CHAPTER 115 BREANA’S POINT OF VIEW Sasagot palang sana ako nang lumabas si Arwin. Nakangiti na parang hindi man lang kinakabahan para sa buhay niya. May hawak siyang bola. Nakasuot siya ng jersey. Napalunok ako nang mapagmasdan ko siya ng maigi. Hindi. Hindi puwede 'to. Nang makalapit siya sa amin ay nagdribble muna siya ng bola saka siya lumundag at itinira ang bola. Bigla akong kinabahan habang pinagmamasdan siya. Paano kung magkamali siya ng lundag at magkaaksidente? Paano ko patatawarin ang sarili ko kunsakali? "Game?" tanong niya. "Umatras ka na. Isuko mo na lang at baka sa hospital o sementeryo lang ang kahahantungan mo." "Isinuko na kita noon, namatay na ako noon. Tingin mo may pagkakaiba pa ba?" mamasa-masa ang kaniyang mga mata. Namumula na para bang may pinipigilan siya

