MONDAY
Nandito na ako sa room kakapunta ko palang 6:50 palang naman inaantay pa namin si sir. Lumapit narin ako sa ka grupo ko na sa ngayon ay nag hahanda ng mga binili namin kahapon.
"Dyan nabili niyo ba lahat kahapon?"tanong ni Jayson
"Oo naman"sagot ni Dyan
"Nakalimutan nating salihin sa list yung butter,flour and mushroom,buti nalang meron sa bahay nag dala nalang rin ako..."-jayson
"Okay check natin kung kumpleto..."-Kierra
"...first yung inyo Jayson merong cheese?..."tanong niya kay Jayson tumango naman si Jayson
"Next is yung spaghetti?"tanong niya ulit
"Okay na"tipid na sagot ni Jayson
"Milk?"tumingin naman si Kierra at Jayson saakin
Kinuha ko yung fresh milk galing sa plastic bag tapos pinakita sa kanila. Tumango naman sila.
"Nice. Black pepper,egg and garlic?"
Isa isa namang nilabas ni Edrix yung mga binanggit ni Dyan.
"The bacon?..." Pinakita ko naman sa kaniya yung bacon.
"Then yung Cream?"pinakita naman ni Kierra yung Cream
"Tapos yung dala ni Jayson na nakalimutan natin okay na yun Jayson?"
Tumango naman si Jayson.
"Perfe--"di na natapos ni Dyan yung sasabihin niya dahil dumating na si Sir.
"--Good Morning Class"bati ni sir
Nag unahan naman yung mga kaklase ko pabalik sa mga ka grupo nila.
"You guy ready?"tanong ni Sir.
"Yes Sir!"sagot naming lahat.
"Okay dalhin niyo na mga binili niyo tapos dahan dahan pumunta sa Cooking room--Greet all the teacher na madadaanan niyo--And don't make too much noise na hindi naman importante. UNDERSTOOD?"
"YES SIR"
Dahan dahan naman kaming naglakad papunta sa Cooking room di rin naman masyadong malayo nasa 2nd floor lang ng HRM building--sinadya talaga na doon ipalagay dahil halos HRM students lang din naman daw ang gagamit. Tatlong sections lang ang HRM--- HRM-A, HRM-B, at HRM-C na nasa ground floor. Nasa HRM-B naman ako.
Pag dating namin sa loob nag unahan naman kami--sila lang pala kasya naman kasi kaming lahat wala namang dapat pag unahan. May oven at microwave sa gilid may nakapatong rin na blender aat mixer sa may counter top may mga gamit pang luto. Tapos sa kabilang side naman doon yung pangluto gaya ng mga kaldero mga ganon.
Tapos sa harap non may anim na pader pader para sa mga groups activity nadin. Sa anim na pader pader doon kumpleto narin mga gamit pang luto. Malaki naman kasi talaga dito.
Sumunod na ako sa mga kagrupo ko tinulungan ko silang ibaba sa lamesa yung mga binili namin. Nilagay ko yung plastic bag sa gilid para lagyan namin ng basura mamaya.
"Okay students i will give you 1 hour to make. Start"-Sir Domingo
Di ko na makita yung ibang grupo natakpan nga kasi ng pader. Pero rinig ko naman yung mga pag uusap nila.
"Okay groupmates pair pair nalang tapos yung isang maiiwan sakanya yung pinakamadaling gawain. So Kierra and Jayson partner..." paktay na
"Jamella and...ugh fine! Jamella and Edrix"iritadong sabi niya halata namang gusto niya lang maka pares itong si Manuel.
"And ako mag isa atleast madali lang yung trabaho ko" pag tataray niya.
"Okay now you Kierra and Jayson pabukalin niyo muna yung spaghetti and you Jamella and Edrix will slice the garlic,mushroom and bacon tapos lulutuin niyo. Ako naman mag grate ng cheese. All clear?"-Dyan
Tumango naman kami tapos pumunta na sa mga kapares namin sila Kierra doon sa may lutuan si Dyan nasa lamesa habang kami nasa lababo kumuha naman ako ng plato,kutsilyo,at cutting board.
"Isa isa nalang tayo ng trabaho o unahin muna natin yung isa?"tanong ko
"Tulongan nalang sa isang trabaho"
Tumango naman ako. Kinuha ko na yung chopping board. Nilabas ko naman galing sa plastic bag yung bacon.
Dalawang cutting board ang meron kami tapos dalawang kutsilyo rin.
"Ito sayo"sabi niya sabay bigay saakin nung mas maliit na kutsilyo kesa sa isa.
Nag simula na siyang mag slice ng bacon ako naman nag chop ng garlic.
Sinubukan ko yung mala-Gordon Ramsay slicing skills.
"Pftt FEELING CHEF"natatawang sabi niya.
Tumigil ako sa pag chop tapos inis na tumingin sakaniya napansin niya naman iyon kaya tumingin rin siya saakin na tumatawa parin.
"Bakit?"natatawang tanong niya ulit.
Pero di ko siya pinansin nanatili parin akong inis na tumitig sakanya. Bigla namang nawala yung ngiti niya tapos tumitig narin saakin.
Ayy
Ako nalang rin ang umiwas ng tingin. Kainis!
"Tch."
Natapos na akong mag chop kinuha ko na yung pan may lutuan rin dito sa gilid ng lababo. Nilagay ko na yung pan doon tapos nung medyo uminit nilagyan ko na ng butter. Lumapit naman ako sa kaniya tapos kinuha yung plato na may sliced bacon at mushroom. Tapos pinrito ko yung bacon pagkaluto nilagay ko na sa gilid nilagyan ko ulit yung man ng butter nilagay ko na yung garlic tapos nung medyo nag brown na nilagay naman nung Manuel yung mushroom.
"Kunin mo na kay Dyan yung flour"utoos ko sa kaniya.
"Ikaw kaya kumuha"utos niya pabalik
Sinamaan ko naman siya ng tingin tinawanan niya lang ako tapos lumapit na kay Dyan. Pagbalik niya nilagay ko na yung Flour sa pan tapos hinalo. Magsasalita na sana ako para utusan siyang kunin yung cream kaso inabot niya na saakin. ediwaw. Nilagay ko na yung cream tapos hinalo ulit. Lumapit naman saamin sila Kierra at Jayson na dala na yung lutong spaghetti na nasa bowl kinuha ko na yung pan tapos sinenyasan yung Manuel na patayin na yung apoy tapos nilagyan ng sauce yung spaghetti. Lumapit narin si Dyan saamin. Nilagay ko muna yung nahalo ko na carbonara sa plato tapos nilagyan ng bacon sa taas tapos kinuha ko yung cheese kay Dyan tapos nilagyan yung pasta tinaas baba ko pa yung kamay ko para...wala lang.
"Pftt FEELING CHEF"rinig ko pang bulong nung Manuel di ko na siya pinansin.
"Perfe-- di na ulit natuloy ni Dyan yung sasabihin niya
"--five minutes left"-Sir
Pinasa ko na kay Kierra yung plato na may carbonara tapos lumapit doon sa bowl na may carbonara para tumikim. Nilagyan ko muna ng bacon yun tapos sumubo di ko napansin na nasa tabi ko pala yung Manuel nag huhugas ng kamay. Tinignan naman niya ako.
"Uy bawal yan" sabi niya tapos i agaw yung tinidor ko tapos sumubo din siya.
Pinunasan ko naman yung bibig ko.
"Bawal daw?"bulong ko pero parang narinig niya ata
"Ako lang dapat"sabi niya habang may laman pa bibig niya.
Inirapan ko nalang siya tapos sumunod na kila Kierra.
"Okay group 4 nalang ang wala"sabi ni Sir habang yung mga group leaders nalagay na yung mga carbonara sa lamesa. Dumating narin yung group 4 tapos nilagay nila yung plato nila sa gitna,nagpasunod kasi kami una yung group 1 pasunod hanggang sa group 6. Group 2 kami.
Isa isa namang tinikman ni sir yung Carbonara tinawag niya pa yung ibang teachers na nasa Cooking room para daw tikman. Nag usap usap naman sila.
Charot parang master chef lang?
Nang matapos sila sa diskusiyon nila humarap na si Sir Domingo saamin.
"Okay the group 5 is the last one"dirediretsong sabi ni sir.
"Sobrang dami nang nalagay nila na paminta"pag explain ni Sir.
"Ang pang lima naman ay group 3, then pang apat ang group 6..."-Sir
"...the second one is group...group 2. Group 4 ang first"-Sir
Nagatalunan naman ang group 4 habang kami pumapalakpak.
"Guys! Second tayo!"tuwang sabi ni Dyan
Nginitian ko lang siya.
DISSMISAL.
THANKS FOR READING!
UPDATES EVERY WEDNESDAY!
LOVELOTS TAKE CARE!