Maarteng nin-nail polish ni Hera ang mga kuko dahil sa may gala sila bukas ni Lexie, siya na lamang ang gumawa dahil wala na siyang time magpunta sa salon. Kasarapan ng upo niya sa living area, nakapusod at nirolyo niya ang buhok, naglagay din siya ng head band na tela upang masigurong hindi makakaalpas ang bangs niya.
Sa round table na malapit sa kanya ay may iba't ibang pagkain siya na ipinaluto at in-order, pero halos tinikman niya lamang ang mga 'yon. Sobrang naboboring siya sa kanilang mansion dahil parehong wala ang Ama at ina, nasa opisina pa kasama ang Kuya Harry niya na tine-train na ng kanilang Ama upang mamahala sa kanilang kumpanya.
Gusto man niyang tawagan si Lexie-- ang kaisa-isang kaibigan niyang nakatagal sa ugali niya. Alam niyang busy din naman ito, unlike her si Lexie ay may sarili ng negosyo, pero siya? Naka-graduate na siya sa culinary pero hindi pa rin niya alam kung anong balak niyang gawin sa buhay niya. Atsaka isa pa, mayaman naman sila at ibinibigay ang lahat ng luho niya bakit kailangan pa niyang magtrabaho?
Geez! I know that's a bad mindset. But what can I do? I'm a daughter of famous business tycoon? Duh! Iyon ang sabi ng dalaga sa kanyang isipan. True enough, she has everything. Family, luxurious life, money, beauty. Si Z na lang talaga ang kulang sa buhay niya at magiging masaya na siya.
Nang matapos sa pagpipintura ng kanyang mga kuko ay napagpasyahan niyang umakyat na sa kanyang silid, pero bago iyon ay nagtawag muna siya ng isang kasambahay, "please pakiligpit ng mga kalat ko. Thanks!" maarte niyang sabi sa katulong nila na may pilit na ngiti.
Umm! As if naman hindi ko pansin na napipilitan lang siyang sundin mga utos ko. But sad for her, no choice siya because pinapasahod siya ng aking Daddy.
Patuloy na kausap ni Hera sa kanyang isipan. Alam naman niya na most of the people na nasa paligid niya ay ayaw sa kanya at naartehan sa kanya. But who cares? Kailangan ba niyang baguhin ang sarili niya just to let them love her? Oh no! Bahala ang mga taong hate siya, wala siyang care! Pero pagdating kay Z, hindi siya makakapayag na forever na lang siyang i-hate nito.
Pag-iisipan ko pa ang plano ko talaga kay Z. Mahirap kasi makahanap ng pagkakataon, pero one thing is for sure, I will be Mrs La Gresa soon!
Oh dziva? Ang lakas ng fighting spirit niya pagdating sa pagpapaamo kay Z. Hindi siya makakapayag na mapunta lang 'to sa iba ano. Masyado ng malaki ang feelings na na-invest niya sa lalaking palikerong iyon, hindi niya hahayaang masayang lamang.
Bandang alas sais ng hapon ay dinig na ng dalaga ang pagdating kanyang mga magulang. Pero hindi siya nag-abalang bumaba dahil ipapatawag din naman siya maya-maya para sa dinner. Ganoon na siya kasanay sa routine nila. Busy siya ngayong pinapatuyo ang buhok at nakaupo sa harap ng kanyang palasaminan.
Nagtataglay ng gandang hindi pangkaraniwan si Hera, ganda na maraming nababaliw kahit noong nag-aaral pa siya. Ang gandang meron siya ay marami ng napaiyak at binigong mga kalalakihan noon pa man, dahil para sa kanya si Z lang ang pag-aalayan niya ng kanyang ganda.
Mahaba't hangang pwetan ang kanyang diretso't itim na itim na buhok, mapipilantik ang kanyang mga pilik mata at meron siyang almond eyes. By the way, she loves wearing contact lens, kaya hindi mapapansin ang tunay na kulay ng kanyang mga mata. It was chesnut brown. Matangos ang ilong niya na akala mo'y nakita ang ilong ng artistang si Marian Rivera, maninipis ang kanyang mga labi na natural na pinkish. Maputi at makinis din ang kanyang balat na namana niya sa kanyang Ina. Idagdag pa ang tangkad niya na pinaresan pa ng mahahabang legs at matambok na pang-upo.
A almost perfect greek goddess. Tanging si Zic La Gresa lang talaga ang ini-snob ang beauty niya, hindi niya mawari kung ano ang tingin nito sa kanya. Nakaka-insecure sa totoo lang, baka kasi sa paningin ni Z ay mukha siyang mangkukulam. Kaya everyday ginagawa niyang presentable ang sarili upang aksidenteng makita man niya si Z ay maganda pa rin siya.
Maya maya pa ay may kumatok na pintuan ng kanyang kwarto. "Yep?"
"Hey Lil'sis. Bumaba ka na raw sabi nina Mommy, dinner time." Ang Kuya Harry niya iyon. Agad agad siyang tumayo at pinagbuksan ito ng pinto, nakapag-shower na rin ang kapatid na halatang pagod sa maghapon.
"Hi Kuya." Tsaka siya kumawit sa braso nito. Sabay na silang bumaba sa dining area. "Sunday bukas kuya, magkikita ba kayo ng mga tropa mo?" pasimple niyang tanong sa kapatid.
Natatawang tinapunan siya nito ng tingin. "Bakit hindi mo pa ako diretsuhin? Ang gusto mo lang itanong niyan kung nandoon si Zic."
Napanguso siya. Alam na alam na talaga ng Kuya niya ang mga galawan niya. "O sige na nga. Ano makakasama mo ba si Z, bukas? "
Umiling ang Kuya niya. " Nope. Busy ngayon si Z dahil siya rin ang tinetrain para mamahala sa kumpanya nila. So, malabong naroon siya bukas, " paliwanag ng kapatid niya sa kanya.
Natigilan siya at nag-isip. Sayang naman pala, balak pa naman niyang sundan ang Kuya niya bukas para makita si Z. Nakarating na sila sa Dining Area kung saan naghihintay na ang magulang nila. Humalik siya sa Daddy niya at pagkaraan ay sa kanyang Ina.
"How's your day, honey?" tanong ng Ama niya habang nakangiti. Saktong nakaupo na siya sa kanyang upuan katabi ang Kuya niya.
She smiled back to her Dad. "As usual, Boring. Nakakainip kayang mag-isa rito sa bahay noh."
"Dapat pala sumama ka na lang sa amin at para malaman mo rin ang pasikot-sikot sa kumpanya, " anang Kuya niya na natatawa. Nang-aasar talaga ito, alam naman nitong wala siyang balak mamahala sa kumpanya nila, mas lalo lang siyang maboboring doon.
Inismiran niya ito. "Not interested."
"Laging boring naman sa'yo ang lahat ng bagay hija," anang Ina niya. She's more strict than her Dad.
"Hindi Mommy ah. Ang night life sa akin ay hindi boring, I love it!" - Hera
Kita niya ang pagbuntong-hininga ng Ina at napailing. Nginisian niya lamang ito, alam niya mamaya-maya lang ay manenermon na ng kaunti ang Mommy niya. Pero syempre kahit ganoon ay Love niya pa rin 'to.
"What's your plan?" muling nagsalita ang Mommy niya.
Mula sa pagkakatingin sa plato niya ay tinignan niya ang Ina. "Me? Plan about what?"
"In your life." -Mrs. Madrid
Napangiti siya. "To be Mrs. La Gresa," biro niya.
"Hera!" saway ng Mommy niya.
"Nardeth, calm down. See? She's just joking," salo ng Ama niya. That's why she's a Daddy's girl. Si Harry naman ay tahimik lang na patawa-tawa sa usapan ni Hera at ang Mommy nila.