9: NEW FRIEND?

1341 Words
HETO na naman siya, nagbabakasakali na naman sa maituturing niyang misyon niya na yata sa buhay. Misyon na nararamdaman naman na niyang malapit na niyang makamit. Heto na naman siya, nasasabi lang ang mga 'yon sa isipan niya ngunit wala naman siyang reklamo dahil gusto niya naman ang ginagawa. Sabi nga niya e, maituturing na niyang misyon 'yon. Besides, masarap naman talaga ang kape at cakes, cupcakes, sa Kate's. Parang ang tagal na rin no'ng maging constant customers siya ng naturan na bakeshop. Lahat ng staff do'n ay kilala na nga niya at magiliw siyang binabati sa tuwing nakikiya siya. Pati nga ang mga guards. Jusko, mas consistent pa nga siya sa guard do'n. May mga pagkakataon na napapalitan kaagad ang guard, mayroon din namang branch ang bakeshop na iisa lang ang guard at never pinalitan. Napuna lang niya, wala naman siyang planong alamin ang rason kung bakit gano'n pero dinig niya ang gano'ng klaseng security agency ay mababang uri kumbaga. Hindi siya high standard, hindi rin naman low. Nasa middle. "Good morning, Ever!" "'Morning," ganting bati niya sa isa sa mga staff do'n na malawak nang nakangiti kaagad sa kaniya nang makita siya. 'Yong ganito kagiliw na mga staff sa mga kinakainan natin, maano ba naman ang naibibigay natin na tip during kakain tayo sa store or tuwing may okasyon lalo at pasko. Sulit na sulit ang mga 'yon dahil kilala ka na ng mga 'to, bumait pa sila sa 'yo at never kang susungitan. Of course, ang lahat ng tao ay may mga pangit na araw. Lalo na siguro ang mga tulad ng mga 'to na ilang daan, libong customers ang kinakaharap sa araw-araw. Mga taong iba-iba ang mga ugali kaya hindi rin talaga parating gigiliw sila sa 'yo kahit hilingin mo pa. Tao rin naman sila. Hindi robot. Katulad nilang mga nurse, napipikon din naman ang 'to sa makukulit na tao na wala nang ginawa kundi manghingi ng kumot at punda, manghingi ng tubig mainit, magpaayos ng bedsheet, magpaayos ng AC sa kuwarto, magpapalit ng IV! Oo! Napunta na talaga sa kaniya. Ang sinasabi lang naman niya ay hindi nakakatuwang mabuhay sa mundo minsan. Nakakairita rin talaga. Mas lalo siguro sa mga katulad niyang wala na ngang pamilya, wala pang jowa. "Alam na alam mo na ang orders ko ah," aniya nang mapuna niyang hinahanda na nito 'yon. Malawak 'tong ngumiti. "S'yempre naman, ikaw pa ba." "O siya, bilib na 'ko. Kahit ang table ko bakante e." Nagkatawanan na lamang silang mga naroon. Gano'n na ang mga 'to sa mga katulad niyang regular customers na nila. Kasama yata sa trabaho nila, s'yempre, tulad nilang mga nurse dapat ay magiliw rin ang mga 'to. Kung siya nga, pinipilit pa rin na maging magiliw sa mga relatives ng pasyente na kung mga makautos ay daig pa ang may kinuhang private nurse. Minsan kung kailan ka nga kumakain saka mang-iistorbo. Ah, dapat niyang idagdag na iidlip na lamang siya, manggising pa nga dahil tumabingi ang suwero. Hindi gumagana ang TV sa private room, nabasa ang kumot, marumi na ang punda. Sus. HINDI maiwasan ni Kate na mapakunot-noo nang mamataan niya ang pamilyar na taong 'yon sa shop niya. Aaminin niyang hindi niya rin talaga maiwasan na magtaka pagkakita niya sa pamilyar na taong 'yon. A tall, red-haired gay, mga almost 6 feet 'to siguro. Maputi ang complexion nito. Hindi naman sa naghihinala siya nang kung ano rito or what, basta pamilyar lang 'to sa kaniya dahil madalas niyang nakikita 'to ro'n sa bakeshop niya. Customer na nila. If she's not mistaken, almost one year na rin. Nasa gano'ng taon lang din naman siya nagsimulang maging active na tumao sa bakeshop na pag-aari ng pamilya nila. Katakot-takot na pamamaalam pa sa daddy niya bago siya payagan nito. Ginawa siyang bata, though, wala namang bago ro'n. Lumabas kasi siya saglit mula sa opisina niya at kahit kailan naman ay hindi niya matagalan ang pag-upo nang may katagalan sa tuwing naroon siya sa trabaho kaya tumatayo-tayo talaga siya. "Madam, hi," bati agad sa kaniya ng isa sa mga staff nila. Tinanguan niya lang 'to. Medyo matao kasi ngayon at busy ang lahat. Pero kung iistorbohin naman niya 'to ngayon ay ayos lang naman siguro, may itatanong lang naman siya sandali... "Ahm, 'yong taong 'yon," huminto naman sa ginagawa ang staff niya, nilingon ang itinuro niya, "parati ko siyang nakikita rito. Suki na natin, tama ba 'ko?" pananantya niya pa, mahirap na rin na magkamali siya. "Ah, si Nurse Ever po 'yon." See? Kilala na ng staff! "Bakit po? May problema po ba?" "Uh, wala, wala naman. Nagtataka lang ako kasi matagal na natin siyang customer kaso ay sa kahit saan na sangay nitong store natin, nakikita ko siya." At aaminin niyang medyo suspicious na 'yon for her kahit ayaw niyang i-entertain ang negative thoughts na 'yon actually. Why, mayroon lang lima na sangay ang coffee shop s***h bakery niya around Metro, na siya na ang nagma-manage buhat nang mapapayag niya ang dad niya. Ang iba kasi ay sa mga magulang na niya, at sa limang 'yon, kada iikot siya ay naroon 'to. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan 'yon, may mga bagay naman na nagkataon lang pero... ewan ba niya. The staff chuckled. "Madam, ganyan po talaga 'yang si Nurse Ever, siya na rin ang nagsabi na hindi niya kayang mabuhay nang wala ang mga cakes natin. Favorite niya rin po ang choco moist cupcake na kayo mismo ang gumagawa," pagkukuwento pa nito sa kaniya. "Kaya kapag naroon na rin siya sa isang branch malapit, sinasaglit niya tayo." Napangiti na lang siya. Sabagay, sa Kate's BakeFeeShop lang naman available ang choco moist na specialty niya. "Gaano katagal na nga natin siyang constant na customer?" Hindi niya alam kung bakit bigla na lang na parang ang halaga sa kaniya na malaman 'yon. Basta lang, sinasabi ng guts niya na alamin. Not that nasa itsura ng nurse na hindi 'to mapagkakatiwalaan, actually, presentable pa nga 'to. Isa 'to sa mga member ng third s*x na talaga namang ang disente tignan at alam mo na kaagad na may magandang trabaho, but still... "May katagalan na rin ho. Buhat nang maging staff ako rito sa Pasay, mga halos dalawang taon na rin." Oh. "Sige, salamat sa info," tipid na lang niyang tugon sa isa sa mga staff niya. "Wala pong anuman. Kung gusto niyo po ay puwede ko naman kayong ipakilala sa kaniya." "Naku, hindi na, hindi na." Kaagad naman na iiling-iling niyang tanggi. Istorbo pa siya sa trabaho nito kung sakali. Ayaw naman niyang mangyari 'yon. "Sige po, kayo ang bahala." Tumango at ngumiti na lang siya sa staff. Ang mga staff niya kasi sa kahit saan na sangay ay mga kilala niyang talaga at ayaw niya nang papalit-palit ng staff. Kaya nga katulad ng kausap niya, dalawang taon na 'to sa trabaho. For her, ang benefits na ibinabayad niya sa government na kapalit ng service ng mga staff niya sa kaniya ay wala lang. Hindi siya katulad ng ibang negosyante. Besides, lahat naman ng nakukuha ng mga staff niya ay pinagpaguran ng mga 'to. The least she can do is suklian 'yon nang tama. "Salamat," she simply replied at her staff. Tatalikuran na sana niya 'to ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay nagkakaroon na ng komosyon do'n na nga mismo sa harapan kung saan kumakain ang mga dine-in customers nila. Kumunot ang noo niya. May isang bata na tila nahihirapan huminga na sapo ang sarili nitong dibdib. Tarantang nilapitan niya 'to pero bago pa siya makalapit sa komosyon ay namataan na niyang hinawi ni Nurse Ever ang mga taong nagkakagulong umumpok sa harapan ng bata, partikular sa mga kasama niyon. Minadali na rin niyang makalapit upang makiusyoso pagkatapos niyang senyasan ang staff niya na mag-abang kung kinakailangan pa ba nilang tumawag ng rescue. May pagkakataon naman kasi na first aid ang kailangan higit sa lahat kaysa ang magbyahe papunta sa ospital o maghintay sa pagdating ng mga taga ospital. Dahil nagkakagano'n din siya. Katulad sa nangyayari sa bata ay maraming pagkakataon na rin siyang nahirapang huminga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD