Chapter 2

1733 Words
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumakad na si Ice Cold Markus palabas ng hotel habang nakatitig ng masama sa kanyang likod hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan. Nanggagalaiti man ako dahil sa attitude niya ay wala na akong nagawa pa. Itinago ko na lamang sa attache case iyong folder na naglalaman ng agreement pati na rin iyong laptop ko. Habang palabas ako ng elevator papunta sa basement parking area ng Sky Hotel ay sakto namang nag-ring ang aking phone sa kamay ko. I rolled my eyes nang mabasa ko sa screen ang pangalan ng taong tumatawag sa akin. Sinagot ko iyong at kinausap iyong caller. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tapos na tayo? Pagkatapos mo akong ipahuli sa mga pulis? All I did was love you pero pinaghihinalaan mo akong ginantso kita," bungad ko sa taong tumawag sa akin. Siya iyong car dealership business owner na last target ko bago si Markus. Sa katunayan, nahuli na talaga niya ako na ginagantso ko siya, ngunit dahil sa kagandahan kong taglay ay nagdadalawang-isip siya. Ngunit sa huli, pinadampot pa rin niya ako sa mga pulis. Tama naman ang hinala niya sa akin pero magpapahuli ba ang swindler na katulad ko? Of course not. Muntik pa akong magka-record ng criminal case nang dahil sa kanya kaya naman binitawan ko na siya. I keep my record clean at hindi isang katulad niyang pangit at mukhang tauhan ni Paquito Diaz ang sisira sa buhay ko. Hindi ko na siya hinayaan pang makapagpaliwanag kaya pinatay ko na kaagad iyong phone ko at ni-block siya sa contacts ko na dapat ko nang ginawa two months ago. I decided to go to Kenzo's house. Isang swindler na katulad ko si Kenzo. He’s three years older than me. He is twenty-nine years old. He is into cougar women but with wealth, of course. Alam kong rest day niya ngayon at nakapatay ang kanyang spare phone na ginagamit niya sa mga babae na niloloko niya para sa pera. I dialled his personal phone number and it rang a few rings before he answered it. "Ken, nasa bahay ka?" "Oo, bakit? Punta ka?" aniya. Looks like he's smoking because I heard him puffing smoke. "Oo. Papunta na ako," saad ko. I walked to my red sports car na bigay nung car dealership businessman na binlock ko kanina. Hindi niya ito nabawi sa akin dahil sa akin nakapangalan ang sasakyan. I hopped in the car and started the engine. I looked at myself in the rearview mirror while still wearing my sunglasses. I smirked at myself as I think of getting this nice car without any sweat. That car dealership owner was too in love with me that he agreed to buy me this car from another car dealership company and named it to me. He freaking did a mistake right there. I laughed mentally for being so vicious and alluring. He fell for my deception. Then, Ice Cold Markus suddenly popped up on my head. Umiling ako ng mabilis dahil hindi ko matanggap na lumabas siya sa isip ko. All these men begging me to come back to their lives, them professing their undying love for me, yet here is Markus na walang pakialam sa akin. Just thinking about it makes my blood boil. It took me almost forty-five minutes to get to Kenzo's modern house. It is a two storey house with glass walls. Niregalo ito sa kanya ng isang biyudang cougar na walang magawa sa buhay kung hindi ang gastahin ang kanyang pera dahil sa pagkawala ng kanyang asawa. Dumiretso lamang ako sa garahe dahil minsan ay dito ako natutulog sa bahay ni Kenzo. Mayroon akong access sa bahay niya dahil pinahihintulutan niya ako. Ganoon kami ka-close ni Kenzo. "Saan ka galing, babae?" ani Kenzo nang makapasok ako sa loob ng kanyang magandang bahay. Nakahiga siya sa sofa habang suot lamang ay boxer shorts. Naglalaro siya ng video games sa kanyang cinematic na smart TV. Mabuti na lang ay sanay na ako na ganito si Kenzo. Dahil kung mayroong mapapadpad na ibang tao rito ay aakalaing magkarelasyon kami at naninirahan sa iisang bahay. "Nakipagkita ako sa fake future husband ko," sagot ko naman nang magpunta ako sa living room at naupo sa single couch na nakaharap sa kanya. Halos pahiga na nga akong sumalampak doon. Napaupo si Kenzo at halos makita ko na sa siwang ng boxer shorts niya ang kanyang talong. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip kaagad ng mukha gamit ang dalawa kong palad. "Kenzo, ano ba yan! Magdamit ka nga!" saway ko sa kanya. Tumawa si Kenzo sa aking reaksyon at bumalik siya sa kanyang pagkakahiga habang hawak ang controller na ipinatong niya sa kanyang tiyan. "Ayoko. Parang hindi mo naman 'to nakita dati. Nakita mo na nga yung s*x scandal namin nung pangalawang sugar mommy na ginantso ko ng todo," natatawa niyang wika. "Bastos!" singhal ko sa kanya. "Malaki ba?" pambibiro niya. "G*go ka! Bastos! Bastos! Bastos!" paulit-ulit kong sigaw sa inis at hiya. "Alam mo namang kung may maipagmamalaki lang talaga ako sayo.." aniya ngunit hindi niya ito tinuloy. "So, ano palang nangyari sa meet up ninyo ng fake future husband mo?" pag-iiba ni Kenzo. "Kailangan kong mag-prepare mamaya sa bahay niya. Kada may pupuntang tao doon kailangan nandoon din ako. Makikilala na ako mamaya ng pamilya at mga kaibigan niya bilang soon-to-be wife niya," paliwanag ko. Kinuha ko iyong inilapag ni Markus kanina sa mesa bago siya umalis. May kasama kasi itong maliit na box. Binuksan ko iyon at napaawang ang bibig ko nang masilayan ang napakagandang wedding ring. Nagnininging ang aking mga mata habang nakatitig sa singsing. Napakaganda ng diamond nito sa gitna at parang crown type ang singsing. I stared at it with awe and amazement. It is not just a simple ring bought in a simple jewelery shop. Pamilyar ako sa singsing dahil palagi akong tumitingin ng mga mamahaling items online. And it is definitely worth millions of pesos. I took the ring out from the box and slowly put it in my finger where it should be. Then, I realized that starting today, I will be soon-to-be Mrs. Euphemia Perez Alejandro, the wife of Ice Cold Markus Alejandro. “Nagningning na naman ‘yang mata mo,” matabang na wika ni Kenzo. I looked at him with a poker face. “Nahiya naman ako sa mga napundar mo bilang sugar baby ni madame Olivia,” mataray kong banat kay Kenzo. Ibinalik ko na lamang sa box iyong singsing at itinago sa aking bag. “Kung tutuusin mayaman ka na, eh. Hindi ko alam kung bakit ayaw mo pang tigilan ang panggagantso. Marunong ka namang humawak ng pera at properties,” umiiling ko pang dagdag. “Kulang pa,” ani Kenzo. Napansin ko ang pagkatulala niya sa kanyang nilalaro dahil hindi naman niya ginagalaw ang controller niya. “Grabe ka, Kenzo Jeremiah,” umiiling ko na namang saad at saka pa ako pumalatak. “Balak mo bang talunin sa Forbes magazine bilang pinakamayamang tao sa buong mundo si Bill Gates?” “Gusto niya kasi ng mayaman. Yung hindi na siya maghihirap kahit na kailan,” bulong ni Kenzo. “Ha? Sino? Lakasan mo nga. Hindi ko marinig. Malakas pa ang volume ng nilalaro mo kaysa sa boses mo, eh.” “Wala,” ani Kenzo at saka na niya itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang nilalaro. “Pahinga lang ako tapos aalis na ako mamaya. Mag-uuwi ako ng food dito mamaya katapos ng bagong raket ko,” saad ko at saka na ako umakyat sa kwarto na palagi kong tinutulugan sa bahay ni Kenzo. Halos dito na rin ako nakatira, eh. Mayroon akong mga gamit dito kaya kahit kailan ko gustong mag-stay sa kanyang bahay ay pwede kong gawin. Natulog muna ako ng ilang oras bago ako nag-ayos at magpunta sa bahay ni Markus. Mayroon nang kasamang maliit na calling card iyong ibinigay niyang ring box kanina kaya alam ko na kung saan siya nakatira. Sa village ng mga kilala at mayayamang tao. Nang maiparada ko ang aking sasakyan sa malaking golden gate ng malaking modern house ni Markus ay tinanggal ko ang aking sunglasses habang pinagmamasdan ang kagandahan ng bahay niya. Markus’ house surely costs over fifty million pesos. Apat na beses ang laki nito kaysa sa bahay ni Kenzo. Jackpot! Ngunit maisip ko pa lamang kung gaano kalamig si Markus ay nawawalan ako ng pag-asang makuha ang tiwala niya. I want this house. I want his money. I want to level up and Markus’ is the best victim of mine at this time. Oo na’t masama ang ginagawa ko. Pero masisisi ba ako ng mga tao kung gusto ko ng marangyang buhay? I have reasons and that’s all that matters to me. I dialled Markus’ phone number. It took him a minute bago niya ito sinagot. Halos manggalaiti ako dahil sa tagal niyang sumagot. “I can see you standing in front of my house,” bungad niya sa akin. He sounded busy and serious. Luminga-linga ako sa paligid ng gate at napansing may naka-install na CCTV sa gilid nito. And I realized he has access to the cameras. Damn this house. “Oo,” wika ko. Gusto ko rin sana siyang pagsabihan na bilisan niya sanang sumagot ng tawag dahil ayokong naghihintay. But as I think of my plans ay hindi ko na lamang siya sinermonan. Awtomatikong bumukas ang malaking gate at saka muling nagsalita si Markus. “Wear the ring before coming in. I’ll be there in five minutes,” ani Markus. “Kaya ko na. Marunong naman akong magluto. Kahit mamaya ka na dumating,” saad ko naman habang papasok sa aking sports car. Ipinarke ko iyon sa malawak na parking lot. “Change of plans. My mother is on her way there. She wants to meet you first before the dinner starts. She’s going to help you cook.” Napapreno ako ng wala sa oras at muntik ko pang masagasaan ang mga bulaklak sa tapat ko. What the freak?! I’m going to meet Mrs. Alena Alejandro, one of the influential women of the decade? “A-anong gagawin ko?” “Tumabi ka lang sa akin. Be clingy. And don’t expect that I will do the same. Just do what you have to do that’s it.” Napamura ako sa isip ko. How would I do that to a cold person like him?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD