halos wala ng takpan sa katawan. " Hi, handsome." Naririnig pa niyang pasaring sa kanya at uma

