Kabanata 11: Cute

1622 Words
Buo naman ang katawan ko nang nakauwi ako sa condo ko pagkatapos kong dumalaw sa hospital. Pakiramdam ko kakalas na ang katawan ko sa kaluluwa ko sa pagod.   Kaya lang hindi pa ako nakakatagal sa pagkakahiga ay may naalala ako. Napabalikwas ako sa higaan ko at dali-daling hinahanap ang phone ko. Hinalughog ko na ang aking buong condo pero wala akong makita. Kahit iyong purse bag na dala ko nung pumunta ako sa... club!   Oh, s**t!   Halos ilang mura ang nabitiwan ko dahil malaki ang posibilidad na nawala ko ito.   "Kalma, Felicity..." nagpabalik-balik ako sa paglalakad habang inaalala kung saan ko ito naiwan.   Binuksan ko ang laptop ko at nagtipa ng mensahe kay Ciro.   Ako:   May naiwan ba akong purse bag diyan?   Mabilis naman akong nakatanggap ng mensahe sa kanya.   Ciro:   Wala.   Huh?! s**t! Hindi pwede! Bukod sa nandoon ang phone ko. Nandoon din ang atm cards ko! Wah!   Ako:   Pwedeng pakitingin ulit.   Ciro:   Kung gusto mong alamin at ayaw mong maniwala, pumunta ka dito. Look for yourself. Basta wala dito. Wala kang dalang purse bag or anything.   Umirap ako sa mensahe ni Ciro. Balak ko na sanang patayin ang laptop ko nang muli siyang nagchat.   Ciro:   Alamin mo sa club. It must be there if you're lucky.   I sighed. Mukhang iyon lang ang dapat kong gawin.    Kinutusan ko ang ulo ko at imbes na makapagpahinga ngayong gawin, kailangan ko pang lumabas para bumalik doon sa club. Kaya lang, nung pumunta ako doon at nagtanong sa staff. Wala naman daw silang nakitang black na purse bag o kaya may nagsauli. Sinabihan pa ako na 'wag na masyadong umasa na maibabalik dahil malabo na daw maibalik pa iyon.   May point naman sila kaya lang... baka makuhanan ang pera ko at nandoon din ang mga ID ko.   Dali-dali akong umuwi at tinawagan ang bank ko para i-report kung anong nangyari sa mga cards ko.   "So, you miss it?" takang tanong ni Ciro.   Tumango ako. Buti na lang nakapasok pa rin ako kahit wala akong ID dahil kay Ciro.   "Yes, Mr. Hey. But pina-cut ko muna ang card ko tapos nakapagpalit na naman ako ng password sa mga social media accounts ko kagabi. May laptop naman ako kaya hindi naman naging mahirap." paliwanag ko.   "Good," aniya niya sabay tayo na kinaalerto ko.   Akala ko lalapit siya sa akin pero hindi naman pala. Lumakad siya papunta sa may isang cabinet may kinuhang folder at tinignan ito. Nakahawak ako sa batok ko at bahagya itong minasahe.   Gosh! Bakit biglang nag-init ang katawan ko? May kung anong kiliti sa aking gitna na nag-iinit na din.   Nagpatuloy ako sa pagmamasahe sa batok ko nang sulyapan ko si Ciro na nakatingin na rin pala sa akin. Tila repleksyon ng abo niyang mata ang apoy sa impiyerno. Malagkit ang tingin naming dalawa, kahit walang magsalita sa amin alam na naming dalawa kung anong gusto namin.   Nilapag ni Ciro ang folder sa gilid bago lumakad papunta sa akin pero kaagad din siyang napahinto sa paglapit nang may kumatok sa pinto. Gulat kaming parehas lalo na nung bumukas ang pintuan. Pasimpleng bumalik si Ciro sa kanyang upuan at bigong tinignan ang kanyang laptop.   He tightens his agitated jaw while frowning.   "Sa susunod tatawag muna kayo bago kayo umakyat dito." mapait na turan ni Ciro, halatang badtrip. Hinarap niya ako. "And you, Miss Felicity, nakalimutan mong i-lock ang pinto." makahulugan niyang turan.   "I-I'm sorry, Mr. Hey."   Matunog siyang bumuntong-hininga bago muling nagtipa. Halos magsalubong ang dalawa niyang kilay at bahagya pa siyang nakanguso.   Galit yan?   Pinigilan ko ang pagtawa ko habang kiniskis ang aking hita dahil sa biglang pamamasa nito. Bigo ako dahil hindi niya nagawa ang kanyang balak na gusto ko rin naman ngunit ang makita si Ciro na ganito kabigo, tila ang sarap laging makita.   Bahagyang yumuko si Abby at humingi ng dispensa.   "Ano 'yon?" tanong ko dahil para na siyang maiihi sa takot.   Nakuha ko ang atensyon niya at lumapit sa lamesa ko.   "Miss Felicity, may naghahanap po sa inyo sa baba. Importante daw po."   Saglit kaming nagkatingin ni Ciro, siya ang naunang umiwas bago tumayo na ako at nagdesisyon na bumaba na.   "Iyon po, Miss Felicity." sinundan ko kung sino ang tinuro ni Abby. "Iyong lalaking naka-biege na longsleeve at may backpack," dugtong pa niya na halatang kinikiling.   Tumango na ako at lumakad papunta sa lalaki.   Matangkad ito at maganda rin ang pangangatawan base pa lang sa tindig. Mukhang mabango at tama nga ako ng makalapit ako sa kanya na sinalubong naman din ako.   And his features are soft. He's cute, charming, and hot at the same time. Hindi na nakakagulat kung bakit kinikilig si Abby pati na ang ilan na nakatingin ngayon sa amin.   "Hi, please to meet you, Sir. Sabi ng staff namin pinapatawag mo raw ako. How can I help you?"   Naghintay ako ng sagot. Napanis na ang ngiti ko pero wala man lang siyang sinabi maliban sa pagngiti niya na tila isa akong anghel dahil sa pagkinang ng mga mata niya.   "Excuse-"   "I don't need your help. You need mine." sa tangkad niya hindi na ako nagulat sa malaki niyang boses.   Sa tingin ko matangkad siya ng kaunti kay Ciro. Kaya lang sa katawan mukhang mas masculine si Ciro kaysa dito. Pero teka! Bakit ko ba sila pinagkukompara imbes na alamin ang pakay niya?!   "Ikaw ang nagpatawag sa'kin dito. And you're telling me that?"   "Hindi ako makapaniwala na nakita kita ulit."   Ulit? I raised an eyebrow.   "Sino ka?" usisa ko sa kanya.   "Ouch!" nagpanggap siyang nasaktan habang humawak sa kanyang dibdib. "Hindi mo na ako kilala?"   "Excuse me? Pero tatanungin ba kita kung kilala kita?" biglang iritable kong tanong. A bit rude but I feel like he's playing with me.   Sana pala si Abby na lang ang pinakausap ko dito. Naudlot tuloy ang dapat na mangyari kanina sa opisina at hanggang ngayon basa pa rin ako. Tapos isa pa sa kinaiinisan ko ay ang hindi pagdiretso kung anong pakay niya. He's wasting a lot of time.   Umayos siya ng tayo. "Okay... siguro nga talagang hindi mo ako maalala. Maybe because you were too drunk that night and you weren't even looking at me. Para akong kumakausap sa hangin."   I titled my head a bit. Mas lalo akong nalito sa sinabi niya.   Nilahad niya ang kanyang kamay. "I was the guy you kissed sa club pero kaagad ka ring umalis nang walang pasabi. You kissed and run, woman."   Namilog ang mata ko, napatakip sa aking bibig. Muli kong pinasadahan ang kanyang kabuuan bago luminga sa paligid kung baka may nakarinig sa sinabi niya at nang masuri ko na nawala naman ay muli ko siyang binalingan. "Oh... sorry. Ikaw ba 'yon?"   "Yup. And that's okay. Pero bakit ka kaagad umalis?"   "M-may... bigla lang akong naalala na gawin." mabilis kong sagot.   Buti na lang hindi niya nakita ang nangyari sa labas.   He nodded his head.   "Bakit ka nga pala nandito?"   May kinuha siya sa kanyang backpack. "Because of this." sabay lahad niya sa purse ko.   "OMG! Thank you. Actually, kahapon ko pa 'to hinahanap. Pero hindi na rin ako umasa pa na mahahanap ko 'to." hindi ko makapaniwala na turan. Sinukbit ko ito sa aking balikat. Malapad ang ngiting ginawad sa kanya. "Paano mo pala nalaman na akin ang bag na 'to?"   Kumamot siya sa ulo. Namula ang kanyang tenga at nahiya na. He's definitely cute. "Pinagmamasdan na kita nung gabing 'yon at napansin ko na may dala kang bag at naiwan mo. Nakita ko rin ang ID mo sa loob, namukhaan kita kaya alam kong sa'yo yan. Buti pala nakapasok ka pa dito ng walang ID?"   Grabe pala! Pinagmamasdan na niya ako nung gabing 'yon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ibig sabihin alam niya ang galaw ko sa club kaya rin siguro nakipagsayaw siya sa akin. Is it good or bad?   Hindi ko alam ang sagot kaya ngumiti na lang ako. "Oo naman. Sinabi ko lang sa management na nawala ang ID ko."   May gulat pa rin sa kanyang mukha bago marahan na tumango. "Talaga?"   "Oo naman."   "I'm just shocked kasi alam ko strict sila dito when it comes to policy."   I narrowed my eyes on him.   But what he said was true. Swerte lang ako dahil sa privilege na meron ako at sa relasyon na meron kami ni Ciro. Not lucky to be his fvck buddy but the connection I have with him.   "How did you know? Dito ka ba nagtatrabaho?"   Mabilis siyang umiling. "No. I'm a chef."   "Interesting..." komento ko.   He smiled. "Thanks. By the way, I'm Andrus." inabot niya ang kanyang kamay na magiliw ko namang inabot.   "Felicity," I said, smiling.   Mas lalo siyang namula at nahiya. Ngayon napaisip ako kung siya ba talaga ang kasayaw ko nung gabing 'yon. Tila kasi wild at magaling sumayaw ang lalaking 'yon, itong nasa harap ko naman mahiyain at cute. Marahil dala na rin ng alak kaya malakas ang kanyang loob.   Alcohol can really turn you into a different person.   Hindi pa rin niya binitiwan ang kamay ko pero I don't mind naman.    "I-I have a restaurant diyan lang sa malapit. Two blocks away from here."   "Niyaya mo ba ako?"   He hissed, grinning. "Yup. Kung may free time ka lang naman."   Tumango ako at binawi na ang kamay ko. "Sure. But I want to do a favor for you dahil sa pagsauli nitong purse ko... treat kita kung saan mo gusto."   "Sure hindi ko tatanggihan 'yan."   "Okay then,"   "You owe me one then, Felicity. Hopefully, makapunta ka sa restaurant ko. I'll go ahead na." Gusto kong matawa dahil para siyang teenager na nahihiya sa harap ng crush niya.   Tumango ulit ako at ngumiti, kinaaaliwan ang kanyang pagkahiya. "Thank you again, Andrus." kumaway na sa kanya nang papalayo na siya. Muli niya akong nilingon at kumaway din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD