PROLOGO:

2082 Words
Philippines MAHAPDI sa balat ang init ng araw ngunit alam ni Monaliza sa sarili na napakahaba na ng walong taon na muling pag-asam niya sa init ng hangin sa Pilipinas. Kaya maaaring sabihin ng kung sino man na makakita sa kaniya ngayon na sadyang nagpapaaraw siya sa gitna ng kalsadang iyon sa Pasay dahil na-miss niyang tunay ang populasyon, ingay at init ng hangin sa bansang sinilangan. Napahigit muna siya ng hininga bago niya nakangiting minasdan ang paligid niya. "Hello, Philippines..." Ah, dapat na siyang tumawag ng taxi na maghahatid sa kaniya sa QC kung saan siya dating nakatira. Wala man siyang balak na mag-stay na roon kahit na alam naman niyang welcome siya sa bahay na iyon anytime ay nararapat lang din naman na ang bahay na iyon ang una niyang sadyain sa Pilipinas. Wala na siyang balak na mag- stay sa bahay ng mga Olivarez dahil nakabili na naman siya ng sariling condo unit niya sa QC bago pa siya magbalik ng bansa. In fact, maging ang trabaho na naghihintay sa kaniya rito ay ayos na. Maging ang kaniyang bagong bili na kotse ay hinihintay na lang siya. Ganoon siya ka-OC na tao. Gusto niyang ang lahat ay nasa ayos. Walang gusot. Plantsado. Finally, she's home. Narito na nga siya sa Pilipinas at walang nakakaalam pa sa kaniyang mga babalikan na dumating na siya ngayon from Norway. Gusto niyang sorpresahin ang lahat. Gusto niyang masorpresa ang lahat sa pagdating niya at sa hatid niyang magandang balita. Ang lahat ng sakripisyo niya ay masasabi niyang bayad na bayad at sobra pa nga sa inaasahan niya. Well, ganap na siyang cardiologist. But the highlights of it—nagawa niya iyon nang mag-isa. Nakuha niya ang pangarap nang naaayon sa nais niya bago siya nagtuloy sa Norway at i-grab ang opportunity na makapag-aral doon. Halos hindi pa rin siya makapaniwala pero heto na. Heto na siya ngayon, for real. Nagbalik na napagtagumpayan ang minithing hangarin. May kung anong biglang humaplos sa puso ni Monaliza nang maalala niya ang sinakripisyo niya kapalit ng masidhing hangarin niyang iyon... Parang kailan lang... Tch, hindi ito ang tamang oras sa pag-iyak kaya tumingala muna siya at nang maawat niya sa pamamagitan niyon ang makukulit na luha na nais umalpas sa kaniyang mga mata. Hindi na rin siya maaaring umiyak na at natatanaw na niya ang bahay ng mga Olivarez. Nawili siya sa pagtingin sa labas ng bintana ng taxi at obviously, sa paglalaro ng isipan niya sa kung saan-saan, namalayan na lang niya na naroon na siya sa pupuntahan. Kahit alam niyang hindi naman mabilis ang naging byahe nila dahil kung may isa ka pa na tiyak na mami-miss sa Pilipinas, iyon ay ang walang kamatayan na traffic jam. "Salamat po," nakangiting aniya sa taxi driver bago bumaba na roon. "Salamat din po," magiliw rin siyang nginitian ng taxi ng driver. Of course, may tip ang driver from her. Sa ganoong paraan lang tayo makakabawi sa mga mabubuting drivers na naihatid naman tayo ng walang aberya. Napangiti ng tipid si Monaliza habang papalapit ang hakbang niya sa bahay ng mga Olivarez. Ang bahay na iyon ay halos walang pinagbago sa huli niyang natatandaan na itsura niyon. Ah, mayroon pala, pintura at na-maintain pa rin ang ganda ng bahay sa loob ng halos maraming taon. Hayun nga at nang nakatayo na siya sa harap ng bahay na kinalikahan niya ay mas malinaw na niyang nakita ang proof na na- maintain iyon kahit ang malawak na bermuda grass at mga halaman na disenyo roon. Ganoon pa rin naman ang gate ng Olivarez, rehas pa din ang istilo kaya matatanaw kahit sa malayo ang ganda ng bahay. Ang bermuda grass na hindi niya miminsan na ginulungan habang nakatingin siya sa mga bituin sa langit—sila ng matalik niyang kaibigan na si Kate. Muli muna siyang napahugot ng malalim na hininga saka marahas na pinakawalan iyon, bago niya pinindot ang doorbell ng bahay. Aaminin niya, ang pamilyar na tunog ng doorbell na 'yon ay mas nagpadagdag lang sa kabang nararamdaman niya mula nang maitapak niya ang kaniyang mga paa sa harap ng bahay ng mga Olivarez. Kaba na hindi niya alam kung para saan at bigla na lang umusbong. O mas mainam yata na sabihing pagkabog ng dibdib, tensyon? Ah, basta. Kahit ang mga palad niya ay namawis na nga bigla. Siguro rin ay dahil sa kasabikan na makita ang mga nakatira roon kaya siya nagkakaganoon. Sa haba ng inilagi niya sa Norway ay pinutol niya kasi ang communication sa mga ito at tanging siya lang ang nagpapadala ng mga regalo sa pamilyang kinalakhan sa tuwing may mahalagang okasyon dahil ayaw niyang magkaroon ng distraction habang nag-aaral sa ibang bansa. Alam niya kasi na mapapauwi siya sa Pilipinas kung hindi niya puputulin ang communication nila ni Kate. Isang hiling lang ni Kate, isang iyak, ibibigay niya kaagad ang nais nito. Ganoon niya kamahal ang matalik na kaibigan. Habang hinihintay niya ang taong magbubukas ng gate para sa kaniya ay hindi niya maiwasan na mamasdan lang ng tahimik ang bahay ng mga Olivarez. Ang bahay na iyon ay punong- puno ng alaala ng kaniyang kabataan hanggang sa kaniyang pagdadalaga. Mga alaala na malinaw pa sa kaniyang memorya at malabong mabura. Sa bahay na iyon siya nagkaroon ng matatawag na pamilya na wala siya, at do'n din siya nagsimulang bumuo ng pangarap. Doon nagsimula ang lahat ng kung ano ang mayroon siya ngayon. At makakalimutan ba naman niya na sa bahay rin na iyon niya nakilala ang kaisa- isang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso... Nagsimula sa paghanga na nang lumaon ay nagkaunawaan ng mga nararamdaman. Nangarap sila na magkasama. Bumuo ng mga pangarap na hinding-hindi mawawala sa isipan ni Monaliza talaga. Pangarap sa kasalukuyan nang magkasama, na tanging kinakapitan ni Monaliza ngayon dahil kahit gaano man katunay ang kanilang nararamdaman ni Marco Polo Sandoval ay nagawa pa rin niya itong iwan kapalit ng kaniyang pangarap. Oo, siya rin ang nagwasak sa unawaan nila nito. Pero narito na siya ngayon. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay nila nito noon, tutuparin naman niya ang pangako niya rito na babalikan niya ito. Tutuparin niya ang pinangako niya sa kaniyang sarili na sa kaniyang pagbabalik ay muli niyang kukunin ang puso ni Marco Polo Sandoval. "Sino po sila?" Ang tanong na iyon ng halata naman na kasambahay ng mga Olivarez ang pumutol sa naglakbay na isipan ni Monaliza. "Ahm, ako po si Monaliza Naqui--" "Ay! Nakikilala kita! Ikaw ang nasa mga nasa litrato sa kuwarto ni Ms. Kate!" Ngiting malapad ang naisagot ni Monaliza. Alam niyang mas makikilala siya ng kasambahay 'pag inilabas niya ang kaniyang dimples na nasa ilalim ng labi niya. Good thing din na kahit bago ang kasambahay ng mga Olivarez ay may matalas naman na memorya ito at kaagad na nakilala siya. Sabagay at sa tingin naman niya'y nasa late 40's pa lang ang kaharap. Nakakatuwa rin na malaman na hindi inalis ni Kate ang mga litrato nila together sa kuwarto nito. May iilan silang litrato ni Kate sa sala ng bahay pero sa baka sa tagal na ay inalis na 'yon ng mga Olivarez o baka inilipat na ni Kate sa kuwarto niya. Kaya ang mga litrato lang nila ni Kate sa kuwarto nito ang nabanggit ng kasambahay sa kaniya. "Opo, ako nga po 'yon, Monaliza po. Buti po at nakilala niyo 'ko, balak ko po kasi silang sorpresahin sa pagdating ko ngayon. Hindi nila alam na narito na 'ko." "Narinig ko nga na nag- Norway ka. Madalas ka nilang mapag- usapan at hindi ka na nga raw nangumusta." Wow, updated! Gusto niya sanang sabihin dito pero mas pinili na lang ni Monaliza na ngumiti ulit. Sa mahabang panahon na pag- iisa sa Norway ay natutunan na rin niyang piliin kung ano lang ang dapat na bigyan ng pansin sa hindi. "Ay, siya, tara na at baka magsilabas pa sila at alam nila na may nag- doorbell." Pinapasok na siya ng kasambahay at inakay ang kaniyang maleta. "Paiwan na lang po muna riyan ng maleta ko, Ate?" "Celia." "Ate Celia. Paiwan na lang po riyan at uuwi rin naman ako mamaya," dagdag niyang instruction kay Celia. "Sige ba, naku, matutuwa si Ms. Kate sa pagdating mo, Ms. Monaliza." Si Monaliza rin. Katibayan na ngayon pa lang ay nasisiyahan na siya sa napipintong muli nilang pagkikita ng matalik niyang kaibigan. Kahit hindi pa rin naaalis ang kabog ng dibdib niya. "Kumpleto po ba sila ngayon sa loob?" Naalala niyang itanong sa kasambahay. "Opo, eksakto rin ang dating mo. Kakauwi nila Mr. at Mrs. Olivarez galing sa opisina nila at si Kate kasi ay sinumpong na naman ng sakit niya. 'Pag ganoon ay napapauwi naman ang mag- asawa bigla." "Aw, 'hope you're okay, Kate. Hang on, beeech. I am here now," pagkausap ni Monaliza sa sarili. Dati pa kasi ay ganoon na pahirapan si Kate ng sakit niya. Susumpungin, mahihirapan na huminga. Hindi nga sila nakapaglaro ni Kate ng takbuhan. Parati lang silang naglalaro sa loob ng bahay at ang outdoor activities na nila noon ay ang pagtatayo ng tent sa bermuda grass sa harap ng bahay lalo na kung maganda ang panahon at maraming bituin. Fan kasi si Kate ng mga bituin. Humihiling si Kate sa stars, siya naman ay sa moon. At sa huli, silang dalawa ay hihiling na sa universe. Those were the days... "Mauna na ako o ikaw na? Nasa sala silang lahat." Tanong at inform ni Celia sa kaniya. Tukoy ang pagpasok sa pinto. Nang tumango si Monaliza ay agad naman na binuksan ni Celia ang pinto. Hindi rin naman kasi puwedeng basta na lang siya pumasok doon. Sosorpresahin niya sa pagdating niya ang mga Olivarez pero hindi pa rin maganda para kay Kate ang biglaan na emosyon. Sobrang mapagod, sobrang malungkot, sobrang galit at sobrang saya, lahat 'yon ay risky sa kondisyon ni Kate. Nang tuluyan na mabuksan ni Celia ang pinto ay kaagad din niyang narinig ang pag- uusap ng mga pamilyar na tinig... "Huwag ka na kasing magluluto, Katherine." "Anak, siya nga naman. Masyado kang napapagod sa pagbe- bake ng kung ano-ano." "Mom, alam niyo naman na ngayon na lang ulit ito nangyari. Masyado lang talagang malikot kanina si---" "Mo--Mona?..." "H--Hi!" Ang dalawang letrang 'yon na gasgas nang pang- greet ang tanging naibulalas ni Monaliza sa mga taong naroon at sa unang tao na nakapuna sa presensiya niya... Si Marco Polo Sandoval. "Mo--Mona! Ikaw nga!" "Wait—" Inawat ni Monaliza ang matalik na kaibigan na si Kate dahil nagpapakita ito ng emosyon na sobrang saya pagkakita sa kaniya gayong hindi pa nga umaayos ang paghapo nito. Doktor siya, and by the look of her, alam niya na. Alam na niya na pumapalya na ang puso ni Kate. Sabagay ay hindi naman na iyon nakakapagtaka. Nasabi naman na niya kanina—kaya nga siya bumalik na sa bansa at nagpakadalubhasa sa ibang bansa para sa sakit na ito ng matalik na kaibigan. "Relax, Kate..." Sumunod naman si Kate sa kaniya. Ang lahat ay nakatingin lang sa kanila sa ilang sandali. Sa ilang sandali na pinakita niya sa mga taong naroon na doktor na siya. Sa puso. "SALAMAT sa tulong mo kanina." Salamat sa sigarilyong hawak ni Monaliza, naging excuse kasi iyon upang hindi niya kaagad na harapin ang nagsalitang 'yon na si Marco Polo. Well, dapat na muna niyang ibuga ang usok niyon papaling sa kabilang direksyon bago niya kasi ito harapin at kausapin. "Naninigarilyo ka na pala." "Hindi na maiiwasan. Pressure sa studies noon, sa work. Yosi na lang ang karamay madalas. Nakakatulong din kahit paano. Kahit masama sa katawan." "Ah," tipid na tugon ni Marco Polo. Tumikhim si Monaliza. Narito na lang sila at magkaharap na, bakit hindi niya pa sabihin kay Marco Polo ang gusto niya? "Nakakagulat na daratnan kita rito, MP. I mean..." Namulsa si Marco Polo at sumandal sa hamba ng pinto ng terasa kung saan silang dalawa ay naroon. "Nakakagulat din na hindi mo na talaga hinayaan ang sarili mo na makibalita." Nagtanong ang mga mata ni Monaliza sa kausap. "Asawa ko na si Kate, that's why. Dito kami nakatira sa kanila dahil hiniling niya. Pero tuwing weekdays ay nasa kabila kami." A—Asawa? No, no, no, hindi 'yon totoo... "Wh-- What? No, MP, s—sabihin mong nagbibiro ka lang..." Marco Polo smirked. Sa paraan na hindi alam ni Monaliza kung negative or positive. Hindi niya pa kasi nada-digest ang tila bomba sa pandinig niya na huli nitong sinabi. "But this is far from joke, Mona."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD