“ Nanunumbat ka na ngayon Monique ikaw na bata ka baka ibalik kita sa sinapupunan ko. Pedro pagsabihan mo yang anak mo huh, nagiging bastos. Akin na Pedro bigyan mo na ako ng pera baka sayo may swerte. “ wika nito. “ Nanay awat na sa pagsusugal wala kang mapapala dyan, mauubos mo lang ang pera mo sayang imbes na pang-kain na natin, ipapatalo mo pa. ken ken pumasok muna kayo sa kwarto. “ ayaw ko kasi na naririnig nila ang bulyaw ni Nanay. “ Oo nga naman Carmen makinig ka sa anak mo, di ka ba nahihiya? “ “ Aba kayong mag ama pinagtulungan niyo pa ako, pagbuhulin ko kaya kayo. At bakit ako mahihiya Kay Monique, kaya nga Nanay niya ako, siya dapat ang mahiya kasi kung di dahil sa'kin edi sana wala siya sa mundong ito. Kaya kung anong sasabihin ko sana wag ng kumuntra nakakairita. " n

