The 11th Flower: Black Poplar —"Truth"
===
February 14
Drake's POV
Itinuloy ko ang pagtra-trabaho doon sa construction dahil gusto kong makaipon. Ang plano ko sana ay pag gumraduate na kami ni Kale, titira kami sa isang apartment. Nag-iipon na ako ng pera ngayon. Para naman may mukha akong maiharap sa magulang ni Kale balang araw.
May hawak akong bulaklak habang naglalakad papuntang Ospital. Ito yung bulaklak na gusto ni Kale, gusto ko ulit siyang bigyan nito dahil hindi ko nagawang ibigay ang binili ko noong nakaraan. Bibisitahin ko siya ngayon sa Ospital dahil sabi niya a-absent daw siya ngayon dahil may health test siya.
Ito yung Ospital kung saan ko siya hinatid nung una kaming magkita.
Weird pa nga ang tingin ko sakanya nung mga araw na yun.
Nang makatapak na ako sa loob ay nagtanong ako doon sa counter kung saan yung kwarto ni Kale. At ang sabi niya ay sa may 2nd Floor, Room 218.
Mabuti nalang at hindi na ako agaw pansin ngayon dahil ako na yung lalaking hindi naka-eyeliner. Hahaha! Hindi na rin ganoon kasama ang aura ko.
Nag elevator ako papunta sa 2nd floor. Hanggang sa hinanap ko na yung kwarto kung saan nananatili si Kale.. Room 218 daw eh. Marami akong nakitang pasyente dito sa floor na to at marami din akong nakitang nurse na pagala-gala.
Nang makita ko na yung kwarto ay kumatok ako at binuksan ito.
Nakita ko si Kale nakaupo sa upuan at nakatingin sa bintana.
"Psst! Kale!" Tawag ko sakanya at lumingon siya sa kinaroroonan ko. Ngumiti ako sakanya at nagwagayway ng kamay.
"Drake!!" Masaya siyang tumayo sa kinauupuan niya at pinapasok ako sa loob.
"Kale oh!" Binigay ko sakanya yung hawak kong bulaklak. Nakita ko naman yung masayang ekspresyon niya tsaka niyakap ako.
Nang makita ko ang kabuuan ng kwarto, malaki ito at katabi ng kama ang bintana. Maraming mga bulaklak ang naka-display doon. Ganoon din ang iba't ibang painting..
"Ang laki naman ng kwarto mo.. Eh hindi ka naman laging nandito." Sabi ko habang kung saan-saan lumilingon.
Nang biglang bumukas ang pinto..
Nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na mukha..
S-Siya yung babaeng tumulong sa akin makapunta sa dorm noong tumakas ako sa Ospital! Oo nga pala, ito rin yung Ospital na pinag-stay-an ko nung oras na yun! B-Bakit siya nandito sa kwarto ni Kale?
"Mama!" Narinig kong sabi ni Kale.
Mama? Siya yung Mama ni Kale?!
Bumati agad ako, "Ah! Hello po. Magandang hapon po." Sabi ko sakanya habang nakayuko.
"Oh? Diba nagkita na tayo?" Narinig kong sabi niya at tumango ako, "Ah opo! Salamat po nung oras na yon.."
"Nagkita na kayo Drake?!" Ang gulat na gulat na sabi ni Kale. Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Ah.. Ikaw pala si Drake," biglaang nalungkot yung ekspresyon sa mukha ng mama niya na ipinagtaka ko.. "Oh, Kale anak, bumili ako ng mga prutas para sayo.." Sabay abot niya ng isang paper bag kay Kale..
"Salamat ma!" sabi ni Kale habang nakangiti, kinuha niya yung dala ng mama niya't inilagay sa isang mesa.
Nakita ko namang sumenyas ang mama niya sa akin, "pwede ka bang makausap?" ang bulong nito sa akin..
"o-osige po." Ang sagot ko. Ngumiti siya sa akin at lumabas kami sa kwarto ni Kale..
"Kale, diyan ka muna anak ha." Sabi nito..
"Okay~" Narinig kong sabi ni Kale.
Nang makalabas na kami ng tuluyan, umupo kami sa isang upuan kung saan walang masyadong tao..
"A-Ano po ba iyon?" kinakabahang tanong ko..
"Drake.. mahal mo ba ang anak ko?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon, hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.
"Ang ibig ko sabihin ay, mahal mo ba siya hindi bilang isang kaibigan kundi bilang ka-relasyon?" Kinabahan ako lalo nang sabihin niya iyon..
Tumango ako, "O-Opo ma'am. Mahal ko po ang anak niyo, gusto ko nga po siyang pakasalan at makasama habang buhay.." Inamin ko sakanya ang nararamdaman ko para kay Kale..
Nagulat nalang ako nang marinig ang singhot mula sakanya at nakita ko siyang umiiyak habang nakatakip yung kamay niya sa kanyang bibig.
Hindi ko na alam pa ang sasabihin o gagawin ko.. Umiiyak ngayon sa harap ko ang mama ni Kale.. Mas lalo akong naguluhan.
"S-Salamat," narinig kong sabi niya. Naguguluhan ako, bakit siya nagpasalamat sa akin?
Hinintay ko pa ang sasabihin niya..
"D-Drake, wag sanang mawala ang pagmamahal mo kay Kale.. matapos ko itong sabihin.." Anong ibig niya sabihin? Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Kale dahil sakanya ako masaya! Siya ang nakapag-pabago sa akin.
Hinintay ko muli ang sasabihin niya..
"Sabi ni Kale sa akin, dinala mo raw siya sa isang Art Exhibit at pinakita mo sakanya ang isang painting na naglalaman ng iba-ibang bulaklak." Tumango ako nang sabihin niya iyon, ano naman ang tungkol doon?
"Ang totoo ay.. si Kale ang gumawa noon." Nagulat ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"P-Paano po iyon nangyari?! H-Hindi ko po kayo maintindihan!" naguguluhang sabi ko..
Itinuloy niya ang pagsasalita, "elementary palang si Kale, marunong na siya puminta. Dahil iyon sa hindi namin siya pinapalabas masyado ng bahay kaya binigyan nalang namin siya ng pagkakalibangan. Ang tanging ginagawa niya lang sa bahay ay ang, mag drawing at ang samahan ang lola niya sa pagdidilig ng mga bulaklak at halaman.."
"Pininta niya ang painting na iyon kasama nang pagpinta niya sa lola niya. Yung lola niya kasi ang.. madalas niyang nakakausap." Tumulo ng sabay sabay ang kanyang luha habang nagkukwento.
"...Doon rin natutunang magustuhan ni Kale ang pag-aalaga sa mga bulaklak. Pero, bago mamatay ang lola niya, nag-away silang dalawa... P-Pagkatapos ay naaksidente si Kale.." Nabigla ako nang sabihin niya iyon at hindi ko na alam pa kung anong sasabihin ko. Basta, ang alam ko lang ay nakabukas ang tenga ko't hinihintay siyang magsalita..
"N-Nagkaroon ng damage ang bahagi ng utak niya. Dahilan upang makalimutan niya ang ibang pangyayari sa nakaraan niya.. Ganoon na rin ang pagkatao niya.. Nahihirapan din siyang magkabisado, patigil-tigil nga siya sa pag-aaral dahil sa kalagayan niya." Sinubukan niyang magsalita kahit hirap. "Isang gabi, nag-iwan siya ng sulat sa amin, sabi roon sa sulat niya. Ayaw niya nang manatili dito sa Ospital. Gusto niyang makita ang kabuuan ng mundo. Nung gabing iyon, natakot kami na baka kung ano nang mangyari sakanya.. Pero mabuti nalang at nakilala ka niya noon.."
Doon nagkaroon ng saysay ang kinu-kuwento niya sa akin.. At unti-unti ko nang nakakabit ang mga piraso ng palaisipan.
"Bumalik siya sa Ospital dala-dala ang libro ng lola niya. Akala namin.. Hindi na siya babalik. At muli ay inulit niya ulit yung ginawa niyang iyon, mabuti nalang at nakita siya ng isang nurse, ang sabi niya, nakita ka niya ulit sa pangalawang pagkakataon."
"A-Alam mo ba? M-Matagal ka nang gusto ng anak ko.. K-Kaya, sa tuwing kinu-kuwento niya ang mga bagay na ito sa akin, hindi niya maiwasang mapangiti.. At masaya ako dahil doon.. Pero.." Napatigil sa pag ku-kuwento ang mama niya..
"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko. L-Last year.. nalaman naming may peripheral neuropathy siya, sanhi daw ito ng.. ng aksidenteng nangyari sakanya. Ang sabi ng doktor.. maaaring mamanhid ang buong katawan niya.. at hindi na muli pang makagalaw.. A-Ang sabi ng doktor.. w-wala pa raw lunas ang sakit na iyon. Pero pwede daw iyon pigilan.. G-Ginawa namin ang lahat pero mas lalong lumalala ang sakit niya.." Hindi niya na napigilang humagulgol at umiyak ng lubusan. Habang ako naman ay napaluha sa sinabi niya. Tinakpan ko ang bibig ko, lahat ng pangarap ko para sa amin ni Kale ay parang nawala nalang basta-basta.
Ilang minuto kaming tahimik sa pag-iyak.
Hindi ko nagawang pigilan ang umiyak dahil sa nalaman ko. Pero tinatagan ko ang loob ko't tumayo.
"H-Huwag po kayong mag-alala," nagpakita ako ng pilit na ngiti, "a-aalagaan ko po si Kale. Kasi mahal ko po siya.. Alam ko pong gagaling ang s-sakit niya.." Pinunasan ko ang luha ko at nakita kong ngumiti ng lumuluha ang mama niya't..
"Salamat... Salamat Drake." Tinakpan nito ang bibig niya't hindi na napigilan ang sariling umiyak ng umiyak. Iniwan ko siya doon at bumalik na sa kwarto ni Kale.
Napapikit ako nang maalala ang sinabi ng mama niya.
Gusto kong magwala. Gusto kong magmura. Gusto kong sisihin ang mundo, ang sarili ko..
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang masayang mukha niya habang kumakain ng mansanas.
Isinarado ko ulit yung pinto.. Ayokong umiyak sa harap niya. Ngunit nagulat ako nang marinig ko siyang magsalita sa kabilang pader..
"Sorry Drake.. Mukhang, ako pa ata ang sisira sa pangako natin." Nang sabihin niya iyon ay ilang segundo akong napatigil.. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang pagkagulat ng ekspresyon niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit..
"W-Walang.. iwanan tandaan mo." Pinipigilan kong umiyak.
Naramdaman ko siyang tumango..
Nung araw na yon ay inalagaan ko siyang mabuti. Araw-araw ko siyang binibisita sa Ospital at binabalatan ng prutas, kinu-kuwentuhan sa mga anu mang nangyari. Masaya akong nakikipag-usap sakanya. At kailanman ay hindi ako napagod maglakad para lang makita siya.. Hindi kailanman nawala ang pagmamahal ko sakanya.
Ako, na hindi nagdarasal ay lagi nang pumupuntang simbahan upang humingi ng panalangin na sana, makasama ko pa si Kale hanggang pagtanda. Sana, malagpasan namin ang problemang ito.
God, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng panlolokong nagawa ko. Inaamin kong masama akong tao ngunit hindi iyon dahilan para kunin niyo sa akin ang nag-iisang mahal ko. Bigyan niyo pa sana kami ng oras.
***
“Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.” ― LT
===
vote. comment. share