CHAPTER 2

1018 Words
Bahagyang tinakpan ni Z ang mukha gamit ang kanang kamay niya, dahil natanaw niya si Hera na tila kanina pa siya hinahanap kasi nanghahaba ang leeg nito. Kanina pa niya ito tinataguan magmula magsimula ang party, pati tuloy sina Harry at ang barkada ay hindi na niya maasikaso. Akmang tatayo na siya nang- "Zic!" Boses ni Hera na papalapit sa kanya. Napasimangot siya. "Hera,ikaw pala," aniya sa dalaga Hindi niya mapigilang mapalunok dahil nakita niya ang suot nito. Ngumiti ito sa kanya, mapang-akit. Tila lalo pang ibinalandra sa harapan niya ang cleavage nito. "Isayaw mo naman ako Z, please?" pakiusap ni Hera at nag puppy eyes pa. Lalo siyang napangiwi. "Hindi ako-" "Ako ang bahala," sabat ng dalaga at hinila na siya sa bulwagan ng malawak na mansion ng mga La Gresa. "Hera, I think this is not a good idea," pagtutol niya, nang nakatayo na sila sa gitna kasama ang mga ibang mga bisitang nagsasayaw. "Damn!" Bulong ni Z, nang makita ang slit sa semi-gown ni Hera, kita kasi doon ang mahahaba't bilugin nitong hita. His weakness. "Huwag ka ng mahiya," ani Hera at idinantay ang mga kamay sa kanyang balikat, wala siyang nagawa kundi hawakan ang maliit nitong bewang. No boner please.. si hera ito kapatid ni harry. Tropa mo. Pagpapaalala ng binata sa sarili. "Ang bango mo talaga Z," bulong pa ng dalaga na idinikit pang sadya ang dibdib sa kanyang dibdib. Napalunok siyang muli. Ohh hera, you don't know who you playin' with.. Sabi ng binata sa isipan, alam niyang sinasadya ito ng dalaga kagaya ng lagi nitong ginagawa, kapag nakakakuha ng pagkakataon. Gusto niyang i-congratulate ang sarili dahil sa daming beses na inaakit siya ni Hera, sa awa ni Bathala hangang ngayon di pa siya pumapatol. Pero hangang kailan kaya? "Hera what are you doin'?" Tanong niya sa dalaga nang mas lalo pang idikit ang sarili sa kanya. "Huh? I'm not doing anything," Painosenteng turan nito na nakatingin sa kanya. "Oh c'mon, Hera. I know you too well," aniya na inirapan ito. Natawa ang dalaga. "Don't you like it huh?" Mapang-akit na tanong pa nito at inamoy ang leeg niya, na awtomatiko niyang nilayo rito. Pero muli siyang hinila ni Hera sa batok. Damn, parang baligtad ata? Bakit parang ako ang na-a-harass? Sabi ni Z sa sarili. "Hera, we should stop dancing." Binitiwan niya ang beywang ng dalaga. Ngumiti ng mapang-akit si Hera. Ang ganda nitong lalo kapag ginagawa 'yun. "Magiging akin ka din Zic. By hook or by crook," makahulugang sabi pa ng dalaga sa kanya. Sumeryoso ang kanyang mukha, parang ayaw niya ang ipinapahiwatig nito. "Huwag mo ng ituloy kung ano man ang binabalak mo Hera," banta niya at tinalikuran na ang dalaga. Darn! pinagpawisan siya roon ha. "Napalaban ka?" salubong ni Greg sa kanya at inabutan siya ng alak. Napangiwi siya at napailing. "Where's those lunatic?" Usisa niya. Nag-aalalang baka nakita sila ni Harry, na nagsasayaw kanina. "Don't worry, Mike and Harry are busy," anito. Ibig sabihin nakahanap ng mga ka-flirt ang dalawa. Nakahinga siya ng maluwag. "How about you?" Aniya kay Greg. Tinignan siya ng malagkit ni Greg. "I'm waiting for you Z," malanding sabi nito sabay haplos sa braso niya. Nanlaki ang mata niya at kinilabutan sa inasta ng kaibigan. Hindi nito bagay maging bakla. Ang laking tao eh. Humalakhak ng malakas ni Greg nang mapagmasdan ang reaksyon niya. "Hindi naman ganyan ang reaksyon mo kaninang hinahaplos-haplos ka ni Hera ah," Pangangantiyaw nito sa kanya. "Damn. Hera and you are different. Yuck! Don't do it again, Greg," sabi niya. Wanting to throw-up. Humalakhak muli si Greg, pagkaraan ay may nginuso sa may likuran niya. Lumingon siya and saw Hera coming. "Got to Go." Sabay tayo at nagamadaling naglakad. Kainis! Damn hera! When will you gonna stop chasing me? Anang kanyang isipan. Nang mapansin niyang wala na sa paligid si Hera, nilapitan niya ang babaeng kanina pa niya tipo. "Hey." Agaw niya sa attention nito at inalok ito ng isang kopitang alak na kinuha niya sa dumaang waiter sa tabi niya. "Hey, Mr. La Gressa," sabi ng babae na halatang nasorpresa sa paglapit niya. "Happy wedding anniversary to your parents, " dagdag pa nito. Uhm, genuine ang ngiti ng babae wala 'yung ngiti na lagi niyang akikita niya sa iba. Iyong nagpapa-impress. Mukhang anak ito ng isa sa mga business partners ng kanyang Ama, at mukha naman disente ang babae. "Thank you, you are?" Usisa pa niya. "Shella, Shella Scorto." Pakilala nito na in-offer ang kanang kamay na kaagad naman niyang tinangap. Uhm.. so this is senator scorto's daughter. Aniya sa isip, sa pagkakaalam niya mga pinagpipitagang pamilya ang mga Scorto. Ang Ama nito ay never nasangkot sa anumang masamang isyu sa politika, pruweba na okay ito sa piniling karera. "My hand," ani Shella. Oo nga pala hindi pa niya binibitiwan ang kamay nito. "Oh sorry," paghingi niya ng paumanhin. Atsaka siya ngumiti ng matamis sa kaharap. Umaandar na naman kasi ang pagka chikboy niya sa oras na ito. "Oh my God!" Bigla ay impit sigaw ni Shella at nakita niyang basa ang gilid ng gown nito, at nang tignan niya sino ang may gawa nun ay napailing siya. Here we go again... "Oh sorry," maarteng sabi ni Hera, habang hawak ang kopita na wala ng lamang alak dahil naibuhos kay shella iyon. "It's okay, it's okay," sabi ng dalaga na bahagyang ngumiti. "I'm really sorry, dear." Hindi talaga maitago ni Hera ang pagka bitchy. Sanay na siya sa ganitong tagpo dahil lagi naman iyon ginagawa ni Hera, sa mga babaeng nakikita nitong kausap niya. "Mr. La Gresa, excuse me for a while," paalam ni Shella. "You need help? I'm willing," alok pa ni Z, baka sakaling maka score siya ngayong gabi sa anak ni Sen. Scorto. "Oh No. Thank you, I can manage," Tanggi nito at nagmamadaling umalis. "Bye bye," pahabol ni Hera na tatawa tawa, nang tumingin ito sa kanya ay tinaasan niya ito na kilay at humalukipkip. "W-what?" Anito painosente. "Hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo Hera," aniya na mababakas sa mukha ang pagkayamot. "Wala naman akong gina-" "Hera." -Zic Tila nauubusang pasensyang sabi ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD