Chapter 9

1275 Words
Shannon's Pov Nagising ako dahil sa kumukutitap na liwanag na tumama sa mata ko. Deym. Pagbukas ko ng mata ko naabutan kong pinipikturan kami nina Rica at Abby habang natutulog ako sa balikat ni Louie habang magkahawak kamay. Shet! Nakakahiya. "Hahahaha kaya pala ang tagal bumalik kase may something" rinig kong tukso ni Rica na sinang ayunan naman ni Abby. Napatayo agad ako at ganun din si Louie. Naknang! "Haha mamaya nyo na ituluy yang sweet sleep nyo at uuwi na tayo. Grabe ilang oras namin kayong hinanap pero natutulog lang pala kayo dito at ehem with holding hands pa" bulalas ni Rica. "U--uyy mali na kung mali at least may picture kami. Ayieee hahahahha ang rare kaya ng photo na to right Abby?" Natatawang sabi ni Rica sabay pakita ng picture na kinuha nya. Dem! "Hahaha yeah. Nilanggam nga ako sa kasweet ehh" feel ko pulang pula nako. Gosh. Bakit pa kase nila nakita. Nakakahiya tuloy. Kinaumagahan nagtext si Louie na susunduin nya ako. Sabay kaming pumasok sa school. Pagpasok namin sa campus makikita mo talaga ang excitement sa mga mukha nila. "Anong sport ang sinalihan mo?" Tanong nito. "Wala. Hehe kain lang yung talent ko at wag ka nang magtanong." Nakasimangot kong sabi. "Hahahaha ok lang yan atleast buhay." Biro nito kaya pinalo ko ito sa balikat na ikinatawa niya. Sheems. Lord bakit ba kase ang sexy at manly ng tawa niya. Nakakaadik. "Hahaha ewan ko sayo. Pero ikaw?" Tanong ko dito. "Volleyball and chess" Napahinto naman ako sa paglalakad. "Seryoso?" Tanong ko at tumango naman sya. "Pero di ka naman namin nakitang naglaro?" Dagdag ko. Nagulat naman ako ng nilapit nito yung mukha nya sa mukha ko at ngumiti. "Watch me." Sabi nito sabay kindat at kiss sa tip ng ilong ko kaya naitulak ko agad sya kase nakakahiya na at pinagtitingnan na kami. At nakakailang kaya. "Hahaha oo na. Ichicheer kita kung gusto mo" sabi ko na lang. "Sure?" Tanong nito kaya napasimangot ako. "Oo nga. Wala ka bang tiwala sa GIRLFRIEND mo?" sabi ko sabay diin sa word na girlfriend. Haha actually di pa kami. Ayaw niya akong ligawan kase gusto niya kasal na agad. Hahah ohh diba ang weirdo ng taong to. Pero sa totoo lang hanggang ngayon di ko pa official na masasabi na kami na talagang dalawa. Di ko pa kase nakikita ang mga signs niyA na nanliligaw na siya eh. Tska sinabi ko lnng to para tumigil na kakatitig nung mga babaeng nakapalibot samin. Makatingin kala mo naman kakainin nila si Louie. Haler. Babakuran ko na kayo mga gurls. Especially tong mga girls mula sa ibang school na nadirito para sa palaro. Grabe talaga kung makatingin kay Louie babes ko. "Girlfriend ko? Haha sounds good." sabi nito. Napataas naman ako ng kilay ng inilapit nito ang kanyang bibig sa tenga ko at bumulong. "But Wife ko still the best. You being my wife suits you the best" dagdag nito kaya tila kinoryente ang katawan ko sa ginawa niya. Pakingshet. Bakit niya hinalikan ang tenga ko? Agad ko siyang tinulak at tiningnan ng masama. Pero ang wengya tumawa lang. Para bang aliw na aliw na siya sakin. "Hindi na kita liligawan kase tayo na. Mula nung makita kita sa bundok ay pag-aari na kita. Asawa at reyna na kita ok?" nagulat naman ako ng bigla niyang sinabi iyon. "At dahil tayo na araw-araw kitang liligawan at araw-araw kitang bubusigin ng pagmamahal ko" Napateary-eyed naman ako sa sinabi niya. Na touch ako. "Kahit possessive ka mahal kita. Sige na nga. Hubby na kita ahh. Wala ng bawian" sabi ko nakita ko namang namula ang mukha nito at nagsisigaw-sigaw kaya nakakuha na naman kami ng attention. Daang! nakakahiya. Hahaha ang harot ba namin? dyahe na atleast ako may jowa. Ikaw ba meron? hahahaha charoot. Bigla ako nitong niyakap at pinaikot pa. Hahah abnoy talaga. "Salamat asawa ko. Promise mamahalin kita at poprotektahan. Handa akong ibuwis ang buhay ko para sa reyna ko" sabi nito at hinalikan ang bunbunan ko. Namula naman ako ng ma-realize kong ang PDK na namin. Public Display of Kalandian. Jusqo naman. Pero ok na. Atleast official na kami. Hihihi. Kinikilig ako wengya. "Haha gagalingan ko para sayo" sabi nito sabay wink sakin. Hahaha di ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa ginawa niya. Haayst. This guy if full of suprises. "At bilang asawa at reyna mo ay ichi-cheer kita" sabi ko. Kiniss muna ako nito sa cheeks bago hinawakan ang kamay ko para magpatuloy sa paglalakad patungong room. Hahahah wengya. Oo na. Ako na ang kinikilig. PAGDATING namin sa room ay nandon na sina Abby at Rica. "I-cheer mo ko mamaya babe hah." Sabi ni Jackson. Naparoll eyes na lang si Rica. "Hahaha kailan pa ba yan umabsent sa mga laro mo Jackson? " sabat ni Abby kaya tumawa kami. Table Tennis player si Abby while Badminton naman kay Rica. Ako lang yata yung walang kaalam alam sa sport saming tatlo. "Uyy Abby halika na. Pinapatawag na tayo ni coach." Rinig naming tawag ni Tina kay Abby. "Pano ba yan. Aalis nako. Wish me luck." Sabi nito pero bago ito makalabas ay dumating si Mark. "Ang gwapo ng boyfriend ni Abby noh?" Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko. Hahaha sana all. "Mukhang di na nya kailangan yung cheer natin kase may magchicheer na sa kanya." Biro ni Rica. "Sinabi mo pa." Agree ko. UMALIS na sina Rica para magprepare kase ngayong 10:30 yung laro nya same as Abby. At sa kasamaang palad di ko alam kung san ako magchicheer. Kay Abby ba or Kay Rica. "Huhuhu ano ba yan. Sinong ichicheer ko ngayon?" Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nandito kami ni Louie sa bench ng open area ng school. Maraming taga ibang school ang nandito so expected na maraming tao tong school namin ngayon. Talking about palaro? Tsk. Tsk. Tsk. This year dito kase hineld. Haayst. "Haha wag ka na lang manood. Ahm don't get me wrong. I'm not tryin to ruin your friendship but kase pag nanood ka ng game ni Rica baka magselos si Abby and same goes as Rica pag nanood ka nang game ni Abby." Napaisip naman ako. May point sya. "Libutin na lang natin ang campus." Suhesyon ko para di naman boring yung pagpunta namin dito. Sasagot na sana sya ng may dalawang stuyante ang lumapit samin. "Ahm kayo po ba si Louie Vergara?" Tanong nito. "Yes. Why?" Napakagat labi naman ako sa cold na sagot nito. Hahaha imba din tong lalaking 'to. May pa cold-cold pang nalalaman pero pag kaming dalawa lang sobra pa sa asukal sa tindi ng pagiging cheesy at tamis. Pero deym. Ket ganun siya kinikilig pa rin ako hikhok. "Coach Clark wants to talk to you." Sabi nito. Nag-aalala naman akong tiningnan ni Louie. Ngumiti na lang ako. "Ok lang. Dito lang muna ako. Puntahan mo na yung coach mo mas importante yun." Bumuntong hininga naman ito. "I'll be back" sabi nito at ginulo ang buhok ko. Hay naku. Tong lalaking 'to talaga. Nang makaalis na sila of course naiwan akong mag-isa. Great. Just great! "Hi" napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti itong nakatingin sakin. "I guess you're alone here. Am I right? Ahm... Can I join you here?" Nag-aalinlangan pa ko pero umo-o na lang din. "I'm Fire Atienza from East University. And you are?" Sabi nito sabay lahad ng kamay. Mukhang friendly naman sya kaya tinanggap ko ito. "Shannon Marie Puertorico" sabi ko sabay ngiti. "So it was really you." Rinig kong bulong nito. "Ha?" Takang tanong ko. "Nothing. Your name suits you Ms. Beautiful" Di sya masyadong honest noh? HAHAHA charoot. "Ahehe thanks kung ganun." nakangiting saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD