CHAPTER 89 ARWIN’S POINT OF VIEW Umuwi kaming hindi siya nagsasalita. Kahit anong paglalambing ang ginagawa ko sa kanya sa kotse, hindi umeepek. Kahit nilandi ko na siya nang nasa bahay kami ay itinutulak niya ako. Nagtatampo siya dahil sa ginawa kong pag-question sa kanyang mga kuwento. Mali na bang tanungin siya lalo pa’t ramdam kong may mga butas sa kanyang mga kuwento? Dahil ayaw palambing ay hinayaan ko na lang. Natulog kaming magkatalikod. Nang magising ako. Wala na siya sa tabi ko. Hanggang sa lumabas siya sa banyo na bagong ligo. “Good Morning hon.” Walang sagot. Mukhang pinanindigan ang galit. "Ang ganda ni Hon ah." Hinalikan ko siya sa pisngi habang nagsusuklay siya ng buhok sa harap ng malaking salamin. Naisip kong baka ngayon na nagpahinga na siya at nakapag-shower ay l

