Chapter Thirteen

2648 Words
NAKA-TULALA lang sa kawalan si Xyrus nang maabutan siya ng pinsan sa opisina nito sa Coitus Agency. He was day dreaming about his first s*x with Rayanne the other day. Napaka-special ng gabing iyon dahil si Rayanne ang unang virgin niyang naka-siping mula nang mamulat siya sa kamundohan. Hindi kasi niya hilig na makipag-talik sa birhen dahil madami silang habol kapag siya ang naka-una. He doesn’t want the woman to be clingy to him just because he got their virginity. Mabuti nga si Rayanne ay hindi ganoong klaseng babae. Normal pa din kasi ang trato nito sa kanya nang magising sila kinabukasan. “Pumunta ka ba dito para tumulala?” kuha ni Edryl sa attention niya. “Ano bang meron?” “Wala. Masama bang bisitahin ka?” “Hindi, pero masama kung bibisitahin mo ko para tumanga ka lang diyan,” napa-iling ito. “I’ll be gone for a week, Ed,” aniya at malaking ngumiti. “I’m planning to treat Rayanne to a vacation. Tsaka ‘di ba sabi mo mag-out of town ako?” “Seryoso ka na ba kay Rayanne?” tanong nito sa kanya. “We’re friends with benefits, okay? Huwag ka ngang issue diyan.” “Masyado ka kasing masaya pag kasama mo siya.” He chuckled. “Of course I will be happy. Ikaw ba naman bigyan ng bagong thrill sa s*x life mo, eh.” “Sana ma-in love ka na para naman sumaya ka na habang buhay,” ngumiti ito sa kanya. “I highly recommend Rayanne for you my cousin. Papakawalan mo pa ba ang isang magandang dilag gayong nasa iyo na siya?” Hindi naman siya agad naka-sagot. Xyrus thinks that he’s still not yet ready to enter a relationship. Masaya siya kay Rayanne at sobrang natutuwa siya sa mga binibigay nito sa kanya. Pero sapat na bang dahilan iyon para umpisahan niya ang bagong commitment? “It will take time, Ed. Hindi pa naman huli ang lahat ‘di ba? Thirty one pa lang ako ‘no, kayang-kaya ko pa gumawa ng limang Montenegro,” biro niya sa pinsan. “Masyado ka naman nagmamadali eh, buti nga naka-move on na ako.” “Yes. Binabati kita dahil nagawa mo na iyon,” ngumiti ito sa kanya. “Remember that I will be the first person to be happy for you, Xyrus.” “Thanks mom,” puno ng sarkasmo niyang sagot na kinatawa ng pinsan. Kahit kailan talaga ay napaka-bait ni Edryl. Kahit na madami itong pagkukulang sa buhay ay naging mabuting tao pa din ito at hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago. Kaya mas naging close niya ito kesa sa pinsan niyang si Saturn. Mula pagkabata kasi ay si Edryl na ang kalaro niya dahil sa amerika nakatira si Saturn. Hindi niya din ito nakasundo nang umuwi ito sa Pilipinas dahil masyado itong mayabang at palaaway. Si Edryl naman ang taga-awat nila noong bata sila. “Saang probinsya mo ba dadalhin si Rayanne?” “Balak ko sa Batanes.” “Pwede din para naman madalaw mo din si Sera.” “Oo, namimiss ko na din siya,” mas lumawak ang ngiti niya bago tumayo sa kinauupuan. “Aalis na ko. Bukas na bukas din ay pupunta kami doon.” “Sige, ingat.” Xyrus was feeling excited as he drive to Rayanne’s office that night. Susunduin kasi niya ‘to dahil inaya niya ang dalaga na kumain ng dinner sa labas. Pagdating sa labas ng opisina nito ay bumaba siya ng sasakyan para antayin ang dalaga. Ilang saglit lang ay nakita niya itong palabas ng building. Napalunok siya nang matitigan ang katawan nito. She was wearing a black sheath dress and a white flats. Naka-sabit naman ang coat nito sa kaliwang braso kung saan hawak din nito ang bag. Xyrus could imagine him stripping off that sexy dress from Rayanne. He would slowly unzip her dress as he run his lips through the skin of her jaw and neck. Tapos ay tsaka niya iikot ang dalaga patalikod sa kanya at papatuwarin ito. “Hey?” naputol ang dirty imagination niya nang makalapit si Rayanne sa kanya na nagtatakang tinititigan siya. “Are you okay?” “Yeah,” he smiled and kissed her cheek. “How’s your day?” tanong niya at pinagbuksan ng pinto ng kotse ang dalaga tsaka siya umikot sa driver’s seat. “Good. Ikaw ba?” “Ayos lang din lalo na’t kasama na kita ngayon. Maybe we can f**k later?” Pinanlakihan siya ng mata ng dalaga. “Bastos!” asik nito ngunit may ngiti sa labi. “Ikaw talaga kahit kailan ‘yang bibig mo puro kabastusan ang lumalabas.” “You like it when I talk dirty, right?” he said and chuckled. “Nahawa lang ako sa’yo.” “Okay, sabi mo eh.” Napuno ng kwentuhan ang sasakyan ni Xyrus hanggang sa makarating sila sa isang Greek fine dining. Pagpasok nila ay agad silang dinala ng waitress sa lamesa na pina-reserve ni Xyrus sa tabi ng glass wall. “Himala at hindi na sa restaurant mo ang dinner natin.” Natawa naman siya. Sabi kasi ng dalaga ay paborito nito ang mga pagkain sa restaurant niya kaya doon niya ito palagi dinadala, isa pa ay wala siyang gastos dahil restaurant niya iyon. “I just want to treat you to other restaurant, baka kasi nagsasawa ka na sa mga pagkain ng restaurant ko.” “Thank you. Next time ay ako naman ang manlilibre sa iyo. Just tell me what food do you want to eat,” said Rayanne and smiled. “Madami pa pala akong hindi alam sa’yo. Ano bang favorite mong pagkain?” “Nothing in particular,” nag-kibit balikat siya bago tumingin kay Rayanne at nag-bigay ng pilyong ngiti. “But now my favorite to eat is you.” Nanlaki ang mata ni Rayanne nang saktong dumating ang waiter na kukuha ng order nila na mukhang narinig ang sinabi ni Xyrus dahil halata ang pigil nitong ngiti. She heard Xyrus chuckled and her face flushed. Rayanne cleared her throat. “I would like to order moussaka, Rakomelo for my beverage and Galaktouboureko for my dessert, geez, ang hirap naman bigkasin ng mga pagkain dito.” “Meron pong English name ang bawat pagkain, ma’am,” sagot ng waiter at tinuro ang nasa ibabang parte pagtapos ng greek name ng mga pagkain. Natawa naman si Xyrus habang pinagmamasdan ang dalaga. Halatang iniiba nito ang awkward na atmosphere dahil sa aksidenteng pagkakadinig ng waiter sa sinabi niya kanina. How he love to tease her. Lalo kasi itong gumaganda kapag namumula ang mukha. “I’m taking the same order as her,” he said and smiled at the waiter. Nang makaalis ang lalaki ay lumipat si Xyrus sa tabi ni Rayanne at doon naupo tsaka niya hinawakan ang kamay ng dalaga. “Chill. Hindi naman niya tayo kilala.” “Ang daldal mo kasi,” umismid ito kaya naman inakbayan niya ang dalaga. “Anyway, I already made an arrangement for our vacation tomorrow.” Tumaas ang kilay nito. “Vacation? Anong vacation?” “Pupunta tayong Batanes bukas,” sagot ni Xyrus. Hindi naman agad umimik ang dalaga. Paano kasi ay walang sinabi si Xyrus na magbabakasyon sila at martes pa lang bukas. Rayanne has a lot of work to do and asking for a leave will not be processed immediately. “Xy, hindi pa ko nakakapag-paalam.” “I told you I already made the arrangements. Pinagpaalam na kita sa boss mo.” “Ha?” nagulantang ito. “Paano?” “I have connections, baby.” Rayanne didn’t respond again. Napaka-unexpected talaga kahit kailan ng binata. But Xyrus has his own ways to get what he wants. Kaya nga niya nakuha ang dalaga dahil tiwala siya sa galing niya sa pangaakit. THE NEXT DAY they ride a helicopter to reach Bataan. Manghang-mangha si Rayanne habang nakasakay sa helicopter dahil unang beses niyang makasakay dito. Nakilala din niya ang isa pang pinsan ni Xyrus na anak ng uncle nito sa father’s side. Piloto ito ng sinasakyan nila at ito ang maghahatid sa kanila papunta sa probinsya. Hindi din naman nagtagal ang byahe at agad natanaw ni Rayanne ang isang malawak na lupain kung saan may flat surface na paglalandingan ng helicopter. Pagbaba nila ay nagpasalamat muna si Xyrus sa pinsan nitong si Benjamin para sa paghatid sa kanila sa Bataan bago siya nito hinila at sumakay sa isang kotse na magdadala sa kanila sa vacation house na titirahan nila ng isang linggo. “That was fun. First time kong sumakay ng helicopter,” masayang sabi ni Rayanne. “Madami pa tayong magagawa dito.” “I can’t wait.” Lumapit naman si Xyrus sa tenga niya tsaka ito humaplos sa hita niya. “We can also f**k in front of pacific ocean if you want. Malapit lang naman ang Vayang Rolling Hills sa bahay bakasyunan eh.” “Xyrus,” suway niya ngunit hindi natinag ang binata at sige pa din ito sa paghimas ng hita niya. “Stop or you’ll never have the chance to be inside me again,” pananakot niya na effective dahil bigla nitong tinigil ang ginagawa. “Pag s*x talaga usapan ha.” “I wouldn’t mind behaving in this ride for that, baby.” Napa-iling na lang siya bago humilig sa balikat nito. Ilang minuto lang din ay nakarating na sila sa isang bahay na nasa tabi ng dagat. Medyo may kalumaan na ang bahay at halatang napag-lipasan na ito ng panahon pero kahit ganoon ay nanatili ang ganda nito. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa nakaraan dahil sa historic style ng bahay. “Bahay ito ng magulang ni Fatima noon,” kwento ni Xyrus nang makababa sila ng sasakyan. “Binenta ito sa ama ni Saturn at noong nalaman ni Saturn iyon ay walang pagda-dalawang isip niyang binalik kay Fatima ang bahay.” “Aw, that’s so sweet.” Tumulis ang nguso ng binata. “Mas sweet pa ko,” bulong ni Xyrus na kina-ngiti niya. “I know,” she chuckled and kissed his cheek. “Ikaw lang ang pinaka-sweet na lalaki para sa’kin.” “Really?” he smiled and pulled her closer to him. Niyakap naman niya ang mga braso sa batok ng binata tsaka tumango. “Yes, really. Kahit na palagi kang bastos,” tugon niya na kina-ngisi ng lalaki. Agad naman siyang hinalikan ni Xyrus sa labi at nang mag-umpisang gumalaw ang labi nito ay kusa siyang tumugon. “Ayee! Magse-s*x na ba kayo?” singit ng isang boses na kinalingon nilang dalawa. Kumunot ang noo ni Rayanne habang pinagmamasdan ang isang dalaga na naka-ngisi sa kanilang dalawa. “Sera,” sambit ni Xyrus at malawak na ngumiti. “Come here, I missed you!” Agad lumapit si Sera kay Xyrus at yumakap dito. “Namiss din kita uncle!” sagot nito tsaka kumalas ng yakap. “Hindi mo sinabi na magdadala ka pala ng chicks mo dito. Ano, gagawa na ba kayo ng baby?” “Your mouth Sera,” suway ng binata kay Sera na kinatawa lang nito. “Anyway, Rayanne this is my niece, Sera Montenegro. Anak siya ng kuya ko.” “Hi, nice to meet you,” bati ni Rayanne dito. “Nice to meet you din po tita Rayanne,” magalang na sagot ng dalaga at mabilis na lumapit sa kanya. “Ang laki po ng boobs niyo, ganoon ba talaga pag laging nilalamas?” “Sera!” Malakas na natawa si Rayanne sa tanong ni Sera. “Hindi naman. Natural na lumaki na lang ang dibdib ko.” “Gano’n?” anito tsaka humawak sa dibdib. “Ito kayang akin kailan lalaki?” “Pumasok na nga tayo,” singit ni Xyrus tsaka siya hinila papasok ng bahay. Si Sera naman ay agad bumuntot sa kanila. “Pagpasensyahan mo na si Sera ah. Ewan ko ba kung bakit naging ganyan ang tabas ng dila niyan. Palagi naman ‘yan sinasabihan.” “Sabi kasi ni uncle Saturn dugong Thirdy Montenegro daw ako,” tukoy nito sa ama ni Xyrus. “Kaya gano’n ako! Sabi ni lolo Ben bastos daw si daddy Thirdy noong bagets pa siya.” “Dad is different with you, dinamay mo pa ang lolo mo.” “I’m just stating facts, uncle. Ikaw din naman bastos,” umismid ito bago ngumiti kay Rayanne. “Ilang beses na po ba kayo na-borjag ni uncle?” “Borjag?” natatawang tanong niya dito. Halata ang pagiging witty ng dalaga dahil sa paraan ng pananalita nito. Para din itong kanto girl dahil sa mga terms niya ng salita. Maganda din naman si Sera, maputi ito at slim ang katawan. She has this hooded brown eyes and a long black hair, matangos ang ilong ng dalaga at mapupula ang labi, paniguradong madaming lalaki ang manliligaw dito pag nag-mature pa ang hitsura nito. “Opo borjag, sa mas madaling salita s*x, iyot, pagtatalik, siping, kanto—” “Enough of that!” pigil ni Xyrus. “Jesus Christ, Sera. Saan mo natututunan ang mga salitang iyan?” “Diyan lang sa mga friends ko.” “Sera babae ka, hindi ka dapat ganyan mag-salita,” sermon ni Xyrus dito at namewang. Rayanne smiled and watched him as he scold his niece. Para ‘tong tatay dahil sa seryosong itsura nito habang nakatitig kay Sera. “Grabe naman ‘yan uncle, pag babae bawal na mag-salita ng bastos? Pag lalaki pwede? Where’s the gender equality in that?” Hindi na din naman kailangan ipaliwanag kung bakit ganoon ang ginagawa ni Xyrus. Sera never had the chance to have a parent. Bata pa lang kasi ito nang mamatay ang magulang at mapunta sa poder ng mga Montenegro. Bago pa man mapunta sa Montenegro ang dalaga ay nanirahan ito sa squatters kasama ang ina niya kaya na din naging gano’n ang ugali nito. Xyrus is Sera’s father figure. Siya ang dumidisiplina sa dalaga mula pa ng bata ito kaya naman parang anak na din ang turing ni Xyrus dito. Sa batanes din muna pinagaral si Sera dahil nagpapagamot si Thirdy sa amerika dahil sa sakit nito sa puso. Ngayon naman na nakabalik na ang magulang sa Pilipinas ay iuuwi na din nila si Sera sa Maynila. “Tama na iyan, Xyrus,” pigil ni Rayanne at ngumiti kay Sera. “Tayo lang naman ang kasama niya eh,” aniya at humarap sa dalaga. “But remember Sera, hindi ka dapat makipag-usap ng ganyan sa ibang tao lalo na kung lalaki dahil pwede ka nilang bastusin.” “Opo. KJ lang po talaga si uncle.” Natawa siya sa sinabi nito. “Oo nga. Minsan din pikon ‘yan.” “Babe.” “Jowa ka po ba ni uncle?” usisa ni Sera at pilyong ngumiti. “Kung oo, kailan po kayo magpapakasal? Si uncle na lang walang asawa, nahuhuli na sa pagkakalat ng lahi. Kung hindi naman, kailan mo siya jojowain? Kawawa naman walang love life.” “Stop that,” Xyrus said but Rayanne laughed. “Wala kaming relasyon ng uncle mo.” “Pero malay mo magkaroon,” singit ni Xyrus na kinalingon niya dito. He was smiling widely before he wrapped his arms around her waist. “It’s not a bad idea right?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD