03

2097 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Saan ka pupunta?" tanong ni Eira matapos makita na bihis na bihis si Messiah. Pababa na siya ng hagdan nang makita nito si Messiah inaayos ang suot nitong leather jacket. Bahagyang kinusot ni Eira ang ilong dahil sa matapang na pabango ni Messiah. Gusot naman ang mukha na nilingon ni Messiah ang babae dahil sa hindi pa din nito makalimutan ang ginawa nitong pagbuga ng juice sa mukha niya kaninang umaga. "Wala kang pake. Kung ayaw mo maging impyerno ang buhay mo sa pananatili sa bahay na ito— manahimik ka sa sulok at huwag mo ako pakialaman," maangas na sagot ni Messiah. Hindi nagbago ang expression ni Eira. Inismiran lang siya ni Messiah at tinungo na ang daan palabas ng mansyon. Tiningnan ni Eira ang wrist watch at nakitang 4pm na. Araw iyon ng miyerkules at base sa schedule na binigay sa kanya ng tita Michelle niya. Pupunta si Messiah sa paborito nitong bar kasama ang mga barkada. Tinungo ni Eira ang pinto palabas ng mansyon at nakita niya na sinipa ni Messiah ang sasakyan na gagamitin nito. "What the heck! Sino ang bumutas ng gulong ng sasakyan ko!" bulyaw ni Messiah bago tiningnan si Eira na nagtatakang tiningnan lang sa binata. "Anong problema? Nabutas gulong ng sasakyan mo?" inosenteng tanong ni Eira na halos ikausok ng ilong ni Messiah. Sa hindi alam na dahilan ni Messiah bigla niyang naisip ang mom niya sa expression ng dalaga. Ganito ang expression ng mom niya 'nong last na nag-away ang mom at dad niya. Nag-back out lang naman lahat ng investor ng daddy niya dahil sa mommy niya ng once na magselos ito sa isa sa mga nag-invest ng company nila. Napasapo si Messiah sa noo at pinigilan nito ang sarili na mag-wala. Lumapit ito sa isa pang sasakyan na dapat gagamitin niya pa sa huwebes. Tiningnan niya kung walang butas ang gulong ng kotse. Nang makita na walang butas iyon. Nakahinga siya ng maluwang at bubuksan niya ang pintuan ng sasakyan nang bigla iyon makalas. "What the heck!" "Ow, mukhang kailangan mo na ipaayos lahat ng sasakyan mo," ani ni Eira na kinalingon sa kanya ni Messiah. Pikon nitong nilapitan ang babae at hinablot ang braso ng dalaga. "Pinipikon mo ba talaga ako babae? Akala mo nakakatuwa ka! Bakit mo sinira sasakyan ko!' umuusok ang ilong na sigaw ni Messiah na kinatingin sa kanya ni Eira. "Paano mo nasabing ako? Magagawa ba iyon ng nerd type na katulad ko? May ebidensya ka ba na ako gumawa?" inosenteng tanong ni Eira na mas kindilim ng mukha ni Messiah. Ngumiti si Eira ng matamis at bahagyang tinapik ang pisngi ni Messiah. "Mabait ako kaya hindi ko magagawa ang binibintang mo. Hindi ako kasing wild at ruthless ng iniisip mo," natatawang sambit ni Eira. Malakas iyon na tinabig ni Messiah at marahas na binitawan ang dalaga. "Kung hindi ka lang talaga babae," nanggigigil na sambit ni Messiah bago naiinis na tinalikuran ang babae. May tinawagan si Messiah at mabibigat ang paa na umalis sa parking lot. Naka-cross arm na sumandal si Eira sa pinto at sinundan ng tingin si Messiah. "Matira ang matibay sa atin dalawa, Messiah," bulong ni Eira na kinangisi ng dalaga. Sa hindi niya alam na dahilan bigla siyang nakaramdam ng tuwa matapos makita ang expression na iyon ni Messiah. Sa isip ng dalaga mukhang hindi siya mabo-boring mag-stay doon dahil talagang natutuwa siya sa galit at asar na nakikita sa gwapong mukha ng tagapagmana ng mga Jimenez. — "Anong nangyari sa mga sasakyan mo pre?" tanong ni Owen matapos ito biglang kontakin ng binata at sinabing sunduin siya. "That b***h, sinira niya ang mga sasakyan ko!" bulyaw ni Messiah na bigla na lang hinampas ang lamesa na naging dahilan para matumba ang ilang bote na walang laman sa lamesa. "Sino?" tanong ni Cross. Iyon kasi ang unang pagkakataon an nakita niyang 'ganon ang lalaki. Gusot na gusot ang mukha ng binata. "Wait, dapat diba nagse-celebrate ka ngayon? Umalis si tita at tito— magagawa mo na lahat ng gusto mo. Nanadito tayo para mag-celebrate," ani ni Owen matapos makita na laklakin ni Messiah ang laman ng bote ng beer. "Ako lang ba curious sa b***h na tinutukoy ni Messiah?" tanong ni Cross na kinatawa ni Jackson. "Kung sino 'man ang b***h na iyon ni Messiah. Naku-curious ako kung ano siyang klaseng babae. Sinira niya lahat ng sasakyan ni Messiah at talagang napikon siya si Messiah doon," ani ni Jackson bago inangat ang kamay at nakipag-bomb fist kay Cross na natatawa din. "Bakit mukha pa kayong masaya na dalawa? Hindi niyo ba nakitang nagluluksa si Messiah sa pagkasira ng mga baby niya?" tanong ni Owen na kinatingin naman ni Messiah ng masama kina Cross. Sa tingin kasi ng binata mukhang nage-enjoy pa ang mga ito na nakikita siyang nabu-bwisit. "Kasi sa tingin namin natagpuan na ni Messiah ang karma at katapat niya," natatawang sagot ni Cross dahil sa mainit talaga ang ulo ni Messiah at medyo tinamaan na ito ng alak. Basta na lang nito hinablot si Cross. Agad naman sila pinigilam nina Owen. "Easy lang mga dude! Magbabarkada tayo dito!" sigaw ni Owen dahil sa lakas ng tugtog. "Sinong sinasabi mong katapat? Nakakalimutan mo yata kung sino ako, Arjen," madilim ang mukha na sambit ni Messiah ngunit hindi nagpatinag si Cross. Tumayo si Cross at ngayon nakatayo na sila pareho ni Messiah— tinabig nito ang pagkakahawak ni Messiah sa kwelyo niya. Medyo lasing na si Messiah kaya na-out balance ito. May nabangga ito sa likuran na kinamura ng mga taong nasa kabilang table. "Anong problema niyo! Gusto niyo ba ng gulo!" bulyaw ng matandang lalaki matapos itulak si Messiah na agad naalalayan ni Cross. "Teka lang! Lasing kaibigan namin. Pag-usapan na lang natin ito," ani ni Jackson. Napangiwi sina Cross matapos may mga tumayo pang lalaki galing sa magkakaibang table. "Ikaw! May problema ka din sa akin!" bulyaw ni Messiah na agad pinigilan nina Owen. Mukhang nasobrahan na si Messiah at wala na ito sa sariling wisyo. "Ang tapang ng kaibigan mo ah," ani ng lalaki. Humarang sina Jackson at Cross. May ilan naman ang mga costumer na lumayo na lang sa takot na madamay. "Mga pre pag-usapan natin ito. Lasing kaibigan namin," ani ni Cross ngunig mukhang away na talaga ang hanap ng mga ito. Susugod ang mga lalaki nang may babaeng dumaan sa gitna nila. Nakasuot ito ng crop top na pinatungan lang ng itim na leather jacket, tinernuhan ng itim na leggings at high heels. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at may suot na face mask. May dress code ang lugar na iyon kaya sa ayaw at gusto ni Eira kailangan niya sumunod. Hindi nito pinansin ang mga taong nasa gitna. Pagdating na pagdating niya doon— agad niya hinanap si Messiah. Halos lahat naman ng lalaki na nandoon halos mabali ang leeg sa pagsunod ng tingin kay Eira. Huminto ito sa harap nina Cross at Jackson— pinako nito ang tingin kay Messiah na halos hindi na makatayo sa kalasingan. "Tabi— kukuhanin ko na ang boyfriend ko," malamig na sambit ni Eira na kinatinginan nina Jackson at Cross. "Boyfriend?" ulit ng dalawa bago nilingon ang direksyon nina Owen at Messiah. Napamura sina Jackson nang mabilis na nilapitan ng mga taong kasamahan ng nabangga ni Messiah si Messiah. Hahawakan ng isa sa mga ito si Messiah nang may lumipad na bote at tumama iyon sa ulo ng taong hahablot kay Messiah. Napasigaw ang lalaki habang hawak ang ulo na dumudugo. Napalingon si Cross sa babae na ngayon ay balewala lang na dumampot ng isa pang bote. "Nakikita niyong hindi na makatayo ang boyfriend ko diba?" bulong ni Eira bago nilingon ang mga lalaki. "How about samahan niyo ako mag- warm up at magpainit tayo ng konti," nangaakit na sambit ni Eira. Napatigil sina Owen matapos marinig iyon. "Messiah! Huwag kang matulog! Iyong girlfriend mo mukhang papakin na ng mga hito dito sa bar!" sigaw ni Owen habang pilit ginigising si Messiah. "Mukhang masaya iyan, Ms," may ngiting aso na sambit ng lalaki. Dinilaan pa nito ang sariling labi matapos mapako ang mata sa katawan ni Eira. Ngunit bago pa siya mahawakan— napanganga sina Jackson nang makita na binalibag ng dalaga ang matabang lalaki. "What the f**k," react ni Jackson. Hindi niya ini-expect na magagawang ibalibag iyon ng dalaga. May isa pang sumugod sa dalaga ngunit hinampas ito ng bote ni Eira at malakas na binigyan ng suntok sa mukha. Walang nakagalaw sa mga kaibigan nina Messiah matapos pabagsakin ng nagpakilalang girlfriend ni Messiah ang mga lalaki. "Arghh!" napahiyaw ang lalaki ng apakan sa ulo ni Eira ang huling lalaking sumugod sa kanya. "Hindi ba kayo tinuruan ng mga nanay niyo na huwag kayong mang-aapi ng mga taong walang laban?" ani ni Eira bago malakad itong sinipa na naging dahilan para mawalan din ito ng malay. Napaatras sina Jackson nang lumingon sa kanila si Eira. Poker face na umayos ng tayo si Eira at taas noo na lumapit sa mga lalaki. "Kung tama ako kayo ang kaibigan ni Messiah diba?" ani ni Eira. Tumango naman si Jackson na may gulat pa din sa mukha. "Pakibitbit si Messiah papasok ng sasakyan ko. Kailangan ko na siya iuwi," bored na sambit ni Eira. Agad naman tumalima sina Jackson at Owen sa nakita nila kanina— mukhang hindi lang ito ordinaryong babae. Nakikita nila dito ang ina ni Messiah kaya agad sila napasunod. Naunang maglakad paalis si Eira. Bumuga na lang ng hangin ang dalaga ng huminto siya sa harap ng sasakyan at binuksan ang backseat. "Teka lang," sabat ni Cross bago hinarang ang isang kamay sa daanan nina Jackson. "Paano kami nakakasigurong girlfriend ka ni Messiah? Ngayon ka lang namin nakita," gusot ang mukha na sambit ni Cross na kinatigil nina Jackson. "Don't tell me isa din siya sa mga taong gustong pumatay kay Messiah," bulong ni Owen na kinakunot noo ni Eira. "Pumatay?" ulit ni Eira. May hindi ba nasabi sa kanya ang ina ni Messiah? Tinanggal ni Eira ang facemask at pinakita ang private card ng mga Jimenez na binigay sa kanya ng ginang. Napatigil sina Cross dahil ang alam nila exclusive lang ang mga iyon sa pamilya ng mga Jimenez. "Pakisakay na ang boyfriend ko. Kailangan na namin umuwi," ani ni Eira. Nakita na nina Jackson ang hawak nito kaya agad nila pinasok si Messiah sa sasakyan. Nang maisara na ni Owen ang pintuan ng sasakyan inilahad na ni Eira ang mga kamay niya sa harap ni Cross. "Pahingi akong business card. Kapag may time ako gusto kitang kontakin," ani ni Eira na kinakunot noo ni Cross. "Bakit kita bibigyan?" gusot ang mukha na sambit ni Cross. "Dahil girlfriend ako ni Messiah at madami akong dapat malaman," bored na sagot ni Eira na kinataas ng kilay ni Cross. "Kung alam mo kung nasaan kaming lugar siguradong marami ng sinabi sa iyo si tita about kay Messiah. Bakit pati kami kailangan mo pang tanung—" "Dahil naniniwala ako na mas kilala niyo si Messiah. Ibigay mo na ang business card mo para matapos na ito— nagmamadali ako," walang emosyon na putol ni Eira, bahagya naman siya siniko ni Jackson para sabihin na ibigay na. Kinuha ni Cross ang wallet niya, kinuha doon ang business card niya at bago pa mailahad iyon ni Cross bigla na lang iyon hinablot ni Eira. Tinalikuran na sila ng babae at agad umikot para sumakay sa driver seat. "What the ng heck, dude ang angas. Ganiyan talaga ang mga tipo kong babae— saan kaya iyan nakuha ni Messiah," hindi makapaniwalang tanong ni Owen habang nakaakbay kay Jackson na kasalukuyang sinusundan ng tingin ang sasakyan paalis. "Hindi din magtatagal ang buhay niya kapag masyado siyang dumikit kay Messiah," bulong ni Cross na kinatingin nina Jackson. "Dapat ba natin siyang balaan about doon?" tanong ni Jackson kay Cross na kinatingin ng binata. "Kapag sinabi natin iyon. Hindi malayong malaman ni tita na may baliw na babaeng pumapatay sa mga nagiging girlfriend ni Messiah," ani ni Cross. Binilinan sila ni Messiah na huwag iyon sasabihin sa kahit na kanino kahit sa mommy niya. Lahat ng babaeng nalalapit kay Messiah pinapatay ng babaeng iyon— kasama na doon ang first girlfriend ni Messiah na mahal na mahal ng binata. Gusto iyon hanapin ni Messiah para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng babaeng mahal niya kaya lagi itong nasa bar nagbabakasakaling mahanap nila ang babae. Lapitan si Messiah ng babae at makita nito ang tattoo na nakita ni Messiah 'nong araw na patayin ng babaeng iyon ang girlfriend niya sa mismong harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD