Chapter Five

2924 Words
HINDI alam ni Xyrus kung ano ba ang meron kay Rayanne at gustong-gusto niya itong matikman. Ilang araw nang laman ng imahinasyon niya ang dalaga at sa tuwing lumilitaw ang magandang mukha nito sa isip niya ay hindi niya maiwasang hindi tigasan. Ayaw naman niyang parausin ang sarili gamit ang palad dahil alam niya at sigurado siya sa kakayahan niya sa pangaakit na bibigay din ang dalaga sa kanya. Muling pumasok sa isip niya ang sinabi ng asawa ni Edryl sa kanya na papalapit na nga ang kaarawan ng ex-girlfriend niya. Gustuhin man niyang um-attend sa kaarawan nito ay pipiliin niyang hindi na lang pumunta. Hindi pa siya handang maka-usap ito at mas ayos na sa kanya na hindi ito makita. Siguro ay bibilihan na lang niya ito simpleng regalo. Maybe a gift of apology for all the wrong decisions he did in the past. Tumayo na si Xyrus at dumiretso sa banyo tsaka mabilis na naligo. He wore a polo shirt, khaki shorts and sneakers before grabbing his keys and went out of his penthouse. Hindi naman kalayuan ang mall mula sa tinitirahan niya kaya wala pang ilang minuto ay nakarating na siya dito. “What should I buy her?” he asked himself as he walk towards the entrance. Hindi siya makapag-decide kung ano ba ang peace offerering na bibigay niya. Ayaw naman niyang mag-tanong sa pinsan dahil paniguradong sesermonan na naman siya nito. Palinga-linga siya nang makapasok sa mall. Madaming boutique ng damit at hindi naman iyon mukhang gift of apology. Sakto namang napadaan siya sa isang jewelry store kaya pumasok siya dito at nag-tingin sa makikintab na bracelet at necklace. “Good afternoon, Sir. Ano po ang hanap niyo? Madami kaming bagong arrival dito.” “Do you have any idea kung ano ang pwede kong i-regalo para pang-peace offering?” Ngumiti ang babae. “Pwede pong necklace or bracelet. Para sa asawa niyo po ba?” usisa pa nito. Umiling naman siya at bumaba ang tingin niya sa mga jewelry at napukaw ng mata niya ang isang silver bracelet na may cross na pendant. “Can I look at that?” turo niya sa bracelet. Nilabas naman ng saleslady ang bracelet at nakita niyang maganda nga ito. The classic design of it made the jewelry looked simple yet eye-catching. It has a small plated silver with red diamond in both end of the bracelet and the cross pendant was shimmering whenever light reflects on it. “I’ll take this,” he said and smiled. Nang makapagbayad siya ay lumabas siya bitbit ang paper bag na may laman na bracelet. Balak niyang dalawin si Edryl mamaya para ipaabot kay Fatima ang regalo niya dito. Iniisip na niya kung ano ang idadahlilan niya sa pinsan pag nag-tanong ito kung bakit hindi siya pupunta. Pagliko ni Xyrus sa dulo ng mall ay may nabangga siyang babae na busy sa hawak nitong cellphone. “I’m sorry,” paumanhin nito at nag-angat ng tingin. His heart suddenly pound fast when he saw Fatima. “Xyrus!” “H-hey,” he awkwardly greeted. ‘Nak ng putcha. Sa lahat ba naman ng oras at araw ngayon pa sila magkikita? “Kamusta ka na?” mahinhing anito at tipid na ngumiti. “Ayos lang,” sagot niya at umiwas ng tingin. Isang mahabang katahimikan naman ang nanaig sa kanilang dalawa. Napa-tingin naman siya sa paligid. “Hindi mo kasama si Zephyr?” tukoy niya sa anak nito. “Oo. Kakahatid ko lang sa kanya sa school. I’m actually waiting for Mika, may paguusapan kasi kami.” “I see.” Xyrus stared at her for a while. Hindi pa din nagbabago ang itsura nito. She may look like she have aged a little but Fatima is still angelic and beautiful like before. Her shiny brunette hair was curled neatly, she has no makeup on but her natural peach-cheeked were making her look refreshing. Her plump lips were red and the way her hazel eyes looks at him filled his heart with remorse. “Nag-lunch ka na ba? Gusto mo bang sumabay sa amin ni Mika?” “No, I’m fine,” sagot niya at malalim na huminga bago nilahad kay Fatima ang paper bag na hawak. “Advance happy birthday.” “Xyrus…” “It’s my peace offering to you. I’ve caused you too much trouble in the past and my life wouldn’t be like this if I didn’t push myself to you. I’m sorry.” “Xyrus, it’s already in the past. May kasalanan din naman ako sa nangyari kaya ‘wag mong isisi ang lahat sa sarili mo. Kinalimutan ko na ang lahat nang ‘yon para maka-usad ako sa buhay at sana ikaw din. You’re my friend and I wouldn’t be happy to see you being like that. Let’s all forget everything, please?” He smiled sadly and looked down. Siya na lang pala talaga ang hindi maka-move on sa nakaraan. The woman he loved has already moved on. Oo nga naman kasi, limang taon na ang lumipas. Pero sa kanya ay parang kahapon lang ang mga nangyari. Maybe it’s time to forget and he already got the closure he needed from Fatima. Hindi, matagal na dapat niyang kinalimutan to. Siguro hindi lang niya magawang maka-move on dahil hindi niya matanggap ang katotohanang hindi talaga siya minahal ni Fatima. “Thank you,” saad niya at ngumiti sa babae. “For everything, Fatima. Susubukan ko. Susubukan kong ayusin ang buhay ko mula ngayon. I wish you’re happy with your life too.” “I am, Xyrus. I hope you too.” ILANG araw nang pinagiisipan ni Rayanne ang offer ni Xyrus sa kanya. Mula kasi nang maganap ang halikan sa pagitan nilang dalawa ay kung ano-anong kahalayan na ang napapanaginipan niya at sa mga panaginip na iyon ang kasama niya ay walang iba kung ‘di ang masarap na si Xyrus Montenegro. Ewan din ba niya sa sarili kung bakit biglang binigyang konsiderasyon niya ang alok nitong maging instructor niya gayong ayos naman na siya kay Alice kahit na hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Alice told her that what she’s doing is right. Pero may hinahanap ang katawan niya na hindi niya alam kung ano. “Hay nako.” “May problema ka?” tanong ni Violet sa kanya. Napa-iling siya at inayos ang mga files sa mesa niya. Sa dalawang taon niyang pagiging finance department head, ni minsan ay hindi nawalan ng papeles sa mesa niya. Siya kasi ang naga-ayos ng financial status ng kompanyang pinagtatrabahuan pati na din ang sweldo ng mga empleyado. “Wala naman. Kulang lang siguro ako sa tulog.” “Baka naman kulang lang sa love life.” Pangiinis nito sa kanya. “Kailangan mo talaga humanap ng boylet, girl.” “Hindi pa siguro sa ngayon,” sagot niya at ngumiti. “Plano ko munang mag-move on.” “Plano? Baka drawing na naman ‘yan.” “Kukulayan ko na ngayon.” Pagsakay niya sa biro ng kaibigan. Alam niya naman na mahihirapan siyang mag-move on eh. Si Saint ang unang lalaki na pinag-alayan niya ng pagmamahal niya at hindi lang niya basta-basta makakalimutan yung mga masasayang araw at panahon na kasama niya ‘to. “It will take months to forget a heartbreak, alam ko ‘yan Rayanne,” biglang pagda-drama ni Violet. “But remember that I’m always here for you. Susuportahan kita sa pagmo-move on mo pero iyong pagiging tanga mo sa ex mo ang hindi ko susuportahan.” “Alam ko naman ‘yon. Nagpapasalamat nga ko na may kaibigan akong katulad mo na hindi napapagod sa paga-advice sa akin kahit na ang gaga ko.” Natatawang sagot niya dito. Mula kasi nang mag-umpisa siyang mag-trabaho sa advertising company na pinagta-trabahuan ngayon ay si Violet na ang naging kaibigan niya. Alam nito ang mga kilig at saya niya tuwing nakakasama ang ex at si Violet din ang unang tinakbuhan niya nang hiwalayan siya ng binata. “Gusto mo bang mag-clubbing mamaya? Baka doon mo na pala matagpuan si Mr. Right.” “Hmm, sige. Gusto ko din uminom ngayon eh.” Tulad ng napagusapan ni Rayanne at Violet, sabay silang pumunta sa isang high end club matapos ang shift nila sa trabaho. Light drinks lang naman ang balak niyang inumin dahil magmamaneho pa siya. Siguro mga isa o dalawang baso lang ng margarita ay ayos na. Mataas naman ang alcohol tolerance niya at sigurado siyang hindi siya agad malalasing. Pagpasok ng Club XY ay sumalubong sa kanila ang upbeat na music at ang mga tao na naghihiyawan at nagsasayawan. Nalaman niya mula kay Violet na may sikat na DJ ngayon na tutugtog dito kaya naman madami ang tao. “Let’s dance!” sigaw ni Violet ngunit umiling siya. “I’ll just wait for you there!” ganting sigaw niya at tinuro ang bar counter. Tumango naman ang kaibigan at humiwalay sa kanya. Siya naman ay dumiretso sa bar counter at agad nag-order ng margarita. She liked partying when she was younger. Lagi siyang laman ng club noong early twenties niya pero mula nang maging kasintahan niya si Saint ay pinagbawalan na siya nitong pumunta sa mga club at sumayaw-sayaw sa gitna ng madaming crowd. She missed the old times. Gano’n nga siguro kapag dumadagdag na ang edad, nagsasawa na sa mga nakasanayang bagay. Oh god. She doesn’t want to get old yet. Madami pa siyang gustong gawin sa buhay niya at hindi pa niya nakikilala ang lalaking mamahalin siya ng habang buhay. Rayanne gasped when an arm suddenly wrapped to her waist. “Alone? Do you mind if I join you?” ani ng pamilyar na boses. Agad naman niyang nilingon ang lalaki at sa tulong ng patay sinding ilaw ay nakita niya kung sino ‘to. “Xyrus,” she uttered. “Anong ginagawa mo dito?” “Working,” bulong nito sa tenga niya bago ngumisi ang binata at naupo sa tabi niya. “Whiskey. On the rocks, please.” “Drinking while working?” she asked. Lumingon naman ang lalaki sa kanya at ngumiti. “Isn’t fun to work while drunk?” “Nope.” Umiling siya. “For me it is,” sagot pa nito. Doon lang niya napansin na dikit na dikit na sila dahil hindi nila maririnig ang isa’t-isa kung hindi sila maglalapit. “Anong ginagawa mo dito?” She rolled her eyes. “Isn’t obvious?” “Ahh. Ini-stalk mo ko?” “What?” she exclaimed making Xyrus laugh. Imbes na sumagot ang binata ay hinila siya nito papunta sa isang kwarto sa likod ng club kung saan unti-unti nang humihina ang maingay na tugtugin. “At last we can hear each other.” “Bakit mo ko dinala dito?” tanong niya at inikot ang mata sa paligid. Para ‘tong office dahil may table at mahabang sofa sa gilid. May maliit din na bar counter sa sulok na may iba’t ibang klaseng alak na naka-display. “Hindi ko marinig ang boses mo doon at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka dahil ang lapit lapit ng labi mo sa akin.” Diretsong sagot nito na kinagulat niya. Why, this man is so straight forward. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito ang mga salitang iyon sa kanya. “Baka hanapin ako ng kaibigan ko.” “Ako na ang maghahatid sayo,” sagot nito at inabutan siya ng baso ng alak. “Here, don’t worry it’s on me.” “Seriously, ano ba talaga ang trabaho mo? Boss ka sa Coitus Agency, chef ka sa restaurant at ano naman ang trabaho mo dito?” “I own this,” may himig ng pagyayabang sa boses ng binata. “Pati ang restaurant ay pagma-may-ari ako kaya kung gusto mo kumain doon, sabihin mo lang. Ipapasara ko pa ang buong restaurant para sayo.” “A-ang OA mo ha,” saad niya at agad umiwas ng tingin. Aaminin niyang kinilig siya sa sinabi nito sa kanya. Ngayon na lang kasi may bumanat sa kanya ng gano’n. “Kwentuhan mo naman ako tungkol sayo.” “Like what?” he asked and sipped on his whiskey. Saglit namang nag-isip ang dalaga kung ano ba ang ipapa-kwento niya dito. Wala kasi siyang alam na kahit ano tungkol kay Xyrus. She only knew his name, nothing else. Napaka-misteryoso nito at para bang ang daming tinatago. “Anything you want to tell.” She answered afterwards. “Ask me then.” “Sino ka ba talaga? I mean, I knew you as the agency’s boss and now I know that you own two different businesses. How about your personal life? Anong hobby mo? Single ka pa ba? Mga gano’n.” He gave a chuckle. “I won’t be here if I’m not single, Rayanne,” sagot nito at tila kay sarap pakinggan ng pangalan niya kapag binibigkas ni Xyrus. “Hobby ko? Hmm…let’s see. I love having s*x. I like kissing, I like everything about sex.” “f**k boy ka pala,” umikot ang mata niya na kinatawa ng binata. Bakit ba tinanong pa niya kung anong hobby nito eh halata namang s*x lang ang alam niyang gawin. “I’m kidding, alright? Ang totoo hilig kong mag-luto kaya nga chef ang naging profession ko. Sabi ng iba boring daw ako, masungit daw ako at aloof sa ibang tao. Pero ang totoo ay dumi-distansya lang ako sa kanila.” “Bakit?” “Simply because I don’t give a f**k about them. I may look like a happy-go-lucky person but I have my own personal shits that I don’t want anyone else to know. Masaya na ako na iniintindi ko ang problema ko mag-isa kasi aminin man natin o hindi kahit i-kwento mo sa ibang tao ang pinagdadaanan mo, bukas makalawa nakalimutan na nila ‘yon.” Napatitig naman si Rayanne sa lalaki. Para bang ang dami nitong problema sa buhay na dinadamdam niyang mag-isa. She couldn’t help but to hold his cheek making him look at her. “Hindi masamang mag-open sa iba kahit na sa huli ay malilimutan din nila ang sinabi mo. It’s better to let those problems out of your chest rather than keeping it yourself. Kung wala kang mapaglalabasan ng problema mo nandito ako Xy; I’m all ears. Papakinggan kita tulad ng pagkinig mo sa problema ko.” Xyrus stared at her for she doesn’t know how long. Basta na lang itong natahimik at tinitigan siya. He suddenly held her hand in his cheeks and without a word he pulled her for an aggressive kiss. Hindi naman agad siya nakagalaw at nang mag-simulang gumalaw ang labi nito ay napapikit na lang siya at tinugon ang mga mapangahas na halik na binibigay ng binata sa kanya. He tasted like whiskey. Lasang-lasa niya ang tamis at pait sa bawat halik nito sa kanya. But behind that sweetness, Rayanne could feel the pain, agony and sadness to every kisses he’s giving her. Unti-unti naman siyang hiniga ni Xyrus sa mahabang sofa na inuupuan at pumatong ito sa kanya. Walang pagtutol niyang hinaayan ang lalaki na halikan ang labi niya at niyakap niya na lang ang braso niya sa leeg nito dahilan para mas mapadiin ang labi nila. “I’ve been wanting to kiss you like this ever since we entered this room,” he said and gently bit her lip making her moan. Binuka naman ni Rayanne ang bibig at doo’y ipinasok ni Xyrus ang mainit nitong dila at naglumikot sa loob ng bibig niya. He explored her mouth and sucked her tongue. Naupo naman si Xyrus sa mahabang sofa at mabilis siyang hinila na umupo pabukaka sa kandungan nito. Hindi niya alam kung anong espirito ng alak ang sumanib sa kanya dahil pumapayag siyang halikan ng lalaking kaharap. She could feel her p***y shivering and her panties soaking. She can feel the spark every time Xyrus touches her skin. “X-Xyrus…” “Consider my offer to you Rayanne and I will give you much more than this, I promise. Hindi lang halik ang ipaparanas ko sa iyo kung ‘di lahat ng bagay na ikaka-satisfy ng katawan mo. Make me your instructor Rayanne and never in a day that I’ll stop pleasuring you.” She stared at the man in front of her. Ayaw niya man aminin pero umaasa siya na sana si Xyrus na lang ang para sa kanya. Umaasa siya na sana si Xyrus na ang lalaking muling magpaparamdam sa kanya ng tamis ng pag-ibig. She likes his company and she wants to know him much better. Kaya naman ngumiti si Rayanne at humawak sa pisngi ng lalaki. “Pleasure me Xyrus and don’t make me regret saying yes to you.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD