“ Hi po, ako po pala si Monique. “ " Oh hi." sabay umalis na din ito at bumalik ulit Kay Fiona, halatang close ang dalawa. " Amber ok lang ba kayo dito na kayo umupo sa table namin. " ang tinuturo nito ay ang table kung saan nakaupo sina Fiona at ang Mommy nito. " Amber sa ibang table nalang tayo. " bulong ko dito. " Ok sigi, Ahm Bryle dun nalang kami. " wika ni Amber Kay Bryle. " Ang layo naman sa table namin, Pero sigi kung dun yung gusto niyo. " pagpayag nito. " Sigi upo na kami." sagot ni Amber at naglakad na nga kami papunta sa table namin. " Sana pala di na tayo pumunta friend. " Sabi ko dito. " Ok lang yan, Pero close pala ang Mommy ni Bryle at si Amber. Mukhang boto sa kanya. " natigilan ako sa sinabi ni Amber talagang wala itong preno kung makapagsalita na kahit di niy

