SAKIT NG NILOKO

1338 Words

Chapter 56 BREANA’S POINT OF VIEW "Kung hindi mo ako haharapin, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." banta ni Anne sa akin nang nakapasok na ako at isasara na sana ang gate namin. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko. Kahit pa sinugod niya ako, hindi ako makikipag-away. Hindi ko siya tataasan ng boses, hindi ako magsusuplada. "Ayaw kong dito sa mismong gate ninyo tayo mag-usap. Gusto ko pumunta tayo sa kung saan ko mailabas lahat ng hinanakit ko sa ginawa ninyo ni Arwin sa akin. Ginawa ninyo kaming tanga ni Carlo!" umagos ang luha sa kaniyang pisngi. Nakaramdam ako ng awa dahil alam kong sila ni Carlo ang biktima at hindi kami ni Arwin. Kami ang nanakit, kami ang gumawa ng problema kaya kailangan kong harapin at pagbayaran ang para sa kanila ay isang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD