Ilang saglit pa silang nagkwentuhan ni Lexie nang biglang dumating si Nisha, maaliwalas ang mukha nito habang papalapit sa kanilang inuupuan. "Hi! Sorry ah? Kasalanan ng kotse ko," sabi ni Nisha na umupo sa tabi ni Lexie. Hindi alam ni Hera kung bakit siya kinakabahan na magtanong sa babae kung paanong tinulungan ito ni Zic. Hindi naman siya ganoon dati, kinokompronta niya talaga ang mga gusto niyang komprontahin, pero ngayon... "So, sino ang tumulong sa'yo? Hindi ko agad nakita ang mga tawag mo e," ani Lexie habang nakatingin sa hawak na magazine. "Si Zic," tipid na sagot ni Nisha na hindi nawawaala ang ngiti sa mga labi. Biglang napaangat ng tingin si Lexie at tinignan muna siya bago si Nisha. "Si Zic? Paano?" "He called me."Tahimik lamang siyang nakikinig s

