CHAPTER 112 BREANA's Point of View "I will love you and honor you all the days of my life." garalgal na boses ni Arwin ngunit hindi kay Anne nakatitig kundi sa akin, may masaganang luhang bumagtas sa kaniyang pisngi... Ngunit paano ko pa siya mababawi? Paano pa magiging kami kung alam kong malabo na akong makatira para sa aking winning shot lalo na't the time is up! Umatras ako hanggang muling nakalabas sa simbahan. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang pagkabigo na kung kailan gusto ko siyang ipaglaban ay wala akong magawa. Nakita ko ang tingin sa akin ng mga magulang ni Arwin. Hindi ko kayang pigilan ang kasal dahil lang sa katotohanang mahal ko siya. Ginagawa lang iyon ng isang asawang may hawak na titulo. Hindi sapat iyon na dahilan dahil kung mahal din niya ako, wala siya ro'n ngay

