"Starting today, the two of us are just strangers, with a lot of memories, and a painful one. "
"Bakit kailangang laging panain ni Kupido yung mga taong hindi naman para sa isa't-isa? "
--
"Pupunta ka ba sa kapilya mamaya Maricar? "Tanong ni ate Dona, lumingon ako sakanya at tumango. "Pakidala naman 'tong mga lasagna ko sa address na 'to. "Sabi niya at inabot sa akin yung basket, nandun din yung papel I mean address.
"Ate Dona, pakiayos naman ng sulat mo, parang guri na lang to e. "Sabi ko at humarap naman si ate Dona sa akin, ngumiti siya. "Ididigta ko ikaw magsulat. Dami mong arte ha. "Sabi niya at nagbigay sa akin ng ballpen at papel.
"Barangay. Bambang Purok tres. "Digta niya, sinulat ko naman sa kapirasong papel na binigay niya. Mapapadaan nanaman ako sa kapilya nito, mabuti na din, diretso na.
"1255. "Sabi niya ulit, tumango ako at sinulat na 'yon sa papel na hawak ko. "Osiya, ate papasok na ko. "Paalam ko at sinukbit na yung bag pack ko, bitbit ko na din yung basket ng lasagna. Pag ako nagutom kukupit ako dito e, char.
"Teka, teka, papasok kang bitbit yan? "Tanong niya at tumango naman ako, naglakad na palabas sa munti naming apartment. Hindi ko na rin naabutan si mama, nagtitinda kasi yun sa palengke ng mga gulay gulay.
"Pakisabi na lang kay mama na pumasok na ako ate ha?! "Sigaw ko nung pababa na ako sa hagdanan, tatlong apartment kasi ang nandito, nasa gitna yung sa amin.
--
"Hoy, Imperial maningil ka na daw don! "Sigaw ni Daniel, yung jowa nung kaibigan kong maingay na si Edshel. Struggles of being the class treasurer.
Pumasok na ako sa classroom at pinatong ko na yung bag ko sa upuan ko at nilagay sa ilalim yung basket. "Hoy ano yan? "Tanong ni Wriene na nakasilip sa nilagay ko sa ilalim.
"Paninda lang yan ni ate, tanga. "Sabi ko at nagumpisa na akong maningil nung may pumasok sa pintuan. "Limang piso hoy. "Sabi ko nung nilampasan lang ako ni Myline.
"Mamaya na, agang aga singil agad? "Masungit niyang sabi at dumiretso na sa upuan niya.
"Hoy, Lhester, akala mo makakalusot ka today? Ha! Akin na limang piso, pacool ka pa dyan. "Singil ko nung pumasok naman sa pintuan si Lhester, lagi na lang pinipilit lumusot.
"Mamaya na. "Sabi niya rin at dumiretso na, nakapamulsa pa si tanga, akala mo cool siya.
"Wriene, isa ka pa! Akala mo makakalimutan ko?! "Sigaw ko din sa kaibigan kong tumakbo na. Aba, siraulo talaga 'to.