WEDNESDAY
Nagising ako dahil sa init ng araw.
Putchakss antok pako eh.
Eksakto namang tumunog nadin yung alarm ko.
Grabe naman alas syete palang ang lakas na ng sikat ng araw.
Dumiretso nako sa Cr at naligo. Pagkalabas ko dumiretso nako sa Sala.
"Anak paki gising nga nung mga bata."utos ni mama.
Pumasok narin ako sa kwarto nila at ginising si andrea.
"Andi dising na" di rin naman ako nahirapan dahil dahan dahan naman siyang umupo.
"Gising mo na sila baka ma-late pa kayo"utos ko sa kaniya.
Tumayo naman siya at dumiretso sa higaan ng mga bata. Kaya lumabas narin ako.
"Ma,bumalik ulit siya sa pag iinom?"pag tutukoy ko kay papa
"Dimo na kailangan makialam Jamella" maotoridad na sabi niya.
Nagtatanong lang naman. edi wag na.
Nag patuloy narin akong kumain. Hanngang sa lumabas ang mga bata na nakaligo na.
"Jamella ikaw muna mag susundo sa mga bata may pupuntahan pa ako"
Ako?bakit ako?
"Ahh ma baka kasi ma-late nako. Si papa nalang po"pagdadahilan ko.
Totoo naman talaga baka ma late ako.
"Ikaw mag hahatid sa mga bata. Tapos na ang usapan. A-alis nako"dirediretsong sabi ni mama.
Kainis naman eh baka ma late pa ako.
Nakita ko namang binilisan nila ang pag kain.
"S-sorry ate Jam ahh p-pwede naman sigurong sumakay na lang kami marunong naman po akong mag commute sasamahan ko nalang po sila" si Andi
Ayy baka isipin niya nag rereklamo ako.
"Hindi okay lang. Kung pwede bilisan niyo nalang kumain"
Tumango naman sila at tumuloy sa pagkain. Nag paalam naman akong pupunta muna sa kwarto.
Pag pasok ko kinuha ko kaagad ang Cellphone at bag ko at bumalik sa labas.
Nakita ko manang bitbit na nila ang mga bag nila at parang ready nang umalis.
"Tapos na kayo?"tanong ko na ikinatango naman nila.
Dumiretso narin ako sa kotse at pinang buksan sila nang pinto. Nasa likod silang lahat samantalang si andrea ay nasa tabi ko.
Bago ko paandarin ang kotse tinignan ko naman ang oras. 7:45
Haa?! Watdafreak.
Sinimulan ko nang mag drive. Pero iniwasan kong bilisan baka madesgrasya pa ako kasama ko pa ang mga bata. Nang makarating kami sa paaralan nila hinatid ko sila hanngang gate sabi naman ni Andrea siya nalang raw mag hahatid sa mga bata.
Nagmadali akong pumasok sa kotse at nag tungong school.
Nang makarating ako tinignan ko agad ang oras. 8:04
Ampp late nakoo!
Lakad takbo ang ginawa ko para makarating.
Nasa harap nako ng room kaya kitang kita kong may teacher na sa loob.
Putekk!
Kabado!
Kalma!
Dahan dahan akong pumasok ng nakayuko.
"You're late Ms. Castro"bago pako makasalita naunahan nako ni sir Fred
Nag angat naman ako ng tingin. Kahit nakay sir ang paningin ko kitang kita ko parin ang mata ng mģa kaklase ko na nakatingin saakin.
"I-im sorry sir"tanging sagot ko at nag balik sa pagkayuko.
"Go to your seat"utos ni sir Fred
Dali dali naman akong umupo sa upuan ko. At syempre dahil katabi ko si Edrix kitang kita ko na natatawa siya.
Gago ka talagaa mamaya ka sakin!
Nang makaupo ako,ibinaling ko na sa lecturer ang utak ko. Ay pwede bayun?
***
Sa wakas ng kinawakasan! May wakas rin pala ang kapaguran! at kailangan ko ng pahingaa!
Lunch break naaaa!
"Uy nakagawa kayo ng assignment sa Math?"
"Ayy oo natapos ko na yun kagabi"
"Ako rin"
Dinig kong usap usapan ng mga kaklase ko.
Assignment?may assignment sa math?meron b--ay gagiii!
Dali dali naman akong bumalik sa upuan ko.
Asan na yun?
Nang mahanap ko ang notebook na kanina ko pa hinahanap,tinignan ko kung nakagawa ba ako ng assignment.
Bagsak balikat akong umupo.
Heh!no choice kailangan kong gumawa.
"Di ka mag lu-lunch?"tanong nang kung sino.
Nag-anggat naman ako ng tingin.
Si Edrix!
Tumayo naman ako.
"Edrix! Nakagawa ka ng assignment?"tanong ko.
"Aling assignment ba?"tanong niya na binigyan ko naman ng agad agarang sagot.
"Math!"
"Ahh oo meron ako."
"Pakopya"mahinang sabi ko.
"Sige wait lang."paalam niya na bumaling sa upuan niya may kinuha naman siyang notebook. May binuklat pa siyang page bago inabot saakin ang notebook
"Kopyahin mo nalang mag lu-lunch pa ako"sabi niya at nag madaling umalis.
Atleast di na ako maiistress neto.
Nag simula na akong kumopya Hahahahaha.
Putek ano to? Ba't di ko alam na may topic pala akaming ganito? grabe naman ka-ka pasukan pa lang.
Natigil ako sa pangu-ngopya nang may pumatong ng pagkain sa harapan ko.
Napa-angat ako ng tingin.
"Ano yan?"tanong ko.
Nakita ko naman siyang bumuntong hininga.
"Naaawa kasi ako sayo kahapon di karin naka lunch kaya naisip kong librehan nalang kita...wag kanang tumanggi,paborito mo yan diba?"dirediretsong sabi niya at bumalik sa upuan niya.
"Pano mo nalaman?"tanong ko.
"Ang alin"tanong niya.
"Pano mo nalaman na paborito ko ang Chuckie at Cal Cheese?"tanong ko.
"May nag sabi saki--ay sinabi mo pala saakin kahapon"sagot niya na mukhang nataranta pa.
"Ay di ko maalala...pero salamat dito"
Tinapos ko yung huling numero na sasagutan bago pinasok sa bag ang notebook ko at inabot ko naman ang kaniya.
"Thankyou ulit!"pasalamat ko bago bumaling ang pagkain sa tingin.
Na-miss kung kumain nito!
"Ok class good afternoon!"bati ni ma'am Esteloga.
Ayy putikkensss!
Dali-dali kung niligpit ang mga pagkaing nasa lamesa ko at nilagay sa loob ng bag ko. Nilagay ko naman ang bag ko sa baba para makuhaan ko kung sakaling maguton ako.
Kainis naman di pa nga abot sa bibig ko yung pagkain.
"Pass your assignments."utos ni ma'am
Enebe may assignment kaya ako.
Bilang lang ang mga nakita kong pumasa. Halos ata di gumawa.
"This is your attendance."sabi ni ma'am na nagpa react ng mga studyanteng hindi gumawa ng assignments
Yan kasi. gumawa kasi kayo. hhahahaha ang yabang ko.
Nag simula nang mag klase si ma'am Esteloga. At nakinig naman ako ng mabuti...totoo nga nakinig talaga ako.
"Copy everything that is written on the board. That will be your assignments. Make sure to pass it on Monday."
Ayy me assignment nanaman?
Di naman napahaba ang pag iisip ko dahil pumasok narin ang teacher namin.
DISSMISAL
*KRINGGG*
Napatingin naman ako sa cellphone ko dahil sa natanggap kung tawag.
Mader earth calling...
Ay bakit napatawag si mama?
"Jamella baka makalimutan mo ang mga bata"dinig kong tinig ni mama sa kabilang linya
Ay putikk muntik ko nang makalimutan yon ah.
"Sige po ma"sagot ko at agaran din namang natigil ang tawag.
So di pa pala nakauwi si mama? San naman nag punta yun.
Nag lakad naman ako papalabas ng room at dumiretso sa parking.
Nang makarating ako sa paaralan nila. Bumaba na ako ng kotse at tumawid papuntang loob ng skwelahan.
Ngunit di pa ko nakakapasok ng may nabangga ako. Malakas ang pagka bangga kaya napa atras ako.
Aray ko naman.
Napa anggat ako ng tinggin sa natamaan ko.
"Ayy sorry miss"pag hihingi ko nang tawad.
Kay gandang babae naman nito.
"Sorry din..a-ahh nag mamadali kasi ako m-mauna nako ha"di nako nakasagot pa dahil tumakbo rin agad siya.
"Mga bata mag bihis muna kayo bago mag meryenda"bungad ni paoa sa mga bata pag dating namin.
Nag mano muna ako bago dumiretso sa kwarto.
Humiga ako sa kama ko nang hindi hinuhubad ang sapatos.
Kapagod!
*ting*
Kinuha ko naman ang cellphone ko na nasa bulsa ko at tinignan ang nagtext.
Ayy sa gc namin.
*On-chat*
Tiffany:hi guys!how was your day?
Cedrick:our day feeling good
Brix:mga englisher na pala kayo dito
Cedrick:yes naman men we are englishing speaking.
Brian:uy englisher din kaya yan si Brix kala niyo ha
Brix:oo naman yes chapmpion kaya ako sa english subject.
Cedrick:Grabe si Jam oh nag se-seen lang
Brix:oo pare famous na kasi eh
Brian:baka kalimutan na tayo
Tiffany:Jamella ma mi-miss ka namin
Jamella;mga sira ulo!
Brian:uy namamansin pa pala mga pare!
Brix:ngayon lang yan pag tumagal di na yan mamamansin.
Cedrick:Tapos iiwanan tayo.
Tiffany:tapos masasaktan lang tayo.
Brian:oo nga no pagkatapos tayo nalang matitira.
Jamella:mga ulol!
Brix:di pwede mo naman kaming iwan.
Brian:masasaktan lang parin kami.
cedrick typing...
Jamella:mukha kayong mga tanga
cedrick typing...
Brix:HAAHHAHAHAHHA
Brian:AHAHHAAHAHA
Tiffany:AHAHHAHAHAHA
cedrick typing...
Tiffany:loading pa daw si Ced HAHAHAHAHA
Brix:naka data lang kasi Hahahahah
cedrick typing...
Brian:bigyan kita load pare gusto mo?
Jamella:AHAHAHAHAHAHHAHA
Cedrick:demonyo.
Brix:ayun naka reply din
Tifanny:akala ko bukas ka pa makaka reply Ced Hahahahah
Brian:number mo pare bigyan kita load
Jamella:AHAHHAHAHA
Tiffany:HAHAHAHAHAHA
Brix:tanggapin mo na @Cedrick Cahate nahiya ka pa
Cedrick:Demonyo kayooooo
*On-chat ended*
"Jamella mag meryenda na!"sigaw ni mama kaya dumiretso na ko sa sala.
Naalala ko gutom pala ako.